Chapter 4: Crush?

3K 73 4
                                    

Dahlia's Pov

Dahil katapusan na ng buwan at konti nalang ang laman ng Ref. ko kailangan ko na naman mag-grocery, Pero pano ako makakag-grocery kung di ko maiwan si Akino.Di naman sa di pa siya magaling malay niyo may gawin  yun.

Tama may naisip akong paraan,Epektib naman yun ata?

Nilista ko lahat ng bibilhin ko siguro aabot sa 8,500 P ang gagastusin ko puro snacks,easy to eat,meat,fish,gulay,ingredients and some personal things tulad ng shampoo,conditioner,body wash,pabango,napkin at lotion. Matipid ako diba 😂.

Pagkatapos kong ilista ang lahat ng bibilhin ko ay naligo narin ako at ok fastforward. Ang outfit of the day ko ngayon Red t shirt na na may nakaprint na red velvet,Jeans and Doll shoes.

Kinuha ko ang gunting ko sa drawer ko at pumunta sa kwarto niya.

Nabigla siya ng makita niya ang gunting na hawak ko.Gihii.

"Para saan yang bagay na yan?"he asked.

"Akino maari ka bang sumama sakin sa pag-gogrocery? Ayoko kasing iwan ka..." di ko pa nga natatapos ang sinasabi ko ng sumingit siya.

"paggo-Grocery?  Teka Anong ibig sabihin mo sa sinabi mo!?" Oa neto (¬_¬).

"Patapusin mo muna ako,ang ibig sabihin Pago-grocery ay pamimili at gusto kong sumama ka dahil baka may masamang mangyari sayo habang wala ako at gusto ko mas masanay ka sa presensya naming tao"I replied.

"Eh para saan naman ya.ng hawak mo?" tanong niya ulit.

"Ah eto? Gunting,para putulin ko ang buhok mo"sagot ko habang naka-ngiti ng pagka-lapad.

"Kahit na magkamatayan tayo di kita papayagang galawin o putulin ang buhok ko" Laguuut nagalit na siya nagsimula na mamula ang mata niyA.

"Pwede ka naman mag-anyong tao diba? Kung ayaw mong putulin ko ang buhok mo siguro naman pwede kang mag-anyong tao. Maligo ka narin,ikutin mo nalang pa-kanan yun yung bagay na yun tapos ilagay mo sa ulo mo yung asul na bagay na yun buksan mo muna ha at ihahanda ko pa ang susuotin mo"Utos ko sa kanya sabay bato sa kanya ng tuwalya na nasalo naman niya.Para akong nanay neto.

"Oo na! Oo na!"irita niyang sagot sakin at pumasok na siya sa Banyo.

Ano kayang damit ang para sa kanya.Ipapagamit ko muna ang damit ng namayapa kong kapatid sa kanya.Oo may nakakatandang kapatid pa ako kaso namatay siya sa LIGAW NA bala.

Sa wakas may napili narin ako. Checkered na polo with shorts na hanggang sa tuhod.(Diniditelaye ko lang baka kasi ang short na isipin niyo ay yung boxer shorts 😂) .

"Akino! Nasa higaan mo na ang damit na susuotin mo hihintayin nalang kita sa sala" sigaw ko at bumalik na ako sa kwarto para kunin ang susi ng kotse ko at sling bag ko.

Tagal naman niya.. kanina pa ako nag-hihintay sa sala buti nalang nandito si Neko para i-entertain ako.

Woo at last bumukas narin ang pinto ng kwarto niya at....  at...

ISANG NAPAKA PERPEKTONG NILALANG ANG LUMABAS!!!

PERPEKTO TALAGA!!!

WALA AKONG MASABI NATULALA NALANG AKO!

G...GWAPO NIYA PARANG AMERICAN NA MAY JAPANESE NA MAY KOREAN SIYANG LAHI.

Ngayon palang ako nag-praise sa isang lalake ng ganito.

Teka bat ganito bat parang biglang bumilis ang tibok ng puso ko my gawd mag-papa check up na ako sa cardiopulmonary na doctor.

Okey okey idedescribe ko siya para sainyo readers. Tulala parin ako ๏︿๏.

Love In The MoonlightWhere stories live. Discover now