Chapter 6: Under the moonlight with him

2K 62 1
                                    

Dahlia's Pov

Dumating na ang oras na hinihintay niya na siyang ayaw ko nang dumating.

Ang oras kung kailan dapat ko na siyang pakawalan. Sakit.... kung napipigilan lang ang pusong magmahal siguro matagal ko nang ginawa iyon.

Buti nalang at napadaan si Mang Dencio at matutulungan ko narin si Akino na makabalik sa lugar na pinanggalingan niya.

Nag-anyong tao muna si Akino,Oo kasama namin siya.

"Bat naisipan mong sumama iha?" Mang Dencio.

"Hehe gusto ko lang po malaman kung asaan yung safe daanan sa bundok alam niyo na po may mga patibong po kayong nilalagay sa mga liblib na bahagi ng gubat"sagot ko sa kanya.

"At isa pa po gusto kong mag-jogging papunta dun sa tuktok ng bundok kaya nagpapaturo ako kung saan safe na daanan"dugtong ko pa.

"Iyon ba iha o sige,Teka sino ang lalakeng nasa likod mo?"Mang Dencio.

"Ah siya kasintahan ko po hehe"wala  na akong madahilan eh.

"Aba bagay kayo iha"puri niya samin ni Akino.

"Ah salamat po"

Napansin kong kulang nalang patayin sa tingin ni Akino si Mang Dencio.Hayst masama to paano ko ba siya mapapa-kalma.

Nag-guhit muna ako ng bundok kuno. Eekisin ko nalang ang mga danger zones.

Tinuro naman ni Mang Dencio ang lahat ng patibong niya sakin na may ibat-ibang hayop na nahuli. May usa,baboy ramo at AHAS.

At mukhang nasa left side lang ng bundok ang maraming patibong,pwede rin naman mag short cut or should I say long cut si Akino for his safety lang.

May gawd mukhang sasabog na si Akino. Think think anong mabisang pampakalma..... tama.

Hinalikan ko siya sa cheeks na siyang kinabigla niya.

"Ba..bakit mo ginawa yun?!"pasigaw niyang bulong sakin.

"Para kumalma ka,kanina kase kulang nalang pumutok ka sa galit" pabulong kong sagot sa kanya.

Napa-sigh nalang siya.After few munites umuwi narin kami.

Inexplain ko kaagad ang mga lugar na pupuntahan niya.

"Mukhang sa bandang kaliwa lang ng bundok ang may maraming patibong,at kung maari iwasan mong magawi sa lugar na iyon at kung ma-pupwede ay maghanap ka rin ng iba pang ruta papunta sa lugar kung saan ka nakatira"tinatago ko lang ang lungkot sa aking boses habang nagsasalita ako.

Hindi naman kami sigurado kung mag-kikita ba kami o hindi na who knows I'm not God.

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Gabi narin at kakatapos lang namin mag-hapunan.Naisipan kong pag-masdan muna ang buwan mula sa balkonahe ng kwarto ko.Half moon lang siya pero sapat na para magbigay liwanag sa malungkot kong gabi.

"Ang ganda ng buwan diba?"

I nod as I agree.

"Teka akala ko...u..umalis kana"pinigilan ko ang sarili kong wag maiyak habang nagsasalita ako.

Bigla nalang niya akong binuhat yung bridal style tama bridal style.

Bigla nalang siya tumalon pababa ng balkonahe ko na siyang kinabigla ko. He just jump from tree to tree parang ninja sa Naruto. And after few munites ibinaba niya rin ako sa isang malaking bato.

"Mas magandang pag-masdan ang buwan dito"he said while he's busy staring at the beautiful moon. Sana buwan nalang ako,para palagi niya ako tinitignan.

"Nasaan tayo?"tanong ko.

"Nasa tuktok ng bundok..." nakangiti niyang sagot. Teka tuktok ng bundok?

Napatingin ako sa kanya,gusto ko siyang halikan at yakapin pero di ko naman pwedeng gawin.

"Tumingin ka sa bandang baba, parang tala sa kalangitan ang mga ilaw na mula sa mundo niyo"
Tama nga siya,maganda ngang pagmasdan.

"Oo....t..tama ka"kanina pa ako nag-pipigil na hindi maiyak pero salbahe si luha eh.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya sakin.

Isang yakap lang na puno ng pagmamahal ang isinagot ko sa kanya.

"Mamimiss kita...Akino..."I whispers while I'm hugging him,wala akong pake kung marinig niya ang sinabi ko gusto ko lang mag-pakatotoo.(Pero torpe ko naman)

Makalipas ng ilang oras ay iniuwi narin niya ako.

I will treasure those moments na kasama ko siya.

Iginugol ko ang sarili ko sa kakaiyak sa buong gabi nayun at mag uumaga na ng marealize kong gusto ko na matulog.

Akino's Pov

Sa di ko malamang dahilan ay may tumulo na luha sa mata ko habang papunta ako sa lungga ko.

Ano ba itong nararamdaman ko?

Di ko maalis sa isip ko ang yakap ni Dahlia,Alam kong mayroon siyang ipinapahiwatig sakin sa yakap na iyon.

Mag-mamadaling araw narin nang dalawin ako ng antok.

🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱

Wew naiiyak ako habang nag-tatype netong chapter nato,feel na feel ko eh.

Hindi naman to ang last na chapter kaya don't worry readers.

Tell me naiyak ba kayo readers ng konti? well okay lang kung hindi.

don't forget to...

Vote
SUPPORT AND
COMMENT

FierceyCrimson

Love In The MoonlightOnde histórias criam vida. Descubra agora