Chapter 1 : Ang kakaibang nilalang

4.4K 106 12
                                    

Dahlia's Pov

Hay.. kulang ako ng tulog ngayon kahit gusto ko matulog wa epek.Nasanay na akong magising ng maaga eh.

Ang nakakapagtaka lang ay ang bala na tumama sa pasyente ko ay ang bala na para sa baril ng mga mangangaso.

Nilagay ko ulit sa maliit na plastic bag ang dalawang bala.

Ako nga pala si Milliana Dahlia Chimera, 26 years old. Working as a Doctor,A Surgeon to be exact. At dahil sa 3 years service ko sa ospital naisipan kong humingi ng 3 months break,siyempre pinag-bigyan ako ng head ng ospital.

Lumabas narin ako sa kwarto ko para mag-luto ng almusal.

Brocolli with mushrooms my favorite.Inalabas ko na rin yung mga sangkap ko sa lulutuin ko.

Nang pag-talikod ko nakita ko ang pasyente kong paika-ika na nag-lalakad sa sala.Di ko alam kung sino siya at ano ang kasarian niya basta tinulungan ko nalang siya delikado lagay niya eh.

Unti-unti akong lumapit sa kanya pero ng napansin niya ako bigla nalang niya akong sinunggaban. Bale nasa ibabaw ko siya.

Lakas niya di ako maka-palag bagong opera palang siya pero...

"SABIHIN MO SAKIN SINO KA!! NASAN AKO!!?  ANONG GINAWA MO SAKIN!?"sigaw niya sakin.

Dun ko lang napansin ang itsura niya ng napatingin ako sa kanya..

Mahabang Silver colored na buhok,May mala pusa or asong tenga sa ulo puti rin,L...alake!?,at may nakakatakot na aura dahil sa nagngangalit na pula niyang mata.

"SUMAGOT KA!!"

Ganun ba talaga siya mag-pasalamat.

"Wag mo nga akong sigawan di ako bingi,ganun ka ba mag-pasalamat sa taong nag-ligtas sa buhay mo at ang bigat mo kaya umalis ka sa ibabaw ko" sagot ko sa kanya,relax lang isa lang yang walanghiyang cosplayer.

Umalis rin naman siya sa ibabaw ko,and finally naka-hinga rin ako sa wakas.

"Sabihin mo sakin sino ka at nasaan ako" kalmado niyang tanong.

"Buti naman kumalma ka na,Ako nga pala si Dahlia, nasa pamamahay kita at....  kaka-opera ko palang sayo kagabi"

"Opera?" tanong niya. Waw di niya alam ang word na yun.

"Tinanggal ko na ang mga bala sa katawan mo kagabi,at kailangan mo pang mag-pahinga para mabawi mo ang lakas mo"

"Taga saan ka mukha kang cosplayer sa itsura mo"Tumayo ako para abuting ang tenga niya pero iniwas niya ang ulo niya.

"Cosplayer?ano yun?" eh? di niya alam..  weird. Epekto ba to ng operation.

"Anong gusto mong kainin?"Inalalayan ko siya na maka-higa sa Sofa dahil mahapdi pa ang sugat niya.

"Kahit ano..."yun lang isinagot niya at natulog narin siya.

Ipinagpatuloy ko narin yung trabaho ko and bravo! Tapos na ako mag-saing at mag-luto ng ulam ihahanda ko na rin yung agahan ni mr. cosplayer na di alam ang cosplay.

Dahan-dahan kong inilapag yung plato sa lamesa na kaharap niya lang. Curious talaga ako sa tenga niya cute eh astig bes parang pro na cosplayer.

Nang nahawakan ko ang tenga niya bigla nalang niya hinablot ang kamay ko.

"Anong ginagawa mo?"

"W..wala tinitignan ko lang kung totoo or peke, mukha ka kasing cosplayer" Binulong ko nalang yung last sentence.

"Bitawan mo na kamay ko nang masubuan na kita"Good boy binatawan niya naman ang kamay ko.

"Ano pala pangalan mo?" tanong ko sa kanya habang sinusubo ko sa kanya yung pag-kain niya.

"Say ahh I mean ngumanga ka para makakain ka na" Nakatingin lang kasi siya sa kutsara.Mukhang iniisip niya na lalasunin ko siya.

"Wala akong balak na lasunin ka kaya kumain kana ng makabawi ng lakas ang katawan mo"

Sinubuan ko siya ulit and kumain naman siya. And then tapos na linigpit ko na ang pinag-kainan niya at nilagay sa lababo dahil mamaya na ako mag-huhugas.

Umupo ako sa harapan ng sofa kung saan siya nakahimlay.

"Di mo pa sinasagot yung tanong ko..."

"Anong tanong?" tanong nito habang naka-pikit ang mata niya.

"Anong pangalan mo?,ilang taon kana?,saan ka nakatira?"sunod sunod kong tanong.

"Akino..."teka yun lang sagot niya?

"Eh yung edad mo at kung saan ka naka-tira?"

"Di ko na naalala ang tungkol sa edad ko at naka-tira ako sa bundok" tatagilid sana siya ng sumakit sugat niya.

"Sa tingin mo lang ilang taon kana?"tanong ko ulit.

"Mga... isang daan at tatlumpong pito..." napa-nganga ako sa sinabi niya.

Siguro adik to sa anime dahil mukhang himbing na himbing ang tulog niya hinawakan ko yung tengang parang pusa or aso niya.

Tri-nry kong itaas pero hindi eh. Hinanap ko ang pusa kong si Neko at tri-nry ko rin yung ginawa ko same lang yung nangyari.

Ano bang klaseng nilalang siya....

🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱

Nu kayang klaseng nilalang si Akino? Is he a pro-cosplayer talaga or...secret

Okay Please read,vote,comment and pa-follow narin 🐶.

FierceyCrimson

Love In The MoonlightWhere stories live. Discover now