Chapter 23 : Same Power

1.4K 40 0
                                    

Dahlia's Pov

Nang marinig ko ang lahat tungkol sa past niya ay naawa ako sa kanya. Pinapangako ko sa sarili kong sabay naming lalabanan si Fenris hindi lang siya kundi lahat ng problemang darating pa samin.

Napatingin naman ako kay Akino nang tignan niya ako from head to foot.

"Malaki ang pinagkaiba nila ni Alunsina... sa pisikal palang na kaanyuan, Mas malaki ang dibdib ni Dahlia kaysa kay Alunsina..."

Eeee why I'm hearing his toughts>_<.

"Manyak!!!" sigaw ko sabay sampal kay Akino.

"B...bakit anong ginawa ko?" nag-mamaang-maangan at namumulang tanong sakin ni Akino.

"B...basta!  aa..lis lang muna ako" pagpapaalam ko at tumayo na ako.

"Magpahinga ka muna " paalala ko sa kanya at tinalikuran ko na siya at lumabas na sa silid namin.

•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Teritoryo nga to ni Vernon, puro mga kayumanggi ang buhok nila pati narin ang buntot nila.

"Ang ganda niya...." narinig ko ang bulong ng isang binatang taong lobo.

"Siya ba yung  bisita ni Kuya Vernon? ganda niya" sabi naman ng isang bata.

Nginitian ko lang sila hanggang napadpad ako sa katapusan ng Ville kung saan kunti nalang ang kabahayan.

Hanggang may nakasalubong akong pamilyar na may katandaang babae, di ko alam kung siya nga iyon pero try ko lang...

"Dama??" tawag ko sa kanya at iniangat niya ang ulo niya.

"I..ikaw na ba yan prinsesa?  Ang laki mo na... at mas lalo ka pang gumanda" puri sakin ng dati kong alipin.

"Salamat.... uhm...bakit nandito kayo sa teritoryo ni Vernon?" taka kong tanong sa kanya.

"Kinalinga nila kaming mga nakaligtas sa massacre.... pansamantala muna kaming titira sa teritoryo nila habang di pa kayo natatagpuan mahal na prinsesa" paliwanag nito sakin.

"Naiintindihan ko na, uhm saan pala ang mapunong bahagi dito? Magduduyan ako eh" nahihiya kong tanong.

"Di ka parin nag-babago prinsesa mahilig ka parin sa pagduduyan, Dumiretso ka lang dun sa may bandang hangganan ng Ville na to" Dama.

"Salamat Dama!" sigaw ko at tumakbo na papunta sa sinasabi niyang hangganan.

Maraming mga makakapal at matitigas na vines ang nakasabit sa mga matatas na puno. *_*

Tumalon na ako papunta dun at inayos ito into a duyan/ swing to be exact.

Nagsimula na akong mag-swing. Nakakamiss mag-swing sa taas ng puno ^ω^

Masarap sa pakiramdam ang pagtangay ng hangin sa aking buhok at laylayan ng damit.

May naramdaman akong kakaiba sa paligid yung tipong may nagmamanman sakin habang nag-swiswing ako.

Nilakasan ko ang pag-swing para maabot ko ang sanga at magmatyag sa paligid. Nabigla ako ng makita ko siya, 4 na puno mula sakin. Pati ba naman dito sinusundan kami.

"Alunsina...." bulong nito habang naka-tingin sakin na parang sabik na sabik.

Tumalon siya papunta sa isang sangang malapit sakin.

"Sumama ka sakin at maging Luna ko.... Alunsina" seryoso saad ni Fenris.

"Hindi ako si Alunsina, at ayokong sumama sayo...." seryoso kong sagot sa kanya at nakipagtitigan sa kanya.

"Wala akong magagawa kundi daanin ka sa dahas..." kalmado pero seryosong saad nito.

Bat ba ako nakikipag-usap dito >_<.

Tumalon ako pababa ng puno at nag-simula nang tumakbo palayo sa punong iyon pero hinabol ako nito at hinawakan ang aking braso.

"Magbibilang lang ako ng tatlo...pag di mo binitawan ang braso ko, matitikman mo ang hindi mo pa natikman...." seryoso kong saad na siyang ikinapula ng pisngi niya.

Gago to anong kahibangan ang iniisip niya. -_-#

"Isa" aba matapang

"Dalawa" sobrang tapang.

"Tatlo! yaah!!" tinuhod ko ang precious niya.

Napangiwi siya sa sakit at nabitawan niya narin ang braso ko. Sinamantala ko ang pagkakataong iyon para makalayo sa kanya.

Tumalon ako from tree to tree pero puta nakalimutan kong maraming mga vines pala sa mga puno. Tatalon pa sana ako kaso napatid ako ng mga vine na siyang ikinawalang balanse ko at nahulog ako mula sa puno. Kung minamalas ka pa naman ulo ko pa at likod ko ang unang tumama.

Nagbublur na ang paningin ko at di ako makagalaw sa sakit ng likod ko. Tuluyan na akong naabutan ni Fenris at nabigla nalang ako nang pumatong sa siya sakin at sinakal ako.

"Akin kalang Alunsina! Akin ka!" nababaliw nitong sigaw.

"Sabing hi..ndi ak..o si... Alunsina!" I shouted at him hoarsely.

Nararamdaman ko na malapit na akong malagutan ng hininga.

Pakiusap Akino....iligtas mo ako.....
Tinipon ko ang natitira kong lakas at boses para sumigaw.

"AKINO!! ILIGTAS MO AKO PAKIUSAP!!"

Habang hindi pa siya dumadating kailangan ko munang labanan ang aking kamatayan. Hinawakan ko ang mga kamay niyang sumasakal sakin at pilit ko itong inilalayo sa leeg ko. Ang lakas niya....ganito ba siya kalakas kung galit siya....

Nagulat ako ng may transparent na bola ang tumama sa ulo ni Fenris na siyang ikina-walang malay nito. At masahol nito ay nasa ibabaw ko siya... ang bigat niya >_<

Napatingin naman ako sa pinag-mulan bolang iyon at nabigla ako nang malaman kong mula ito kay Akino. Mayroon rin siyang... kapangyarihang tulad ko.

"Akino.... tanggalin mo siya sa ibabaw ko bilis! bigat niya" utos ko sa kanya.

Tumalima rin siya kaagad at inilayo nga niya si Fenris sakin. At binuhat niya ako na parang prinsesa or should I say bridal style at umalis na kaagad kami sa lugar na iyon.

"S...salamat... ma...hal" nakangito kong pagpapasalamat kay Akino.

"Mahal?" takang tanong sakin ni Akino.

"Hmmmff wala... " I said as I look away pouting.

Akala ko alam niya ang tungkol dun dahil may minahal siya dati ≥3≤

Nang makarating kami sa mansion ay sinalubong kaagad kami ng nag-aalalang si Vernon at si Inang Kamika.

"Anong nangyari sayo Dahlia?" Vernon.

"Nahulog sa puno" maikli kong sagot sa kanya.

"Nahulog, ikaw? hahahah nagbibiro ka ba?" pangaasar sakin ni Vernon.

"Seryoso ako bansot! may mahalaga akong sasabihin sayo mamaya pero tawagan mo muna si Ate Veronica"utos ko sa kanya.

"Pffft.. bansot.... "

Napatingin naman ako kay Akino na nag-pipigil ngayon ng tawa at nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay pumasok kaagad siya sa mansion at tinungo ang kwarto namin.

Inihiga niya ako ng dahan-dahan at tumabi rin siya saakin.

"Akino san mo nakuha ang kapangyarihan na iyon? yung bolang nagpatulog dun kay Fenris" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Iyon ba? ang diyosa ng buwan ang nagbigay sakin non mula ng maipanganak ako" paliwanag niya sakin.

"P...parehas pala tayo..." yun nalang nasabi ko.

🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱🐕🐱

Wew nairaos rin!

Fighting! 💪

FierceyCrimson

Love In The MoonlightWhere stories live. Discover now