Prologue

21K 201 3
                                    



My life is now miserable. Wala ng kwenta ang buhay ko ngayon! Dapat di nalang ako nabuhay sa mundong ito e! Ang dating buhay ko na masaya ngayon hindi na! Sila mama at papa kasi e! Bakit pa kasi dapat akong magpakasal sa Alien na 'yon!

Argh! Bakit!? Ayoko s'yang pakasalan! We don't even know each other at saka bakit s'ya pa!? 21st century na ngayon pero bakit meron paring arrange marriage? Hindi na uso 'yon diba?.. Saka diba ang pinapakasalan ay ang taong mahal mo, hindi 'yung taong hindi mo kilala.

I hugged myself, tightly. Nakaupo akong mag-isa sa gilid ng kama ko habang ang mga luha ko ay patuloy lang sa pagtulo. I can't believe it! Para lang akong hayop na ipinamimigay nila mama at Papa. Hindi ba nila ako mahal?

Biglang may kumatok sa pintuan pero wala akong ganang buksan 'yon kasi gusto ko munang iiyak ito nararamdaman ko.

"Zarrena, anak,"That's my mother's voice. Parang malungkot din 'yung boses nya pero gusto ko na muna mapag-isa.

Hindi ako umiimik. Halos hindi na ako maka-hinga dahil sa kakaiyak ko at kahit sobrang sakit na ng mata ko walang tigil parin ang pag-iyak ko.

"Bumaba ka nalang, anak, kapag gusto mo ng kumain a, pinaghanda kita ng paborito mong ulam, sayang naman kung hindi mo kakainin baka mapanis lang", wika nya pero pinapakinggan ko lang s'ya kasi gusto ko muna talaga ng peace at space.

Ewan ko ba pero mas lalong tumulo ang luha ko.Hindi ko maintindihan pero sobrang sakit. Hindi ako makapaniwala!

I want to marry the man that I love. I don't want to marry a stranger! Hindi biro ang pagpapakasal e!

Pagkatapos non, hindi na nagsalita si mama. Baka umalis na s'ya.

Kasalanan din naman nila ito e kung ba't ako nasasaktan ngayon. Parang wala lang ako sa kanila. Oo, mahal nila ako at mahal ko din sila pero bakit kailangan pa nila akong gawing alay para lang mas lumago pa 'yung company ni papa?

They keep on telling me that it's for my own good kaya nila ito ginagawa but I don't think so. 20 palang ako! 20! At isa pa kaga-graduate ko palang ng college pakasal na kaagad?!

Tapos ang papakasalan ko ay 'yung Kade na 'yon. 'yung mukhang anghel na lalaking 'yon pero ugaling evil naman!

Argh! I should've just die in a car crash just like what I had watch in the television, than to live in this world na para lang akong hayop na ipapamigay/ibebenta matapos buhayin at pagkagastusan.

****

Thanks.

The Unwanted WifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang