Chapter 21

4.8K 114 5
                                    

Buong araw akong walang ginawa. Higa. Kain.
Kung ano-ano nalang ang kinakain ko. Minu-minuto akong nagcre-crave sa gusto kong kainin. Tataba ako nito.

“ Hi, sissy ! Musta ang baby ?”, agad hinimas-himas ni Alia ang tiyan ko. Kadadating palang nilang dalawa ni Sophia. Ine-expect ko na bibisitahin nila ako dahil nabasa ko text nila.

Hindi pa masyadong halata ang tyan ko. Para lang akong busog.

“ Nag-dala ako ng gift for you and your baby,” ani ni Sophia sabay beso sa akin.

Wala manlang ba silang dalang pagkain ? Putcha.

Sobrang excited itong mga ito. 2 months palang akong buntis pero kung maka-react daig pa ako. May regalo na kaagad.

“ Kumain na ba kayo ? ”, tanong ko.

Naka-upo lang ako dito sa sofa sa salas, hinihintay ko kasi sila.

“ Yeah, and nagdala din kami ng food for you. In case na nag-cre-crave ka sa Pizza at Seafoods,” nakangiting saad ni Sophia sa akin.

Damn. This bitches really knows me well.

“ I bought some ice creams for you too,” Sabi sa akin ni Alia ng nakangiti, “ Enjoy”

Tangina . Tataba talaga ako nito. Hayaan ko nalang. Buntis naman ako. Ang buntis dapat palaging busog, kasi kapag gutom yan, naku, paktay ka !

“ Thank you ! ”, nakangiti kong saad at nilantakan ko na kaagad ang Pizza, fuck ! Ang sarap.

Swerte ko sa mga kaibigan kong ito, binubusog ako. Hihi.

Sinunod ko naman ang crabs, napa-tirik pa ang mga mata ko matapos ko itong isaw-isaw sa sauce at matikman. Oh, mas masarap pa kay Kade. Char.

“ Hoy, patay gutom ka, gurl ? Easy, wala kang kaagaw dyan,” ani Sophia na tumatawa pa.

I just rolled my eyes . Lakong pake ang mahalaga kumakain ako at mabubusog pa.

“ What will you name the baby if it's a boy ?”, wika ni Alia,

Puta. Nasa sinapupunan ko palang, name agad ? Naglilihi palang ako e. What the fuck ?
Hindi halatang excited maging ninang itong mga kaibigan ko.

“ Ako nalang magpapangalan, you want ?”, saad naman ni Sophia.

Hindi ko sila pinansin , sa halip ay kumain lang ako. Aba, 2 months pregnant palang ako, pangalan ka agad ? Ni hindi ko pa nga alam yung gender. 

“ Zarrena,” para akong nabuhusan ng mainit na , ay , este malamig na tubig, bigla akong kinilabutan ng marinig ko ang napakalaking boses na iyon.

Napalunok ako bago ako tumingin sa kanya.

“ Ang aga mo naman yatang u--umuwi ?”, tila nag-aalangan ko pang saad sa kanya.

Paktay, baka narinig nya ang usapan namin nila Alia at Sophia ! Lagot na !

Tila nabigla rin sila Alia at Sophia, nakita kong napanganga ang bunganga nila e.

Tumikhim si Sophia. “ What's up, Kade ?” , para syang kinakabahan ng sabihin nya iyon.

“ We just brought some gifts”, ani Alia, “and foods , because we know she's craving for those”, she chuckled.

Mas lalong bumilis ang pag-tibok ng puso ko. Mapapatay ko itong si Alia e. Craving ?! Magtataka na yan ! Para ding detective mag-isip iyang si Kade e.

Parang magnanakaw namang kumilos, e ni hindi manlang namin naramdaman na dumating.

Magkasalubong ang kanyang kilay.

Ako naman dito, parang basang sisiw.

“ Bakit hindi ka nagsasabi sa akin na nag-cre-crave ka pala sa ganyan ? Para tuloy kitang hindi pinapakain,” napakalamig, sobrang lamig na sambit nya sa akin.

“ Hello, your wife is pregnant kaya normal lang na mag-crave---”, mabilis kong tinakpan ang bunganga ng punyetang si Sophia. Madaldal masyado. Mamaya tatahiin ko ito.

“ You are what ?” , gulat na sabi ni Kade. Hehe, putangina, hindi ko na alam ang gagawin ko.

I glared at Sophia at tinaasan nya lang ako ng kilay.

“ Zarrena, ”awtoritibong tawag sa akin ni Kade.

Sinenyasan ko si Sophia at Alia na umuwi na. May pag-uusapan pa kami ni Kade. Putcha. Napaka-daldal kasi nitong babaeng ito. Bwiset.

Naintindihan naman nila ang nais kong ipahiwatig, kaya mabilis nilang kinuha ang mga gamit nila. Pero bago sila tuluyang makalabas ay bumulong muna sa akin si Sophia.

“Hindi mo parin pala sinasabi, hinayupak ka”, bulong nya sa akin.

“ Uwi na kami !”, ani Alia tapos tuluyan na silang lumabas. Tumingin pa ako sa kanila hanggang sa makalabas sila ng gate.

Damn, magpapaliwanag pa pala ako dito kay Kade. Bwiset. Urgh !

“ Zarrena,” tawag nya ulit sa akin at sa pagkakataong iyon ay hinarap ko na sya.

Bakas sa mukha nya ang pagka-gulat at inis. Oh dear.

“ Buntis ka ? ”

I sighed,

“ Answer me,” mahinahon ngunit may diin nyang sabi sa akin.

“ Yeah. I'm--”, I gulp, “ I'm two months pregnant and you're gonna be a father, ” ngumiti ako ng sobrang saglit lang saka ako tumitig sa kanya.

Hinihintay kung ano ba ang magiging reaksyon o sasabihin nya.

Tanggap ko naman kung tatakbuhan or hindi nya ako paninindigan. Kaya ko namang buhayin ang anak naming dalawa. Pupunuin ko sya ng pag-mamahal na deserve nya.

“ Buntis ka ?” , tanong nya ulit.

Puta. Nasagot ko na nga e.

Umirap ako, “ Oo, dalawang buwan na,”

“ Buntis ka nga ?”, tanong nya ulit.

“ Talaga ?”, hindi pa rin nawawala ang pagka-gulat sa kanyang mukha. Parang ewan naman itong lalaki na to.

“ Oo, buntis ako. Ngayon, sabihin mo sa akin kung hindi mo ako paninindigan at kusa akong aalis--”, hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla nya akong niyakap.

Yung yakap na sobrang higpit, yakap na sobrang nasabik. Ngayon nya lang ako niyakap ng ganito. Ngayon lang.

Siguro ay mali nga ang nasa isip ko na baka hindi nya ako paninindigan.

“ Silly, ” aniya, “ Paninindigan kita. Mag-kasama nating palalakihin iyang batang nasa sinapupunan mo,” dagdag nya pa tapos mas humigpit pa ang kanyang yakap.

Aw, I was overwhelmed because of what he said. Naluha ako bigla.

Arrange marriage nga ang nangyari kaya pinaglandas kaming dalawa ng tadhana. Ngunit hindi ko alam na sa kasal naming iyon ay may sayang dulot ito sa akin

Dahil nakilala ko sya.

Kumalas sya sa pagkakayakap naming dalawa.

He stared at me, bakas sa mukha nya ang saya, nababasa ko iyon sa kanyang mga mata.

“ You're gonna be the mother of our child and I'm so lucky, baby, ” pagkasabi nya iyon ay hinalikan nya ako kaagad sa labi.

Pumikit na lamang ako at sinabayan ang paggalaw ng kanyang mga labi.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Iba't-iba at halo-halo.

Ito na siguro ang pinaka-masayang nangyari sa buhay ko. Pangyayaring hinding-hindi ko malilimutan .

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now