Chapter Seven

5.1K 117 2
                                    


Zarrena's P.O.V

Kadadating ko lang sa bahay at mga 6 o'clock na din ng gabi. May pinag-meeting-an pa kasi kami, tungkol ito sa bagong patakaran na ipapanukala nila I mean NAMIN. May issue kasing nangyari tungkol sa mga estudyante.

Mag-isa ko ng in-open ang gate, masyado naman na akong pa-importante kung tatawagin ko pa ang maid para pagbuksan ako.

Nakita ko ang kotse ni Kade sa garahe, huh? bat parang ang aga naman yatang umuwi ng Alien na 'yon? Mas nauna pa s'ya saakin. Bakit kaya hindi s'ya umuwi sa bahay ng jowa nya?.. Pagod siguro 'yon kaya dito nalang sa bahay dumeretso.

Bigla tuloy akong napalingon sa veranda sa hindi ko malamang dahilan. Nakita ko s'ya doon nakatingin sa malayo at para bang nag-iisip. Tiningnan kong maigi kung anong ginagawa nya pero bigla s'yang tumingin saakin at nagtama ang aming mga mata.Binaling ko kaagad ang tingin ko sa iba. Ba-bakit nag-iinit na naman ang pisngi ko? Am I blushing? No way! Kahihiyan na naman.

*Lub-dub lub-dub lub-dub

Why is that? Why is my beating like this? I don't understand.

Tumakbo ako ng mabilis at pumasok na ako sa loob ng bahay ng maisara ko ang pinto sumandal ako doon habang hinahabol padin ang hininga ko. Wew! Kahihiyan na naman! Nahuli nya akong nakatingin sa kanya, sobrang nakakahiya!

Nakita ako ni Manang at naglakad s'ya palapit saakin.

"Oh, Zarrena, bakit hingal na hingal ka?", Tanong saakin ni Manang na may halong pag-aalala sa boses nya at pagkabigla. "Pawis na pawis ka pa o, sandali nga lang at kukunan—",

Nginitian ko lang si Manang. "Hehe, wag nyo na po akong alalahanin, Manang. Ayos lang po ako!"

But seriously I'm not okay! He just caught me looking at him!

"Pero ang asawa mo mukhang hindi okay," medyo pabulong nyang sabi saakin.

Kumunot ang noo ko. Aahhh! Kaya siguro s'ya umiinom doon sa veranda. Hhmmp, sundan ko nga! Di biro lang, baka itaboy lang ako nun.

"Oh, sige, hija. Maiwan muna kita dyan ha?", wika ni Manang at tuluyan na s'yang umalis sa harapan ko.

Ako naman ay naupo muna sa sofa dito sa sala. Jusko! Napagod ako lalo dun a. Pero teka nga lang, ano naman kaya ang problema ng Alien na 'yon? Ayan na naman ako e. Puro nalang ako Kade! Ba yan!

* * * *

Kanina pa ako nakahiga dito sa kama. Atat na atat na nga akong matulog kasi pagod na pagod talaga ako pero heto ako at nakadilat parin ang mga mata. Pagod ako pero hindi ako makatulog,ano 'yon? Palit ako ng palit ng pwesto, dumapa pa nga ako e, pero hindi parin ako komportable. Nakakainis naman!

Kanina pa ako nakahiga dito sa kama at nakapatay na din ang mga ilaw sa bahay. Si Kade kaya? nasa kwarto nya na kaya s'ya? Tulog na kaya 'yon? Mga 10 na din kasi siguro tulog na nga 'yon.

Bumangon ako sa pagkakahiga bigla akong nauhaw e. Ini-on ko ang ilaw at saka tuluyan na nga akong lumabas ng kwarto ko.

It's pitch black. But I'm not scared, strong woman kaya ako! HAHAHA

Huminto ako sa tapat ng kwarto ng Alien, hahaha, pasok kaya ako dito? Joke! Hindi ko 'yon gagawin no! Baka itulak lang ako non palabas e.

Ooohhh! Nakalimutan kong nakasuot nga pala ako ng lingerie. HAHAHA, Actually, gift ito ni Pheneloppe at Sophia saakin para daw maakit ko si Kade. Tss. I'm not that kind of woman no! Dapat 'yung lalaki naman ang mag first move hindi 'yung babae nalang palagi.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now