Chapter 26

4.1K 98 4
                                    

Tatlong araw na akong binabantayan nila Hero at Maverick. Natatawa talaga ako sa nangyari kahapon. Hay. Hindi ako makalimot.

Nakatayo ako sa balkonahe at Taimtim akong nakatingin mula sa malayo habang nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin.

“ Hindi ka naman sigurong nagpla-planong tumalon dyan ?”

Nagulat ako sa biglang nagsalita na iyon, Nung tinignan ko ay si Maverick lang pala.

Sya lang ang nagbabantay sa akin ngayon. May mahalaga daw kasing inasikaso si Hero kaya wala sya. Mga business man din kasi itong mga ito.

Nagtataka nga ako kung paano nila naha-handle iyong time nila, dahil alam kong sobrang busy nilang tao tapos binabantayan pa nila ako. Nag-me-meeting pa nga sila abroad.

Tumawa ako, “ No. This isn't the right time for me to jump,” pagbibiro ko sa kanya sabay tawa ulit, “ joke lang”, pagdaragdag ko para malinawan syang nagbibiro lang ako.

“ You are not a good joker,” aniya sabay iling.
Naglakad sya papunta sa akin tapos tumayo sya sa tapat ko. Humawak sya sa railings saka tumingin sa baba.

Napapansin ko sa kanilang magka-kaibigan, e may pagka-kahawig sila ng mga ugali, lalong lalo na kapag dating na sa kalokohan. Hay naku ! Dyan sila magagaling.

Kulang nalang ay makulong sila dahil sa sobrang mga kalokohan nila. Para silang mga bata e.

“ How's your baby ?”, pag-iiba nya ng usapan.

I smiled at him. Tumingin ako sa lumalaki kong tiyan.

“ The baby is getting bigger and bigger,” pagbibiro ko ulit tapos tumawa na sya.

“ Name it after me,” aniya.

Tumawa ulit ako, “ Just make one and name it after you,” sabi ko.

Parang nabigla sya sa sinabi ko. Oh, hindi pa nga sya handang magkaroon ng pamilya !

“ You are indeed a bad joker,” aniya.

Woy, hindi yun joke no !

Mukhang sira ito, kahapon lang nung ang tamlay nya tapos ngayon hyper na ulit. Ay jusko po ! Para talagang bata.

May naalala ako bigla,

Naalala ko iyong pangyayari noong isang araw. Nung nasa park kami ng dalawang mokong na iyon tapos nakita namin si Voltier.

“ Maverick ?”

“ Yup ?”

“ Why does Kade treats Voltier Roswell that way ?” , tanong ko sa kanya.

Kunot noong tumingin sya sa akin.

Para kasing kumukulo ang dugo ni Kade kay Mr.Roswell. Pansin ko lang. Pinagbabantaan nya pa kung minsan o kaya naman ay binabarag nya ito. Mas lalo pang kumukulo ang dugo nya kay Mr.Roswell kapag nag-uusap kami o nakikita nya kaming magkasama.

“ What do you mean ? ”

“ You get what I meant, sagutin mo nalang ang tanong ko, ” Sabi ko. Alam kong alam ni Maverick ang tinutukoy ko, nagma-maang-maangan lang sya.

Narinig ko ang pag-buntong hininga nya.

“ I don't know, mas maintindihan mo kapag si Kade na ang nag-explain,” aniya, “ You know, baka kasi kay masabi ako sa iyo tapos mali din pala iyon, ” dagdag nya pa.

Ngumuso ako saka umirap sa kanya, Tama din naman sya.

*  *  *  *

Wazzup ? Chapter 26 is so bitin, yes, I know.
Just want to enjoy this day kahit na saglit lang because graduation namin, HAHAHA !

Congrats to all of us who just graduated !
Kampai !

Update ulit ako later, tnx.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now