Chapter 18

4.6K 85 2
                                    

Zarrena's P.O.V

"Gurl, let's go na?", tanong saakin ni Sophia.

Ito kasing mga friends ko, inaaya nila akong mag-puntang night club.Since it's Friday night naman daw. I said yes, I want to enjoy the night too. Isang linggo nalang kasi at summer vacation na. Yeeeheeeyyyy!

Medyo naiilang lang ako sa suot ko. Masyado naman kasi itong maikli tapos marami pang makakakita.

"Huwag mong hilahing pababa 'yan, baliw!", suway saakin ni Alia, "baka mamaya mapunit pa, mahal 'yan no!"

S'ya kasi ang nagpahiram saakin nitong super ikling dress na ito. Sabi nya nga na wag na daw ako mag-cycling e pero nag-suot parin ako non. Sino ba naman kasing walang utak ang hindi mag-susuot ng cycling kapag ang suot ay halos kita na singit?

"Oh, taralets na!",wika naman ni Sophia.

Lumabas na kami ng apartment ni Sophia at agad na kaming nag-tungong parking lot. Sumakay na kami sa kotse nya. Yes, Sophia knows how to drive. Pag-aari nya rin itong kotse, pinag-ipunan talaga nya ito.

* * * *

Naka-upo na kami sa loob ng night club na ito, may table sa harap namin na May iba't-ibang klase ng alak.

"Zarrena, drink this," wika ni Alia sabay abot saakin ng isang beer. Oohh, pangit lasa nyan. Jusme. Ang init pa sa lalamunan.

Pumait ang tingin ko sa kanya.

Pinandilatan nya ako, "oh, c'mon, gurl. Minsan na nga lang tayong mag bar hopping e. Huwag ka namang kj!"

Kinuha ko naman iyon. Grabe naman itong mga beshy ko. Pwede namang hindi ako uminom e, mabilis lang kasi akong malasing at ayaw kong mangyari 'yon hangga't maaari.

Kinuha ko sa kamay ni Alia ang alak. Saka nilagok ko 'yon. Sheeett! muntikan ko pang maibuga dahil ang pangit talaga ng lasa.

"Good girl ka talaga," sigaw nito.

Parang tinatamaan na yata itong bruhang ito. Teka nasaan ba si Sophia? Diko namalayang umalis pala s'ya. Naku! Baka pati iyon natamaan na rin.

"Wait me here, Alia. Hahanapin ko lang si Sophia," wika ko, tumango lang s'ya kaya umalis na ako.

Nagpunta ako sa dance floor ngunit wala s'ya doon. Where the hell is she?

* * * *

Third Person's P.O.V

Nag-punta si Zarrena sa bartender upang mag-tanong pero nakita nya doon si Sophia.
Nilapitan nya ito. Mabuti nalang at nahanapan nya ito kaagad .

"Oy, Sophia, balik na tayo sa pwesto natin," wika nito na nahihilo.

Hawak nya kasi ang beer na iniabot sa kanya ni Alia kanina at habang hinahanap nya ang kaibigan ay tumatagay s'ya.

Nilapitan naman kaagad ni Sophia si Zarrena, "bruhilda! Mabilis kang tamaan ng alak!"

Hindi s'ya pinansin ni Zarrena at sa halip ay uminom lang ito.

Babalik na sana sila sa upuan nila ng may nakasalubong silang lalaki. Halos himatayin si Sophia ng makilala nya kung sino iyon. She knew that their in a big trouble.

Ohh fuck...

"And what the hell are you doing here?", tanong nito sa kanila.

Napatameme lang si Sophia. Habang si Zarrena naman ay unti-unti ng sumasayaw habang sumisigaw pa. Pakiramdam ni Sophia ay gusto nya ng lumubog sa lupa dahil sa mga nanlilisik na mata ni Kade. At dahil na rin sa kahihiyang ginagawa ni Zarrena.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now