Chapter 22

4.6K 107 3
                                    

Kade's P.O.V

" Congrats, bro, " bati sa akin ni Hunter.

Nag-desisyon ako na mag-celebrate kami ng mga brothers kong ituring pero hindi ko kadugo. Lahat sila ay kasama ko.

Nag-ce-celebrate kami ngayon dito sa private property ko sa Laguna. Ilang oras lang ang byahe para maka-uwi ako.

" Congratulations, you're gonna be a father soon, " tila namamanghang wika ni Harrison.

" Ninong ako, " ani Greyson.

" Ako din, " nakangiting saad naman ni Maverick.

" Putang ina mo, anong ibibigay mo sa inaanak mo ? E panay ang utang mo kahit may pera ka naman ", ani Craige sabay tungga sa hawak nya beer, " kuripot na ninong, "

Napa-iling na lang ako. Mga siraulo talaga itong mga ito.

I left my wife in the house, baka kasi mapagod. Mas mabuti na yung nagpa-pahinga sya. Baka mamaya may mangyaring hindi kaaya-aya.

Dalawa na silang dapat na ingatan ko. Siya at ang dinadala nya.

I couldn't deny it, maganda ang ginawa kong pagpapakasal sa kanya. Simula't sapul palang, alam kong maganda ang kakalabasan ng arrange marriage na iyon.

" Congrats, kapatid ! Napatunayan mong hindi ka nga baog ! ", tila nang iinis na wika ni Hero.

" Mapapalayas iyan sa samahan kapag siya ay baog, " sabi naman ni Hero habang humahalakhak.

Tang ina. Ako ? Baog. Oh fuck, sayang ako kung baog ako kase hindi ako makakapag-bigay ng magandang lahi.

Tumawa silang lahat.

" Kampai para sa kaibigan nating magiging tatay na !", ani Zachary sabay taas ng kanyang beer.

I smiled. These motherfuckers are annoying but I won't deny that I love them like they are my family. Oh, yes, they are my family. Kahit hindi kami magkaka-dugo ng mga iyan daig pa ng totoong magkaka-dugo ang turingan.

Sabay-sabay naming itinaas ang mahiwagang beer.

" Kampai !", sabay-sabay namin iyong sinabi habang nakangiti.

Tinungga ko na ulit ang natitirang laman ng beer ko saka ulit ako nanguha. Pang ilan ko na nga ba ito ? 5 ? Ewan, basta nakarami na ako, hindi ko mabilang. Inom lang ako ng inom e.

Napatingala ako sa langit at kitang-kita ko ang napakaraming bituin at ang buwan na sobrang liwanag ngayon.

Nasa labas kasi kami, ang tanging nagbibigay sa amin ng ilaw ay ang apoy na nasa harapan naming lahat, at ang ilaw sa bahay , pati na din ang buwan.

Hindi alam ni Zarrena ang private property kong ito. Pero nakapunta na sya sa isa.

" Brother Kade, do you love your wife ?", that made my heart stopped when Jacob asked that out of the blue.

" Fucker, hindi nya ipuputok--", napahinto sa pag-sasalita si Harrison dahil may bigla syang napag-tanto, " Plano mong kunin ang bata kay Zarrena kapag nanganak na sya no ?"

Tang inang pag-iisip iyan.

Inirapan ko sya.

Fuck, what ? Anong klasing may pag-iisip ang gagawa non ? Siraulo.

" Wag nating husgahan ng basta-basta si Kade," ani Craige sabay ngiti sa akin.

" Maybe he loves his wife," tila hindi siguradong saad ni Hunter.

" They had an arrange marriage, mga hangal, there is a possibility na mahalin o hindi nya mahalin si Zarrena, " ani Jacob.

Yes, there is a possibility na baka mahal ko sya o baka hindi ko sya mahal.

Hindi ba obvious ?

" Stop, " I said and they stopped and stared at me.

" For those who are asking if I love
Zarrena ?", I paused for a little, " Yes, I do love my wife. I won't make that fucking arrangement-wedding-deal with her parents kung wala akong nararamdaman para sa kanya, " dagdag ko pa na ikinagulat nila.

Tangina, gulat na gulat, panibagong explanation na naman ito panigurado. Oo, hindi nila alam na ako ang nag-set ng deal na iyon sa mga magulang ni Zarrena.

Nabighani-- fuck, eww, I just noticed her, I mean, she caught my attention that is why.

" Ay putang ina ka, " bakas sa mukha ni Hero ang pagka-bigla.

At ano namang nakakagulat sa mga sinasabi ko ? Nakakaputa tong si Hero e.

" Yeah, well, pigs can fly," walang ganang wika ni Craige. Hindi ito naniniwala . Bahala sya.

" Does she know ?", tanong naman ni Hunter.

No. Hindi pa alam ng asawa ko ang tungkol sa bagay na iyon. Natatakot din ako sa magiging reaksyon nya, baka kasi iyon pa ang maging sanhi o dahilan kaya nya ako iniwan.

" No," matipid kong sagot sabay tungga sa beer Kong kalahati na naman ang laman.

" What you did is selfish-- kidding," tila nanlolokong saad ni Greyson, " I mean, brother, bakit hindi mo nalang muna niligawan si Zarrena ? Puta ka, "

" Santong paspasan ba tawag don o ano ?", naguguluhang tanong ni Maverick.

" Hoy, kuripot , tumahimik ka nga muna," ani Harrison.

Kuripot at slow, bagay kay Maverick ang bansag na iyon.

" Whatever, " Sabi ko ng may halong inis.

Mga hayop na ito. Kanina, kinu-kwestyon nila ang nararamdaman ko para kay Zarrena , ngayon naman hinuhusgahan nila ako dahil lang sa ginawa kong iyon.

E ayoko nga ng natatagalan e.

Hindi ko nalang sila pinansin at pinag-patuloy ko na ang pag-ubos ko sa beer. Nanguha ako ulit sa case.

Parang uhaw na uhaw ako sa alak dahil ang dami na ng nainom ko pero hindi pa rin ako tinatamaan.

Palaging beer kasi ang iniinom namin lalo na kapag kumpleto kaming lahat. Sampung case ang binibili namin, tapos inuubos namin iyon ng isang gabi lang. Matira matibay. Kapag may natitirang alak , iniinom namin kinabukasan.

Paminsan-minsan lang kami umiinom mga ibang klaseng alak. Saka lang kami umiinom ng ganon kapag nasa bar kami. Depende din sa trip namin.

" Fuck, wala na palang pulutan," narinig kong sabi ni Zachary.

" Ako nalang kukuha," pag-pri-prisinta ko, kaagad akong tumayo sa kina-uupuan ko para kumuha ng pulutan.

Naiwan silang lahat doon sa labas sa tabi ng pool.

Nagtungo ako sa kusina para manguha nga ng pulutan. Nag-luto kasi si Craige ng sisig, tapos nag-ihaw naman si Jacob ng BBQ.

Ganto lang kami kapag nag-iinuman kami ng mga kaibigan ko.

Napahinto ako sa pag-lagay ng BBQ sa plato ng maalala ko ang asawa ko. Ano na kaya ang ginagawa nya ?

I took my phone out of my pocket to text her. Fuck, kaninang Umaga pa ako wala sa bahay at ngayon ko lang sya naalalang i-text. Anong klaseng asawa ako ?

Good night, wife. See you tomorrow.

Tinanggal ko ang I LOVE YOU na tinype ko kanina bago ko isend ang text ko sa kanya.

Ewan ko ba. Nahihiya ako e. Puta.

Nababakla kasi ako kapag dating na kay Zarrena. Di ko man sabihin sa kanya pero hindi ko itatangging mahal ko nga sya.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now