Chapter 15

5.2K 114 1
                                    

Zarrena's P.O.V

*After two weeks*

Wala akong klase ngayon pero napag-utusan ako ni Mrs.Buenavista na ako muna ang pumasok sa klase nya dahil may ipapa-test daw s'ya sa mga students nya. Dahil vacant ko naman, pumayag nalang ako.

Naglalakad na ako papunta don sa room na sinabi nya. Medyo inaantok pa nga ako e. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil kay Kade, hindi kasi s'ya umuwi ng bahay kagabi kaya sobrang nag-alala ako pero nag-text s'ya saakin at sinabi nyang huwag ko na s'yang hintayin kasi hindi daw s'ya makaka-uwi.

Kaya ayun natulog nalang ako.

Hanggang ngayon iniisip ko parin kung anong dahilan ng hindi nya pag-uwi sa bahay.
Tama na muna ang pag-iisip kay Kade!

Loner talaga ako kahit kailan. Ako lang ang nag-lalakad dito sa hallway, nakakabingi nga ang katahimikan e.

"Hi, Zarrena!"

Nagulat ako dahil may sumigaw ng pangalan ko sa likuran ko. Si Voltier talaga, hindi nya naman kailangang sumigaw e muntikan pa tuloy akong madapa.

Humarap ako sa kanya at tumatakbo na s'ya papalapit saakin.

"Sa susunod huwag kang sisigaw a?", I said, strictly.

Naku, baka nga nabulabog nya mga nagka-klase dahil nag-echo pa boses nya e.

He chuckled, "Pasensya na po, Ma'am, hindi na mauulit," biro nya tapos nag-bow pa.

Inirapan ko nalang s'ya. Jusmeyo, ito talagang lalaking 'to.

Nagpatuloy na ulit ako sa pag-lalakad tapos sumunod s'ya.

"May klase ka ba?", tanong nya.

"Oo," matipid kong sagot.

Baka kasi pag nakipag-chikahan pako dito kay Voltier e ma-late pa ako sa klase.

"Ah, okay, mauuna na ako sa'yo," wika nya tapos tinignan ko s'ya.

"At saan ka naman pupunta, ha, Voltier?",

He smiled, "bigla kong naalala na may meeting p pala kasi! Bye!", tapos tumakbo na s'ya ulit.

Umiling-iling ako.

Si Voltier talaga. Pumunta pa dito, dapat dumeretso nalang s'ya sa meeting nya.

Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad.

Five classrooms pa ang nadaanan ko at nakarating narin ako sa room na sinasabi ni Mrs.Buenavista. Pumasok na ako sa room at nakita ko ang mga students na kanya-kanyang mundo.

Ang ingay naman nitong mga batang 'to, sarap pingutin e.

Ibinagsak ko ang libro sa may lamesa dahilan para gumawa ito ng ingay, nagulat sila ng makita nila akong nakatingin ng masama sa kanila at agad naman silang umayos sa pagkaka-upo.

Terror teacher ba kamo?

"Prof.Buenavista couldn't attend your class today because she had to attend a meeting," I said, "ako ang inutusan para mag-bigay ng ite-test nyo"

"Aawww," they said in unison.

Tignan mo 'tong mga 'to. Ayaw pa yata mag-test e. Part na 'yan ng pagiging student so bear with it.

"Quiet", sigaw ko at agad naman silang tumigil, "don't start unless I said so,"

Pinasa ko na sa kanila ang papers at hinintay ko iyon hanggang sa makadating sa dulo.
May mga nagbubulungan pa kaya hindi ako nag-salita at hinintay ko silang matapos Ako pa talagang mag-aadjust no?

The Unwanted Wifeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن