Chapter 24

4.5K 102 7
                                    

“ Zarrena, nandito ako para bantayan ka,”

Ng marinig ko ang mga katagang iyon kay Maverick at Hero ay hindi ko mapigilang matawa.

Yung mga itsura nila parang napabayaan .

Napa-iling ako, “ Ano na naman bang kalokohan ito ?”

Nagtitinginan lang ang dalawa.

Magkakaharap kasi kaming tatlo sa lamesa habang kumakain. Tanghali palang ngayon. Silang dalawa naman ay kaninang umaga pa dito sa bahay, siguro mga 9.

“ Napag-utusan lang kami ng demonyo mong asawa, ” ani Maverick.

Napag-utusan ? Ano na naman bang kalokohan itong pinagagawa sa kanila ni Kade at pati ako ay isinasali nila ? Ay jusko.

Isinubo ko muna ang pagkain ko bago ako nag-salita.

“ Hindi ko naman kailangan ng taong mag-babantay sa akin, ” I paused, “ you know, I can handle myself, ” ngumiti ako sa kanila.

Narinig ko ang pag-buntong hininga nilang dalawa. Parang seryoso itong mga ito na bantayan ako ?

Timikhim si Hero, “ Well, we know that, b-but please, just for one week,” aniya .

Mukhang seryosong usapan nga ito.

Nagsalubong ang kilay ko saka ko sila tinitigan at agad naman nila iyong iniwasan. Mmm, I smell something.

May mali sa dalawang ito e. Nababasa ko sa mga ikinikilos nila.

“ My husband ordered you two, to look after me, ” tumango silang dalawa, “ Okay,”

Nagtaas sila ng tingin sa akin.

“ Okay ?! Pumapayag ka na ? ”, masayang wika ni Hero.

Tumango-tango naman si Maverick.

Something is really odd between the two of them. Nung sinabi kong pumapayag ako ay sobrang saya nila, parang mga batang nabigyan ng paborito nilang lollipop. Pero nung hindi pa ako pumapayag, yung mga itsura nila parang takot na takot.

“ Pumapayag ako but,” I paused, “ kayo ang may kasalanan kapag may nangyari sa aking hindi at sa baby ko, klaro ba ?”

Nagtinginan ulit silang dalawa, tapos sabay silang tumango sa akin.

*  *  *  *

“ Zarrena, what are you doing ?”, tanong sa akin ni Maverick.

Nandito kami sa backyard, kasama ko silang dalawa, hapon na rin.

Nagtatanim ako ng mga halaman, tapos nire- re arrange ko din ang mga ito. Kagagaling lang ni Maverick mula sa kusina, gumawa sya ng meryenda naming tatlo, sya ang nag insist.

“ Oh, nagtatanim ako, wanna try ?”, tiningala ko sya, naka-upo kasi ako at sya naman ay nakatayo sa gilid ko.

“ That looks fun, ” nakangiti nyang saad, “ okay, I'll try, ” aniya.

Si Hero naman ay nagdidilig ng mga halaman ko. Mula sa harapan at ngayon naman ay dito sa backyard.

Itinuro ko kay Maverick ang steps para sa pagtatanim, tapos agad nya naman itong sinubukan.

Pinanood ko kung paano nya ito gawin, mm, mabilis nya itong na-gets. Good job, Maverick.

Pinagpatuloy ko na din ang pagtatanim ko at hinayaan ko nalang sya sa ginagawa nya, para mabilis na rin kaming matapos na dalawa.

“ What the fuck ? Eww, amoy tae amputa !”,

Gulat akong napatingin sa kanya. Bigla bigla naman kasing nagsasalita.

“ What the--- Zarrena, what kind of flower is this ? It smells like shit !”, aniya na nadu-duwal-duwal pa.

Natawa ako sa kanya.

Iyan yung flower na amoy tae pero nagagandahan ko. Hindi ko alam tawag dyan e. Haha.

“ Hindi ko alam tawag diyan e, ”

Kumunot ang noo nya.

Nag-kibit balikat ako, “ pinitas ko lang iyan sa sementeryo tapos pinadami ko dito, ”

Hindi na sya umimik. Halatang nagulat sya sa sinabi kong pinanggalingan ng bulaklak na iyon.

“ It's still beautiful,” sabi ko, “ I didn't pick it out of nothing, ” dagdag ko pa.

“ Yes, it's pretty,”

Nginitian ko si Maverick ng sabihin nya iyon.

Kapag matututo itong mag-alaga ng halaman ay tiyak na mas magiging magaling syang mag-alaga kesa sa akin.

“ but it smells like a freaking shit, ”

Natawa nalang kaming dalawa. Oo, amoy tae nga itong bulaklak. Pero maganda pa din naman sya.

“ What are you laughin' at ?”,

Napatigil kami sa pagtawa ng tumambad sa amin si Hero. Basang basa.

Napahagikgik ako sa itsura nya. Basang-basa ang sakit nya.

“ Napano ka ?”, nagtatakang tanong ni Maverick.

“ I didn't know how close the fucking thing,” Sabi nya sabay turo dun sa hose na pinangdidilig ko, “ tumama sa akin yung
tubig ”,

Nagtinginan kaming dalawa ni Maverick tapos nagtawanan ulit kaming dalawa.

Gago, ampanget ng itsura nya.

Halos hindi nila nagagamit ang mga kasangkapan sa bahay nila dahil sa sobrang busy nila sa trabaho. Kaya hindi nya alam i-close iyong hose.

“ One week nyo akong babantayan , right ?”, tanong ko.

Tumango silang dalawa.

“ Sadly, yes,” ani Hero.

“ Okay, you'll learn a lot while looking after me, ” Sabi ko sabay ngiti.

Tapos na kami sa gawain sa backyard. Nagme-meryenda na kaming tatlo. Mas naging maganda ang kinalabasan when we rearranged them.

Mmm, masayang kasama itong sila Maverick at Hero. Hindi ako nabagot ngayon sa bahay.

“ You made this ?”, gulat kong tanong kay Maverick.

Cookies ang ginawa nya, tapos mango shake. Ang sarap. Mas masarap pa sa ginagawa ko kapag nasa mood akong mag-bake.

“ Yes,” matipid nyang sagot.

“ What time kayo uuwi ?”, tanong ko.

“ Kapag nakatulog ka na,” sabi ni Hero.

Kumunot ang noo ko. “ Seryoso ka ?”

Ngumiti sila ng pilit. Grabe.

“ Yeah, utos sa amin ng asawa mo,”

Tumango nalang ako. Wow.

Nagtra-trabaho ba sila sa asawa ko para sundin nalang nila ng ganon ? Napaka-masunurin naman nila.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now