Chapter 23

4.4K 104 4
                                    


Zarrena's  P.O.V

“ Hoy, CYST, pasensya na sa nangyari last week ha ? Dahil kasi sa sobrang kadaldalan ko, e nasabi ko sa asawa mo 'yung sikreto mong napakalupet, ” sarkastikong sabi ni Sophia sa akin.

I'm with them by the way. Kasama ko silang lumabas. Nababagot na kasi ako sa bahay tapos palagi paring wala si Kade. Well, hindi na sya masyadong umaalis simula nung nalaman nyang buntis ako, compared sa dati.

I smirked, “ It's okay, atleast I've learned what to do next time, ” sabi ko, not the sarcasm, ” I even bought some threads and needles for the freaking mouth of yours,” dagdag ko pa sabay tawa.

Sumabay naman sa tawa ko si Alia pero napa-iling na lamang si Sophia.

Katatapos lang naming mag-shopping. Ngayon ay naghahanap naman kami ng makakainan. Nagtanghalian ako bago ako magpunta dito sa mall pero nagugutom ulit ako.

“ Rena, doon oh,” tinuro sa akin ni Alia ang isang Korean restaurant, “ try natin don,”

Nag-isip-isip pa muna ako bago ako sumagot.

“ Yeah, let's try that Korean restaurant, ” hindi ko pa ito nasusubukan e, parang bagong bukas nga lang itong restaurant na ito kasi ngayon ko lang sya nakita.

Pumwesto na kami nila Alia at Sophia .

“ Sis, oorder yata ng food sa counter,” Sabi ko ,

Tumango naman si Alia.

“ Ako ng bahala,” saad ni Sophia tapos tumayo na sya at naglakad papunta sa Counter.

Nilibot ko ang mga mata , tapos napatigil nalang ito ng makita ko si Vivienne at Kade ng magkasama.

Magkakilala silang dalawa ?

Nasa labas sila ng restaurant kung saan ako nakaloob ngayon. Naglalakad sila palabas ng mall.

Naka-suot pa din naman si Kade ng tuxedo. Wait, client nya si Viv ?

Hindi ko kasi sinasadyang mabasa yung text sa kanya kaninang umaga ng assistant nya na may appointment daw sya mamayang 3 o'clock.

“ Hindi mo manlang pinuntahan yung asawa mo, bruha”, ani Alia.

Napatingin ako sa kanya dahil bigla syang nag-salita.

“ Nah. Alangan namang mag-punta ako dun e client nya 'yung kasama nya,” Sabi ko saka nag-kibit balikat.

Hindi lang pala basta teacher si Vivienne, business woman din. Naks naman.

Umirap lang sa akin si Alia bilang tugon nya.

Tumingin ulit ako sa labas ng restaurant ngunit hindi ko na mahagilap si Kade at si Viv.
Sakto namang dumating na si Sophia.

“ Inorder ko lahat nung nasa menu para matikman natin,” aniya.

Gulat akong napatingin sa kanya. Halla sya. Edi sya na ang madaming pera. Ako, wala, hindi pa nga ako nag-wi withdraw, umaasa lang din ako sa binibigay ni Kade.

“ Tang ina pala,” ani Alia matapos nyang tignan ang receipt.

*  *  *  *

Vivienne's  P.O.V

I stared at this handsome guy who's sitting in front of me right now. Kahit kailan hindi ako magsasawang pagmasdan ang ganito ka-gwapong lalaki.

I took a sip from my coffee but that didn't stop me from staring at him.

“ Ano ba kasi ang kailangan mo at nag-set ka pa ng appointment para dito ?”, he said, coldly.

Oh, kahit na may attitude itong tinataglay, ginugusto ko padin sya. Ewan ko ba. I love him.

Ngumiti ako, “ I haven't seen in a long time now and I missed you, Kade,”

He chuckled and shook his head.

Matagal nya na akong girlfriend. Matagal na. Mas matagal pa sa kasal nila ni Zarrena. I'm his first love and I'm so lucky for that.

Damn this guy.

“ Viv, what the heck ?” , he laughed.

Ang pag-tawa nya ay animo'y tinig sa aking tenga.

“ What ?”, I said , raising my eyebrows, “ something wrong with that ?”, I added.

Umiling sya, “ Look, I'm busy and I don't have time for this, ”

Napawi ang ngiti ko matapos nyang sabihin iyon. Tsk. Palaging walang oras para sa akin. Dati trabaho tapos ako, ngayon trabaho tapos Zarrena nalang. Asan na ako ?

“ I have to go now, may susunod pa akong appointment--”

Hindi ko pinatapos ang sasabihin nya dahil nag-salita ako kaagad,

“ Balita ko buntis si Zarrena,” hindi ko nabalitaan, nakita ko mismo sa post ng kaibigan ni Zarrena sa Instagram.

“ Nabuntis mo pala ang asa-asawa mo,” mahinahon ngunit may halong diin kong saad.

Unti-unti ng nawawala ang nararamdaman ni Kade para sa akin. Mas lalo pa itong nawala noong pinakasalan nya si Zarrena.

Kampante ako non dahil arrange marriage lang iyon, pero nung makita kong nawawala na ang mga kinang ng kanyang mata tuwing magkasama kami--- nakikita ko na ang mga kinang na iyon sa tuwing magkasama sila ni Zarrena.

“ Yes, ” matipid at walang gana nyang sagot.

“ Congrats, ” I smirked.

He chuckled, “ That fucking smirk, Viv ? That thing doesn't give a fucking threat to me,” unti-unti kong nasilayan ang pagdidilim ng kanyang mukha, para syang papatay.

“ Hindi ko hahayang saktan mo si Zarrena o ang bata sa sinapupunan nya,” there are no expressions that I can see in his face, makikita mo sa itsura nya na wala syang pakealam at wala syang awa.

“ Nababasa ko ang nasa utak mo, Viv. Huwag mo ng ituloy, kung hindi, ikaw ang papatayin ko, ” pagkatapos nyang sabihin iyon ay umalis na sya , nakita ko pa ang pagsakay nya sa kotse nya.

If that's what it'll take, then be it !

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now