Chapter Five

6.5K 132 2
                                    

Zarrena's P.O.V

Naka-upo ako sa sofa sa sala tapos katabi ko naman si Sophia na busy kumain ng cookies,it's Saturday kaya nandito lang kami sa bahay pero si Kade nandun sa opisina nya.

"Oo nga pala!", Sophia blurted out.

Nagulat naman ako sa kanya.

"Nakaka-gulat ka naman", sabi ko .

Nag-peace sign s'ya saakin, "Sorry, may naalala lang kasi ako itatanong sa'yo," naka-malisyosong ngiti s'ya at sabay subo ulit ng cookies.

Nag-salubong ang mga kilay ko. "At ano naman 'yon?", tanong ko.

She giggled.

"Gusto ko lang sanang malaman kung nag-enjoy ka ba sa birthday party ng Mama mo?", Nakatingin s'ya saakin ng nakangiti at halatang excited sa isasagot ko sa kanya.

Inirapan ko lang s'ya. Uugh! Sa tuwing nag fla-flashback lahat ng nangyari noong gabing 'yon sa utak ko parang gusto kong iuntog ang sarili ko sa dingding, e. Kasi naman naiinis ako sa Alien na 'yon!

S'ya kaya ang kauna-unahang lalaking nakahalik dito sa labi kong 'to. Oo, s'ya palang. Noong ikinasal kaming dalawa hinalikan nya lang ako sa pisngi. At pangalawa nung birthday ni Mama. Iyon ang talagang sa labi. Ewan ko ba kung anong klaseng ispiritu ang pumasok saakin kaya hinalikan ko s'ya pabalik, bigla nalang kasi akong nawala sa sense ko nun e. Pero buti nalang at mabilis din itong bumalik. Such a relief.

Aahh basta! Naiinis ako.

"Hey, Rina!", kinalabit ni Sophia ang balikat ko kaya agad akong napatingin sa kanya.

"Ano ba talaga ang nangyari, gurl?", pangungulit nya.

I rolled my eyes. "Nothing interesting," walang gana kong sagot at nagpatuloy nalang ulit ako sa ginagawa ko.

Napa-aray ako ng bigla nya akong hinampas sa braso. Ouch, that hurts.

"What the? At para saan naman 'yon?", tanong ko habang hinihimas-himas 'yung braso ko na hinampas nya. Masakit 'yun a.

"Tsk. Alam kong may nangyari, Rina," wika nya. "Kaya kwentuhan mo na ako, dali" Pagpupumilit nya saakin. May halong inis na din sa boses ni Sophia, like excuse me?S'ya pa talaga ang may ganang mainis saakin a. Sabunutan ko 'tong babae na 'to e.

I glared at her. "Okay! Okay!"

Ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari. Nung nag-start ang party at nung nagtapos ang party. Medyo natagalan ang sa pagku-kwento kasi naman tanong ng tanong 'tong bruhang 'to saakin. Included na din 'yung hinalikan ako ni Alien.

Kilig na kilig pa nga s'ya e. Nung ikinu-kwento ko 'yung andoon kami sa stage at nung magkatabi kami ni Kade matulog. Hhmmmp. Anong nakakakilig doon?
Anong nakakakilig sa "Try not to sleep here and I'll rape you" na sinabi ng Alien na 'yon saakin? Walang nakakakilig don! Wala! Wala! Wala!

"O-M-G as in Eh-mey-ged!", hindi makapaniwalang sabi ni Sophia. Again?

Naka-awang parin ang labi nyang nakatitig saakin. "Hindi ako makapaniwala, gurl. That was the first time that he kissed you in front of a crowd. Alam mo ba na kapag ginawa iyon ng isang lalaki sa jowa or asawa nya ay hindi s'ya nahihiyang ipakita sa mundo kung sino minamahal nya?!", she smiled, "in fairness, Rina, hindi nahiyang gawin 'yun ni Kade, which means he likes you or he cares," she said.

Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. Am I blushing? Hahaha, silly me. Hindi na ako teenager para mag-blush pa no!

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now