Chapter 29

4.1K 88 3
                                    

So, nagkaroon kasi ng error sa pag-publish ko nung isang Chapter,
Iyong chapter 28 ay dapat 29, nag-adjust na lamang ako. Gagawin ko nalang Flashback itong Chapter na'to.

★  ★  ★  ★

Flashback from Two Months Ago

Zarrena's  P.O.V

“ Woy, akala ko ba isang linggo nyo lang akong babantayan ?”, takang tanong ko, “ E mag-dadalawang linggo nyo na akong binabantayan ngayon e, ” sabi ko pa.

Nasa backyard kaming tatlo. Nag-order ako ng Pizza at gumawa naman ng buko juice si Maverick. Dito kami nagme-meryenda lalong lalo na kapag gusto naming magbabad sa tubig o makalanghap ng malinis na hangin.

“ Kapag natalo kami, babantayan ka namin hanggang sa manganak ka, ” ani Maverick saka sya lumangoy.

Nakita ko namang umahon si Hero tapos nagpunta dito sa kina-uupuan ko para kumuha ng isang slice ng pizza.

“ Anong ibig nyong sabihin ?” , nagtatakang tanong ko.

Ang gulo nila.

“ Explain mo nga,” ani Mavoerick.

“ Basically, Maverick and I had a bet with you husband, ” he paused, hawak nya parin ang slice ng pizza, Hindi nya pa kinakagatan, “ If your baby is a girl, edi jackpot ! Panalo kami ni Maverick, kami ang pagsisilbihan ng asawa mo. Pero kapag Lalaki, edi si Kade ang panalo, ibig sabihin pagsisilbihan ka namin hanggang sa manganak ka, ” aniya sabay kagat sa slice ng pizza na kinuha nya.

Ganon pala 'yung pinag-usapan nila ? Putek. May pustahan pa silang nalalaman. Ang gulo nila e, noon sabi nila inutusan lang daw sila ni Kade tapos ngayon may pustahan pala sila at iyon ay tungkol sa magiging gender ng baby ko !

“ Now you know, Zarrena,” ani Maverick na ngayon ay nag-floa-floating na.

“ But hey, kunin mo kaming ninong ng anak mo a ?”, nakangiting sabi ni Hero tapos nanguha sya ng buko juice.

Ako naman, mukhang tanga. Hindi ma-sink in sa utak ko iyong sinabi nya e, nagulat ako. Diko keri, dai !

“ Wag mong sasabihin sa asawa mong hilaw iyong mga isiniwalat ko sayo,” ani Hero,

“ B-bakit naman ?”, nagtatakang tanong ko.

“ Kasi sikretong malupet nga iyon, kaming tatlo lang ang nakakaalam,” sagot nya, “ Kapag
nalaman ng asawa mong sinabi namin iyon sayo, we're dead meat ! Bubugbugin nya kami ni Maverick,” dagdag pa ni Hero.

G-ganon pala iyon ? Jusko, di ako maka-get over sa nga kagaguhang ginagawa ng magka-kaibigan na ito ! Kung ano-ano, dinadamay pa nila ako.

“ Hoy, Bayaning Hero ! Abutan mo nga ako ng isang slice ng pizza, ” utos sa kanya ni Maverick na ngayon ay naka-sakay na sa isang salbabidang hugis bibe.

“ Putang ina, parang wala ka naman kasing paa”, inis na sabi ni Hero.

“ Sige na a, dalian mo,” ani Maverick.

“ Ang sarap lunurin nitong gagong to,” narinig kong bulong ni Hero.

Napangiti ako.

Nanguha sya ng isang slice ng pizza tapos iniabot nya iyon sa nakalutang na si Maverick. Sarap ng buhay neto ay, may utusan pa, jusko. Dinaig pa ako, dapat ako ang nag-uutus e, ako ang binabantayan nila.

Lalaki ang gustong anak ni Kade ? Huh ? Baket ? Baka balak nyang isunod sa pangalan nya, balak nya sigurong gawing Junior ang magiging panganay nya kung sakaling lalaki man ito.

Hay naku, basta ako, masaya dahil magkakaroon na ako ng anak.

The Unwanted WifeWhere stories live. Discover now