THE LAST CHAPTER ( Pt. 1)

5.3K 96 18
                                    


Zarrena's  P.O.V

I don't really know the exact meaning of love, but right now , at this moment, I'm just enjoying it. It feels surreal that I married the right guy.

Ang sarap sa pakiramdam ng malapagpasan mo ang pagsubok na iyong hinarap. Ang sarap sa pakiramdam na nakatuluyan mo ang lalaking hindi mo sukat akaling mapapasayo, at binigyan pa ako ng dalawang bulinggit. Sapat na sa akin ang makasama pamilya ko, sapat na sa akin ang masilayan sila sa paggising sa umaga at bago matulog sa gabi. Wala ng mas hihigit pa sa mag-ama ko. I wasn't expecting this to be a happy ending. Napaka-imposible kasi ng sitwasyon ko noon.

“ Hey, what's with that face ?”, nagising ako sa realidad ng tanungin ako ng aking asawa.

Iba talaga kapag masaya. Walang makakasira ng araw.

Pumikit-pikit ako saka ko s'ya tinitigan habang naka-ngiti. Katatapos nya lang maligo, ako naman ay maliligo palang kasi I just woke up. Mas maaga s'yang nagising sa akin ngayon.

Nakaupo ako sa kama habang s'ya naman ay naghahanap ng maisisuot sa cabinet habang pinupunasan ang buhok nyang basang-basa pa. Through this years, wala parin s'yang pinagbago, s'ya parin yung lalaking sinusungitan ako before.

“ Wife, are you just going to sit like that ? Tanghali na ,” aniya. Hayst, oo nga pala kailangan ko pang asikasunin ang mga anak ko. Jusko.

I was yawning as I stood up from the bed . Oh how I hate Mondays ! Dang, I didn't even had a good night sleep.

Iniwan ko na s'yang nagbibihis at ako naman ay dumiretso na sa banyo para mag-hilamos . Mamaya na ako maliligo at wala naman akong pasok, s'ya lang ang may pasok saming dalawa ngayon, it's summer and no school.

Di parin mawala ang saya, haha, nakangiti ako habang nagto-toothbrush. Kunware kanina ay hindi ako masaya dahil baka inisin nya lang ako o kaya ay biruin. Tsk tsk. Ganyan yan e, naninira ng araw ng may araw, kaya nga minsan gusto ko s'yang ibitin patiwarik. Pero kahit na bwisit yan ay sobrang mahal na mahal ko parin yan. Sobrang swerte ko kasi s'ya yung pinaasawa saken ng magulang ko tho our love story doesn't have a beautiful start, buti it has a happy ending.

“ Wife, mauna na ako sa'yo sa baba, ”, aniya. Di na ako umimik dahil ay nagto-toothbrush ako. Hinayaan ko nalang s'ya.

Meron pang isang dahilan kung bakit sobrang saya ko ngayon, it's our 10th wedding anniversary. Geez, hindi nya siguro naalala ? Hindi nya ako binati e. Awit. Hayaan ko na, maaalala nya din naman siguro iyon mamaya.

Ni hindi nya pa ako binati saka hinalikan sa noo,  ngayon di na ako masaya, naiinis na ako. Hayop. Kaasar, ang galing nyang manira ng araw.

“ Kagago talaga ng lalaki na 'yon,” nanggi-gigil kong saad matapos kong mag-sipilyo. Hay. Punyeta.

“ Nakakainis, ni hindi manlang ako binati o hinalikan sa noo, awit !” , dagdag ko pa.

Padabog kong isinara ang pintuan ng banyo. Pagkatapos ay lumabas na din ako sa kwarto para i-check ang mga anak ko. Ang kwarto kasi nila ay like 20 steps away from our room, nakakapagod din minsan. May kwarto pa kasi bago yung sa mga anak ko, and that room is where my husband do his work kapag hindi nya maharap pumasok sa opisina. Magkatapat naman ang kwarto ng dalawa kong anak. Hanggang ngayon ay dalawa parin sila, wala na kaming balak pang dagdagan ang mga anghel namin ni Kade.

Nakatapat na ako sa kwarto ng anak kong si Zeus. Di na ako nag-abalang kumatok la dahil alam kong hanggang ngayon ay naglalaway padin iyon, I meant hindi pa gising.

Pagkapasok ko sa kwarto nya ay wow ! Nakadapa pa ang hinayupak. Tanghali na, anak. Jusko. Porket alang pasok ngayon e.

“ Hoy, anak kong masungit , bangon na dyan at tanghali naa!”, malakas kong sigaw. Tansya ko ay rinig iyon mula sa baba. Mahirap itong gisingin e. Masungit 'yan, pansin ko lang, tho hindi nya naman kami sinusungitan dito sa bahay, napapansin ko pa ding may pagka-masungit s'ya.

The Unwanted WifeKde žijí příběhy. Začni objevovat