Chapter 33

1.8K 63 1
                                    

Mahigpit niyang hinawakan ang kanang kamay ni Wilder

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Mahigpit niyang hinawakan ang kanang kamay ni Wilder. Kasalukuyan itong nagpapahinga at hindi niya namalayang namumugto na pala ang kanyang mga mata dahil sa sobrang pag-iyak.

Labis ang kanyang pagpapasalamat nang kaagad silang dinaluhan at tinulungan ni Carter. Marunong itong magbigay ng first aid at ito na rin mismo ang nagtanggal ng bala mula sa likod ng binata.

While removing the bullet, pinalabas muna siya ni Carter sa silid dahil hindi niya maatim na tingnan ang sakit sa mukha ng binata. Ngunit kahit na lumabas siya ay nanatili siyang nakatayo sa harap ng pintuan, at mula roon ay rinig niya ang mga daing nito. Narinig din niyang pinagagalitan ito ni Carter at ang huli ay wala namang tugon.

"You weren't like this before. Naiilagan mo dati ang mga attacks nila. What baffled me was that you even used yourself to shield that woman! Dati'y pinaaalala mo pa sa 'kin na sarili lang ang isipin ko. But look at you!"

Totoo iyon. Despite suffering from the pain caused by the gunshot, he still had the strength to carry her and use his body as a defensive shield to keep her safe and unscathed.

A sudden rush of guilt coursed through her. What if the enemy was able to trace them because of the phone call? But she doubted it. Blake was sincere as they spoke. Naroon din ang pagod at stress sa boses nito. Tila pagod na rin ito sa lahat ng mga nangyayari.

Nang itanong niya kay Carter kung alam nito kung sino ang namaril ay hindi raw nito alam. The man could have been working for Alessio, ngunit ayon dito ay hindi ganoong tipo ng tao ang matanda. He wanted a fair game. He wouldn't just send someone over to shoot Wilder. An act such as that would lower him.

Kanina ay nakita niya ang pagdating ng ilang mga armadong lalaki sa bahay. Ilang minuto silang kinausap ni Carter na tila nagbibilin ng mga dapat nilang gawin.

Ang lahat ng iyon ay bago sa kanya. As hours passed, everything began to overwhelm her that she felt like she was struggling for air.

Nabaling ang atensyon niya kay Wilder nang bigla itong kumislot. She held his hand tight. Pati siya ay nasasaktan na makita ito sa ganoong kalagayan. Palagi siya nitong pinoprotektahan, ngunit siya ay wala pang nagagawa para rito. Tiyak na kung makikita sila ng marami, iisipin ng mga itong pabigat lang siya.

Pero kung susuko siya, para na rin siyang nagpatalo. She had a life to reclaim and a mother to protect. However, she was weak. Ni hindi niya kayang protektahan ang sarili, so as a result, someone else had to bear the agony.

"Patawad," usal niya habang hawak pa rin ang kamay nito. Dumukdok siya sa sariling braso nang makaramdam ng pagod, yet she remained awake. Pagod siya ngunit hindi man lang siya dalawin ng antok. Her brain wouldn't stop. Paano kung bumalik ang taong iyon?

Noon pa lang ay alam niyang hindi na biro ang mga nangyayari. Totoong pinagbabantaan ang buhay ng binata at ang masaklap, sarili nitong ama ang kaaway nito.

Wilder De LucaWhere stories live. Discover now