Chapter 12

4.2K 166 125
                                    

Dalawang araw

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Dalawang araw.

Iyon ang bilang ng mga araw na nakaraan simula nang umalis si Wilder, ngunit hindi pa rin ito nagbabalik. Dalawang araw na siyang naghihintay at umaasa na sa bawat minutong nagdaraan ay lilitaw ito. Dalawang araw na hindi siya lumalabas ng hotel dahil alam niyang hindi siya masisiyahan kahit na pagmasdan ang kagandahan ng isla.

Her back was laid against the cold wall and her head was buried between her knees. She was consumed by a profound sadness, and fatigue was engraved on her face---caused by not getting a wink of sleep for the last few nights. She had her eyes shut, but upon hearing the door swung open, she tilted up her gaze, hoping that the person who arrived would be him.

"H-hi," he saluted nervously while standing outside the room. Only the half of his body was visible. His hand was holding the doorknob, and she didn't know where he got the key to acquire access to the chamber.

Hindi niya ito binigyang pansin. Muli niyang isinubsob ang ulo sa pagitan ng kaniyang tuhod. Wala siya sa kondisyon na makipag-usap dito dahil sa pagod at sa hindi magandang pakikitungo nito sa kaniya noong nakaraang araw.

The sound of his footsteps echoed in her ears and it faded as she heard him slump down in an armchair. Wala sana siyang balak na kausapin ito ngunit ang amoy ng kape ang naging dahilan upang tapunan niya ito ng tingin.

His elbow was resting on one of the armrests while his hand was slowly swinging a cup of coffee in a paper container. A broad smile crossed his lips when he heard her stomach grumbling.

Nakagat ni Anastasha ang kaniyang labi nang dahil sa hiya. Hindi niya gustong ipakita rito ang kaniyang pagdurusa. Ayaw niyang ipakita sa lalaki na mahina siya.

"Do you want this?" tanong nito habang nakangisi. Nakasuot ito ng simpleng kamisetang kulay asul, isang pares ng pantalong itim at rubber shoes na kulay puti.

Walang sagot itong natanggap mula sa kaniya dahil hindi niya ito magawang pagkatiwalaan. Alam niyang kaya nitong manakit ng babae at kung may gawin siyang hindi nito gusto ay baka muli siya nitong saktan.

Isang buntung-hininga ang pinakawalan nito at marahang inilapag ang sisidlan ng kape sa ibabaw ng mesa. Lungkot at pagsisisi ang gumuhit sa mukha ng binata.

"Alam kong gutom ka na. You didn't eat anything last night. Hindi mo kasi tinanggap ang pagkain na pinahanda ko," saad nito at tumingin sa kaniya.

Hinayaan niya lang itong magsalita. Parang nauupos na kandila ang kaniyang lakas sa mabagal na paglipas ng mga araw. Ang akala niya ay magbabalik din agad si Wilder, ngunit nagkamali pala siya.

Ang kaniyang puso ay parang tinutusok ng milyong-milyong kutsilyo sa isiping hindi na ito magbabalik. Takot siya na maiwan na namang mag-isa, na hayaan na lang magdusa ng taong akala niya'y hindi siya lilisanin.

Napapitlag siyang bigla nang may humawak sa kaniyang braso. Nang itaas niya ang tingin ay tumambad sa kaniya ang mukha ng binata. Ang mga mata nito ay nakatitig sa kaniyang braso na hindi niya namalayang nagkaroon pala ng pasa sanhi ng nangyari noong nakaraang gabi.

Wilder De LucaWhere stories live. Discover now