Chapter 36

3.9K 81 24
                                    

Masakit ang kanyang ulo at parang binibiyak iyon gamit ng sampung martilyo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Masakit ang kanyang ulo at parang binibiyak iyon gamit ng sampung martilyo. Kanina pa ito masakit at hindi pa rin tumitigil. Naduduwal din siyang hindi malaman. Gusto niyang masuka ngunit wala naman siyang maisuka. She was aching all over. Gusto na lang niyang magpahinga at matulog nang mahimbing, ngunit sa kasalukuyang sitwasyon ay hindi maaari.

Muli na naman siyang ikinulong ng mga ito sa silid kung nasaan siya kanina. Hindi na siya itinali ng mga ito. They all knew she was lacking enough strength to plan an unavailing escape. Bago muli siyang ikulong ng mga ito ay isang malakas at mahapding sampal ang natanggap niya mula kay Paula.

"'Yan ang nababagay sa 'yo!" was what she said.

Through the mist of her tear-filled eyes, she glanced down at her muddy hands. May mga maliliit na hiwa roon at may kaunting hapdi siyang nararamdaman. She wondered why evil always prevailed over good. Hindi ba dapat ay ang kasalungat ang nangyayari?

At paano si Wilder? Paano kung dahil sa kanya ay malagay sa panganib ang buhay nito? Paano kung siya ang maging dahilan ng pagbagsak nito? She embraced herself nang sinibulan ng matinding takot ang kanyang dibdib. Takot na hindi lang para sa kanyang sarili kun'di para rin sa binata.

Napaigtad siya nang biglang bumukas ang pintuan. Iniluwa niyon ang taong nagdulot ng lahat ng kanyang mga pagdurusa. Kaagad na nabalat ng takot, galit at poot ang kanyang puso. Gusto niya itong sampalin hanggang sa gumaan ang dibdib niya.

As he walked toward the bed, she attempted to act tough and fought hard to hide her fear. If she succeeded or not, she didn't know. Hindi niya gustong pagkalooban ito ng kahit isang tingin. She despised him from the very core of her being, and nothing would exonerate him from his wrongdoings, kahit na pakawalan pa siya nito sa mga sandaling iyon.

"I believe you still remember me, princess." He sat casually, on the edge of the bed, puffing away at a cigarette, looking down the rugged floor.

Nanatili siyang tahimik. She couldn't bear to even hear his voice. The sound of it was enough to send her blood boiling with rage. Kung hindi ito dumating sa buhay nila ay hindi sana sila nagdurusa.

Patuloy ito sa pag-ihip sa sigarilyo. In just a fraction of seconds, the smell of cigarette smoke remained perched in the small room that it was almost suffocating.

"Princess, you were never given the drug," seryoso at kalmadong pahayag nito. Hindi niya alam kung bakit pinili nitong buksan ang argomentong iyon. Sa una'y natutuliro siya, ngunit unti-unti ay nag-sink in sa kanya ang gustong iparating nito.

Dahil doon ay mabilis umangat ang kanyang ulo upang tingnan ito. Dumoble ang bilis ng kabog ng kanyang dibdib. She blinked a few times as shock lined her eyes. Hindi niya maipaliwanag ang epekto ng mga salita nitong iyon. A part of her was relieved, but the other was sealed with doubt. Paano pala kung nagsisinungaling lang ito?

"Kung gano'n, bakit? Bakit nawala ang mga alaala ko?" tanong niya, ang mga mata'y parehong nagtatanong.

He puffed at his cigarette twice before meeting her eyes. Bumuga ito sa hangin at sumagot, "You tried to escape the night Christine saved you. Paula got angry and chased after you. I don't know what happened after that, but they brought you back unconscious. You were bleeding a lot. Especially on your temple."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Wilder De LucaWhere stories live. Discover now