Chapter I

3.4K 57 2
                                    


“KUYA, ‘di ka pa ba tapos diyan?”

Meng shouted at the top of her lungs.
Tinitingala niya ang lalaking nagkakabit ng tarpaulin para sa Valentine’s event nila mamayang gabi. Iyon kasi ang naging pakulo niya para sa araw na ‘yon. Para kahit paano ay lumakas naman ang benta ng restaurant nila na unti-unting humina noon sa pagdaan ng panahon pero sa tulong ng social media, muli niyang nabuhay ang lugar na iyon.

Minana pa niya ang naturang restaurant sa Mamita niya, her grandmother. May sariling negosyo kasi ang mga anak nito at wala ni isa ang nagpakita ng interes para manahin iyon maliban sa kanya.

Siya lang kasi ang medyo naligaw ang landas sa kursong HRM, kaya sa kanya ito ibinigay ng kanyang abuela. Wala namang ibang magmamana niyon kundi siya lang. Ayaw rin kasi ng mga pinsan niya.

Ancient na kasi ang lugar. Maisasama na sa history. Mas matanda pa sa parents nila. Yari pa sa kahoy ang buong lugar pero well maintained naman.

Mula nang maipamana iyon sa kanya two years ago, marami na siyang renovations na naipagawa roon. But still, pinanatili niya ang ambiance ng lugar na homey and classy at the same time. Iyon kasi ang sinasabi ng mga taong binalik-balikan nila bukod sa Filipino and Italian cuisine na sine-serve nila.

“Hindi pa ho, Ma’am!” sigaw ni Arnold pabalik. Isa sa mga bagong hired na staff niya.

“Pakibilisan naman ho. Salamat!”

Pumasok siya sa loob ng restaurant at dire-diretsong naglakad papunta sa kitchen para i-check ang mga tao roon. Dalawang oras na lang kasi ay magbubukas na sila. Dapat handa na ang lahat para mamaya. Marami rin kasi silang natanggap na reservations for that day. Tiyak na marami talaga ang pupunta.

“Do you need my help?” tanong niya sa kitchen staffs na abala sa pagluluto, paghihiwa at kung anu-ano pa. Kinuha niya ang sariling apron at pinusod ang buhok. She was ready to help them when someone stopped her.

“Hindi na, Meng.” Nay Lolit answered. Isa ito sa pinakamatandang cook na nagsilbi rin noon sa Mamita niya. Ito ang head sa kitchen. All round. Pwede sa main course, appetizer at hanggang sa desserts. Kayang-kaya nitong gawin ang lahat.

“Kami na dito.” She smiled at her knowingly. Gumanti siya sa ngiti nitong iyon.

“Doon na lang ho kayo sa labas, Ma’am. Mukhang mas kailangan kayo roon.”
She nodded and took her apron off. Iniabot niya iyon sa kay Sarah para muling isabit sa lagayan.

“Thank you, 'Nay.” She whispered. Yumakap pa siya kay Nanay Lolit bago lumabas.

Pagkalabas niya mula sa kitchen ay nagkakagulo ang may higit sampung staff niya na nag-aayos ng decorations sa loob ng resto. Indeed, hindi pa nga tapos ang mga it sa pag-aayos ng mga tables and chairs. May iilang wala pang table cloth at wala pa ni kahit anong decoration sa table.

“Yung tables 18-25 hindi pa naaayos. May two hours na lang tayo, guys. Bilisan niyo ang pagkilos.” She commanded and roamed around.

Sa tuwing makakakita siya ng kaunting gulo sa table ay agad na inaayos niya. She was that meticulous. Ayaw niya na may mali sa arrangements sa table. Lalo na at HRM ang tinapos niya. Hindi pwedeng makawala iyon sa mga mata niya.

“Pakipalitan yung sa table 16.” Utos niya kay Cherry na namataan niyang naghihintay sa gilid at tila naghihintay sa iuutos niya.

“Pakiayos ng mabuti yung table napkin. May nakita akong mantsa sa table cloth.” Tumango naman ito at agad na tumalima sa kanyang utos.

“Ma’am! Reservation!”

Lumingon siya sa counter at kunot-noong lumapit roon. “Bakit hindi mo pa kinausap kung reservation lang naman pala?” tanong niya kay Bea.

Remember (MaiDen Fanfiction) | Wattys 2019 WinnerWhere stories live. Discover now