Chapter XXI

987 40 3
                                    

"WHO IS SHE?" puno ng galit at sakit na tanong niya. Pinipigilan ang sarili na magsabi ng masasakit na salita kahit na nga labis-labis ang sakit na nadarama niya.

She didn't know what went wrong. She didn't know what happened. Bakit sa ganito nauwi ang lahat?

"Ano 'to?" Ipinakita niya sa binata ang hawak na cellphone kung nasaan ang kuha ng dalawa na magkayakap.

He even kissed the girl's forehead. Kitang-kita niya kung gaano kasaya ang mukha ng binata. How could he do this to her?

"Answer me!" she shouted. Gusto niyang ihagis dito ang cellphone pero hindi niya magawa. Hindi siya masamang tao para manakit ng iba. And she doesn't deserve this kind of pain.

Umiwas siya nang akmang yayakapin siya nito. Umiling siya kasabay ng pag-agos ng mga luha. Hindi niya kahit minsan naisip na magagawa nito ang bagay na 'yon.

She trusts him so much. She loves him with her all. Pero sa huli, lolokohin lang pala siya nito. Sa huli, sasaktan din lang pala siya.

"Bakit? Ano'ng n-nangyari? Ano'ng m-mali?" tanong niya sa pagitan ng paghikbi. "Ano'ng nagawa ko?" Her eyes were blurry as she continued to stare at his face.

He didn't say a word. He was just looking at her. Nakikita niya ang pagsisisi sa mukha nito pero hindi niya iyon kailangan. He betrayed her. He hurt her.

"How can you do this to me?" She cried even more.

Nanginginig ang buo niyang katawan sa galit at sa sakit. This isn't the first time that he did this. Only this time, it was more painful. Sobra-sobra ang sakit sa dibdib niya.

"She's pregnant!" sigaw niya sa mukha nito.

He looked surprised. Of course, she will know about that. Malalaman at malalaman niya kung ano ang totoo. She has all the means to know the truth. Kayang-kaya niyang malaman kahit ano pang sikretong itinatago nito.

She wasn't a fool. Not anymore. Hindi na siya magpapakatanga pa para rito. Not this time.

"Five months na lang, Richard. Five months. And you chose to hurt me like this." Binayo niya ang dibdib nito sa sobrang galit at sakit. Hindi niya alam kung bakit sa kanya pa nangyayari ang lahat ng ito. Kung bakit siya pa ang nasasaktan ng husto.

She's been faithful for four years and all that she could get from all of these were pain and suffering. Pagod na pagod na siya.

"I'm backing out..." she said. She looked at him in the eyes. "I'm calling off the engagement. Ayoko na." She cried.

Tinulak niya ang binata pero lumuhod lang ito sa harap niya.

"No, no." Hinawakan nito ang kamay niya ng mahigpit. "I'm sorry. I'm sorry." Yumakap ito sa beywang niya at paulit-ulit na humihingi ng tawad. "Don't leave me. Please."

Those words won't work on her anymore. Napagod na siyang magpatawad. Napagod na siyang magmahal. Napagod na siyang masaktan ng paulit-ulit. Pagod na siyang maging tanga para sa lalaking mahal niya ngunit hindi naman marunong makuntento sa kung ano'ng kayang ibigay niya.

He doesn't deserve her at all. Sana naniwala na lang siya sa pinsan at kapatid niya. Sana nakinig siya sa mga ito noon pa man. They warned her about him, pero matigas ang ulo niya. Sinunod niya ang gusto niya. And now, this is what she got. Pain.

"Sawang-sawa na ako sa mga sorry mo, Richard. Pagod na pagod na akong patawarin ka sa paulit-ulit mong ginagawa. Ayoko na. I wanted out." She cried.

Remember (MaiDen Fanfiction) | Wattys 2019 WinnerWhere stories live. Discover now