Chapter XVIII

1K 44 3
                                    

"TALAGA bang pupunta ka na sa resto?"

Nakapameywang si Jake at nakikita niya ito sa repleksyon ng salamin. She looked at him in the mirror.

"Wala naman akong gagawin dito. Mabo-bore lang ako." Sinuklay niya ang buhok. Na-blow dry na niya iyon kaya't tuyo na.

"The doctor clearly said that you need to rest." Paalala nito sa kanya.

She sighed. Humarap siya dito. "Nakapagpahinga na ako, 'di ba? I was here the whole day yesterday. Four days na akong tengga dito."

"So you want to be distracted. Is that it?" Nang-uuri ang tinging ibinigay nito sa kanya.

"What? No." Kaila niya. Muli siyang humarap sa salamin at tiningnan ang sarili. Her eyes can't lie to anyone. Lalo na sa sarili niya.

Of course, she would want any distraction. Kahit na ano pa iyon. Para hindi niya paulit-ulit na naiisip ang mga sinabi ng mga ito sa kanya. Ni hindi nga siya makapagsulat dahil doon. Ginugulo kasi niyon ang isipan niya.

"Why don't we just go to the mall? Unwind and shop?" Jake suggested. "Pinupuntahan naman ni Paolo ang resto mo sa gabi. Nandoon naman din si Bea. They will be fine."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Sagot mo ba?" Nanghahamon na tanong niya.

Kuripot ang pinsan kaya alam niya na magba-backout ito dahil sa hamon niya. Hindi ito gumagastos ng kahit anong luho. But he loves to travel. Doon madalas napupunta ang pera nito. He's already a millionaire. Hindi na nga nito kailangang maging hands on sa sariling business. Kaya ito rin ang madalas na kasama niya sa bahay.

"Yes. Whatever that you wanna buy, it's all on me."

Nagulat siya sa sagot nito. He stared at him through the mirror. "Wait. Are you really Jake?"

He laughed at her. "Baka magbago pa ang isip ko. Bahala ka."

She smiled at him. "I know you're only doing this because you don't want me sad. I appreciate it, Jake. But---"

He cut in. "No buts. Huwag na tayong magdrama pa kasi nakakasawa na 'yon." He rolled his eyes. "Dadaan tayo sa resto after we go shopping. The dinner's on you."

"Okay. Fine. Wala naman akong magagawa."

"Wala talaga kaya magbihis ka naman ng iba, pwede?"

Napatingin siya sa suot na damit. "What's wrong with my clothes?"

She's wearing a jeans and a white v-neck shirt, then a matching sneakers. 'Yung comfort attire niya dahil bahay-resto lang naman siya halos araw-araw. Wala naman siyang ibang pinupuntahan.

"Dress up a bit. And put on some color on your face. Ang putla na ng mukha mo tapos powder lang nilalagay mo? Nagmumukha kang living zombie."

Lumapit ito sa closet niya at binuksan iyon. Hindi niya makita kung anong ginagawa nito. Out of curiosity, she went to him.

"Ano ba'ng ginagawa mo diyan?" Sinilip niya ang closet.

Lahat ng damit doon ay halos katulad lang din naman ng mga suot niya. Jeans and shirts. Iilan lang ang for casual dresses niya, na madalang naman niyang sinusuot.

"Here," inabot nito sa kanya ang isang sleeveless na brown. "Wear that instead of your classic v-neck shirt."

Tiningnan niya ang iniabot nito sa kanya. "What's wrong with my shirt?"

He closed the closet and looked at her. "Para maiba lang. Kasi your taste with clothes are so bad. Kaya better wear that and finish your makeup. Hintayin kita sa labas." He then leave her in her room.

Remember (MaiDen Fanfiction) | Wattys 2019 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon