Chapter II

1.7K 48 2
                                    

MENG sighed.

Kalahating oras na lang ay magsasara na ang resto pero naroroon pa rin ang binata at nananatiling nakaupo. He didn’t even asked for water once. Kulang na lang ay dalhan niya ito ng tubig na maiinom. Ilang ulit din na pinalapit niya ang mga staff dito para tanungin kung may kailangan ito pero iling at ngiti lang ang nakukuha nilang sagot.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya para rito. Kung maaawa dahil naghintay ito ng matagal. O maiinis dahil mukhang alam naman nito na walang darating pero naghintay pa rin.

Siguro sa paningin ng iba, he looked foolish. She can clearly see the look her staffs were giving him. Pati si Nay Lolit na abala sa kitchen ay lumalabas paminsan-minsan para sumilip sa binata. They must have felt sorry for him.

She sighed before continuing to tally their sales for the day. May iilang customers na lang sila na naroroon. Hinihintay na lang nila na matapos so they can clean the resto and leave.

Hindi niya matapos-tapos ang ginagawa dahil sa binata. Tuwi-tuwina niya ay sinisilip niya ito. Why can’t he just give up? Kung hindi pumunta, e ‘di hindi. End of story. They were not meant for each other. That’s it.

Hindi niya alam kung alin ba ang mas masakit. ‘Yung mahindian ang marriage proposal o ‘yung hindi nagpakita o dumating ang dapat na aalukin ng kasal.

Maybe there was a reason behind it. Baka hindi pa rin ito umaalis dahil may natanggap naman itong mensahe mula sa girlfriend nito. Why would he still stay and wait until this hour if there was not any valid reason? Right? Syempre, dapat may rason.

“Ma’am…” tawag sa kanya ni Bea na ikinalingon niya rito.

“Yes?” Sumulyap siya sa binata.

“E, Ma’am, si Sir na lang ho ang tao.”

Napatingin siya kay Bea dahil sa sinabi nito. Ginala niya ang tingin sa buong resto. Wala na ngang ibang tao pa roon maliban sa binata at iilang staff niya. Nagsisimula na ring ayusin ng mga ito ang mga lamesa at upuan roon. But Mr. Faulkerson remained seated. Ni hindi ito natinag sa kinauupuan.

Napabuntong-hininga siya. Maybe it’s time for her to talk to him.

“Ako na bahala sa kanya.” Tinanguan niya si Bea at inayos ang sales receipts na kanina pa niya itina-tally pero hindi rin naman niya matapos.

She left the counter in no time. Nilapitan niya ang binata na nakayuko na ng mga sandaling iyon. She really felt sorry for him pero wala naman siyang magagawa para mapagaan ang loob nito ng mga sandaling iyon. She doesn’t know what words could even comfort him at that moment.

Tumikhim siya bago naupo sa harap nito.

“Sir…” maingat na tawag niya dahil nakita niyang nakapikit ang mga mata nito.
Is he crying? Alanganing tinapik niya ang balikat nito at bahagyang inalog iyon.

“Sir?” tawag niyang muli.

He moved a little. He opened his eyes and looked at her. His eyes were bloodshot. Nakikita niya rin sa mga mata nito ang sakit. Even when he smiled at her, the pain was still evident in his eyes.

“I’m sorry,” he said. Kinuha nito ang mga bulaklak sa table at tumayo.

Napatayo rin siya dahil doon. Hindi niya alam kung ano ang dapat na sabihin dito. Maybe console him for a bit? What?

“I thought she can make it. I thought she’ll finally be able to come here.” Marahang turan nito na sila lang ang nakakarinig.

He was looking at the flowers with agony and hurt. Na tila ba maiintindihan ng mga pobreng bulaklak ang naiisip nito ng mga sandaling iyon.

Remember (MaiDen Fanfiction) | Wattys 2019 WinnerWhere stories live. Discover now