Chapter XXVIII

961 32 3
                                    

"ARE you sure you don't want to check in first?"

Paolo has been asking that question countless times since they arrived at NAIA. Hindi ito matahimik at tila hindi rin mapakali.

"You need to rest, Maine." Pangungulit nitong muli sa kanya. "Ni hindi ka nga natulog buong flight. Huwag mo namang pabayaan ang sarili mo."

"Okay lang ako, Kuya. Don't worry." She smiled. "Samahan mo na si Mamita sa hotel. Just drop me by the hospital. Saglit lang ako doon. I promise."

Her brother sighed in defeat. "Whatever you say." He said in resignation. "Jake's in the hospital. Sinabihan ko siya kanina na kung puwede pumunta siya doon dahil alam kong hindi ka papipigil kahit ano'ng sabihin ko. You're as stubborn as Mamita."

"Nananahimik ako dito, Paolito." Mamita said. "Let her be. Hindi rin naman 'yan mapapakali kung hindi mo papayagan. She's old enough to do the things that she wants. Hindi mo na 'yan mapipigilan."

"Bahala kayong magpaliwanag kina Papa at Mama, Mamita. Basta ako sinabihan ko kayong dalawa." Paolo said.

Mamita held her hand. "You have to be strong, hija."

She nodded. "I know, Mamita. I'm just scared by the thought that I might lost him too. Baka hindi ko na kayanin 'yon. And Siegfried..." Kumawala ang mga luhang ilang oras na niyang pinipigilan. "I'm so scared that I'm too late now."

"It's going to be okay, Maine." Pang-aalo sa kanya ng abuela.

"Paano kung hindi na? What am I gonna do?" Nanginginig ang labi niya dahil sa takot. Takot na baka mawalan na naman siya ng mahal sa buhay. Na baka ngayon, tuluyan na siyang mag-isa.

"Natatakot ako na huli na para sa akin... Sa amin. Kung hindi siguro ako umalis noon baka hindi nangyari 'to. I could have admit to myself that I love RJ even before. Pero tinakbuhan ko 'yung nararamdaman ko dahil natakot ako na baka nakikita ko lang si Richard sa kanya. Eventhough I know, I've fallen for him even before I met his twin. This is all my fault, Mamita. Masaya na sana kami ngayon if I'd only taken that risk..."

She cried her heart out. Kasabay ng pagsisisi at panghihinayang sa mga bagay at pangyayaring tinakasan niya noon. They could have been happier now but she's a coward.

Katahimikan ang namayani sa kanilang lahat habang papalapit sila ng papalapit sa hospital. Her heart was beating faster. Umahon agad ang kaba sa dibdib niya nang makita ang signage ng hospital di kalayuan. Hindi niya alam kung kakayanin niya ang makikita sa ilang sandali. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin. Ngayon pa lang ay nanlalambot na ang mga tuhod niya.

The car stopped in front of the hospital. Nakita agad niya si Jake na mabilis na naglalakad patungo sa kanilang sinasakyan. Nauna nang bumaba ang Kuya niya at sinalubong na nito si Jake. Seryoso ang mga itong nag-uusap. Samantalang siya ay naririto sa loob ng sasakyan at ni hindi maigalaw ang mga kamay para itulak ang pinto.

Maybe it was her trauma. Or maybe she was just that scared to see them helpless and barely breathing.

"Do you want me to come with you, hija?" Mamita's soothing voice calmed her a little. Nilingon niya ang abuela at umiling dito.

"I can do this, Mamita. I have to do this." Pilit na ngumiti siya. Hinawakan niya ang pinto ng sasakyan at itinulak iyon para magbukas.

Malamig na ihip ng hangin ang unang dumampi sa kanyang mukha. Ang panginginig at panghihina ng mga tuhod ay lalo niyang naramdaman. Ang kaninang mabilis na tibok ng kanyang puso ay mas lalo lamang naging mabilis. Dinig niya ang malakas na kabog ng dibdib. Pilit na tumayo siya at inihakbang ang mga paa. Kailangan niyang makita ang binata. Ngayon siya nito mas kailangan.

Remember (MaiDen Fanfiction) | Wattys 2019 WinnerWhere stories live. Discover now