Chapter V

1.3K 40 3
                                    

MENG creased her forehead when he saw RJ at the other lane. Lumipat pala ito sa kabilang linya kung saan mas mabilis ang usad ng pila. He even smiled at her when he noticed that she was looking at him. She just stared at him for a little longer, na hindi naman niya dapat na ginagawa.

His lips twitched, na tila alam nito kung bakit siya nakatitig ng ganoon dito. Pasimpleng kinurot niya ang sarili para kahit papaano ay matauhan naman. And it was effective, she got back from her trance.

Umayos siya ng tayo at humarap na lamang sa counter. Siya na pala ang susunod sa pila. Inayos niya ang mga pinamili sa ibabaw ng counter. It took the cashier fifteen minutes para matapos sa lahat ng pinamili niya. Ipinalagay na lang din niya ang mga brown bags sa cart para mas madali sa kanya na madala iyon patungo sa sariling sasakyan.

"Thank you," she smiled at the bagger. Maayos kasing nakalagay sa cart ang mga brown bags. Itinuro pa nito sa kanya kung nasaang bags ang mga meat at mga gulay.

"You're welcome, Ma'am. Come again." Masiglang sagot nito at nag-bow pa sa kanya.

She was about to push her cart when someone did it for her. Nakakunot ang noo na tiningnan niya kung sino iyon.

A smile was already plastered at RJ's face. Nakita na naman niya ang dimple nito. Dalawang bags ang hawak nito sa kanang kamay at nakahawak naman ang kaliwa sa cart.

"Hey," tawag niya. "Ako na. Mahihirapan ka pa." Sinubukan niyang agawin ang cart dito pero itinulak nito iyon at umiling.

"Ako na," he answered. Inilagay na rin nito sa loob ng cart niya ang bags na bitbit. "Ang dami mo kasing pinamili kaya sigurado akong mahihirapan ka. So I waited for you to finish. Mukhang wala ka kasing balak na hintayin ako kapag mas nauna kang matapos."

Bakit naman kita hihintayin? Hindi naman kita jowa? She mentally rolled her eyes. Medyo demanding naman pala ito para sa isang tao na bagong kakilala lang niya.

"Dapat ba hintayin kita?" She retorted. Hindi na niya napigilan ang sarili na sabihin iyon. Umaahon na rin kasi ang inis sa dibdib niya. Mamaya baka kung ano pang masabi niya rito.

He looked at her. Seryosong tinitigan siya nito ng ilang segundo. "Are you mad?" kapagkuwan ay tanong nito sa kanya.

She shook her head. "No. I just don't think it is necessary for me to wait for you. Hindi naman kasi tayo close." She gave emphasis on the last word. Baka sakaling ma-gets nito iyon.

"And I can do this alone," dagdag pa niya.

She wanted to avoid him as much as possible. Hindi niya kasi maintindihan ang sarili sa tuwing malapit ito sa kanya. She's doing all these weird things and her feelings were all chaotic. Ayaw niya ng magulo. Her life had been smooth sailing for years until he came in the picture and everything went out of hand. Kaya habang maaga pa, habang napipigilan pa niya ang sarili, mabuti na na malinaw sa pagitan nilang dalawa ang lahat. Lalo na sa sarili niya.

Get a hold of yourself, Meng. Paalala niya sa sarili.

Takot siyang umasa at masaktan. Well everyone is. Sa buong buhay niya, wala siyang ibang minahal kundi ang sarili lang niya at ang mga taong malalapit sa kanya. Her feelings towards this guy was new to her. At hindi niya alam kung bakit sobrang attracted agad siya rito. She must be going insane.

Hindi naman siya ganito noon. With him, everything seems to happen so fast and out of her control. And she hates that.

Kung dahil sa gwapo ito? Hindi niya alam. She had seen the most handsome men in the world. Marami na rin siyang na-meet na iba't ibang lahi. But with this guy, her heart beats faster than the usual. She was confused. Bakit ganoon?

Remember (MaiDen Fanfiction) | Wattys 2019 WinnerWhere stories live. Discover now