Chapter XXII

940 35 3
                                    

"BUNSO?"

She felt her brother's hand combed her hair. She opened her eyes and looked at him.

"Why?" her voice was raspy. Kakagising lang niya kaya siguro ganoon. "Do you need anything, Kuya? Aalis ka ba?" She sat down on the bed.

He smiled at her tenderly. Iyong ngiti na naiintindihan kung ano ang pinagdadaanan niya. Iyong ngiti na alam niyang alam na nito na may maling nangyayari sa kanya.

"No," he shook his head. "I'll stay here with you."

Tumango siya bago muling nahiga sa kama at ipinikit ang mga mata. Wala siyang gana na kumilos. Wala siyang gana na umalis at magpunta sa resto. Gusto lang niya na sa bahay na lang at matulog. Mas gusto niya na magtago at huwag magpakita sa mga tao.

"Do you want to talk?" tanong ng Kuya niya. "Or do you want me to listen? I can do both."

Nagmulat siyang muli ng mga mata. "Hindi, Kuya. I just want to rest." Pilit na ngumiti siya.

She actually feels empty. Wala na siyang maramdaman na kahit ano. Parang pati emosyon niya ay nilayasan na siya. Biglang nawala 'yung sakit pagkamulat niya ng mga mata. Surprisingly, it was all gone.

He nodded. Mukhang naiintindihan nito na gusto niyang mapag-isa.

"If you need anything, just call me. Okay? Si Jake na ang pinapunta ko sa resto." He leaned over and kissed her forehead.

"Thank you," she said.

He stood up and walked out of her room.

Agad na nagtalukbong siya ng kumot at ipinikit ang mga mata. It is better this way. Baka namanhid na siya kaya wala na siyang madama pa. Mas gusto na rin niya iyon. Hindi na siya masasaktan pa ng kahit ano o kahit sino.

Mahihinang katok ang muling gumising sa diwa niya. Kinusot niya ang mata at tinitigan ang nakasaradong pinto ng kwarto. Nang mawala ang pagkatok ay binalingan niya ang bintana.

Hindi niya alam kung ilang oras siyang tulog ngunit umaga na. Ni hindi niya nga maalala kung kumain ba siya ng hapunan o hindi.

She stood up. Hinawi niya ang kurtina kaya pumasok ang sinag ng araw. Binuksan na rin niya ang bintana. Humaplos sa mukha niya ang mabining simoy ng hangin.

She breathe in and closed her eyes. She's decided. Aalis na muna siya. It would be better that way. She also need to heal a broken heart. This has been so long overdue.

Nag-ayos siya ng sarili bago lumabas ng kwarto. "Kuya?" tawag niya sa kapatid.

She went to the kitchen to check him there, ngunit wala ito. Pati ang common bathroom ay tiningnan na rin niya. Mukhang wala ito sa loob ng bahay. He must be in the garden.

Palabas na sana siya sa garden nang mapatigil dahil sa nakasalubong. Natigilan siya dahil doon. Pinakiramdaman niya ang sarili.

There was no fast beating of the heart. No pounding loudly. Nothing at all. It was like she saw an ordinary person. Iyon lang.

"Nandito ka pala," saad niya. Ni hindi niya magawang ngumiti.

How can she smile if she can see on his face the face of the man who cheated on her? Dati naman wala lang iyon sa kanya. Ngayon, it was a big deal already. Halos ayaw na nga niyang tingnan pa ito. Ayaw niyang makita ito.

"Paolo went out to buy something. Babalik din daw siya." He look expectant. His eyes were saying something, ngunit ayaw na niya iyong pansinin pa.

Tumango lang siya bilang sagot at naupo sa sofa. Kinuha niya ang laptop at binuksan iyon. Ayaw niyang makipag-usap. She just want to be alone. At sana maramdaman nito iyon.

Remember (MaiDen Fanfiction) | Wattys 2019 WinnerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang