Chapter XVI

1K 38 3
                                    

MENG waited for him to come. Hindi siya mapakali habang nakahiga sa hospital bed. Kahit ang kapatid niya ay hindi rin mapakali. Palakad-lakad ito sa may paanan niya.

There's nothing serious that happened to her. She just need to rest. And still, there's no progress about her condition. The doctor also told them that the memories might not come back... at all.

Kaya ang pinanghahawakan na lamang niya ay ang makita ang binata at makausap man lang. Ayaw man niyang maalala ang nangyari noon, at least, she has to know what really happened.

"Kuya, pwedeng huwag kang pabalik-balik? Nakakahilo." Pamumuna niya sa kapatid.

Tumigil ito at tumingin sa kanya. "What do you want me to do? Maupo at magkunwari na okay lahat?"

She rolled her eyes at him. "Tense na tense ka kasi. It's fine. I'll be fine."

Pinaalis na muna niya ang parents nila at pinauwi sa bahay niya. Kinausap niya ang mga ito kanina na kung maaari, siya na lang muna ang kumausap kay RJ. That way mas makakapagtanong siya rito at walang kokontra.

Nakita niya kasi kung paanong nag-igting ang panga ni Papa Vic, her father, when her mom mentioned about RJ coming to the hospital. They sure know who he is. Ipinagtataka lang niya kung bakit kilala agad ito ng mga magulang.

Maybe they met him before. Hindi lang niya alam kung saan nanggagaling ang galit na nakita niya sa ama. Siguro dahil nasaktan siya ng husto noon kaya ganoon na lang ang naging reaksyon nito.

He looked at her intently. "I don't honestly know why you still want to see that guy."

She smiled at him. "I want to know what happened, Kuya. At alam kong kapag isang side lang ang alam ko, I'll be bias."

Lumapit ito sa kanya at naupo sa hospital bed. "The side that you need to know is only your side, Meng. Hindi mo pa kasi alam kung ano ang totoo. You might get hurt even more." Tiningnan siya nito na tila naaawa.

She can see it through his eyes. Paolo loved her so much that if he can shield her from all the pain, he would gladly do it. But she's at the right age to face the truth on her own. Pinatapang na siya ng katotohanang baka hindi na siya muling makaalala pa. Pero ngayong may pagkakataon at paraan para malaman niya ang mga bagay na nakalimutan na, magbabaka-sakali na lang siya.

"Hindi pa ba ako nasasaktan nang makalimutan ko ang tungkol sa kanya?" Mapait na ngumiti siya. "Lahat ng alaala ko bumalik pwera lang 'yung kasama ko siya. Dati hindi ko naman alam na iisang tao lang pala 'yung nakalimutan ko, e. Hanggang sa managinip ako ng paulit-ulit. Ni hindi ko nga nakikita ng malinaw 'yung mukha niya sa panaginip ko, Kuya. Tapos 'yun pala nakikita ko na ang mukha niya sa ibang tao." Pinigilan niya ang pagtulo ng nagbabadyang mga luha.

"Meng..." Umiling ang kapatid niya na tila sinasabing tigilan na lang niya ang pagsasalita.

But she continued. She has to. Para maintindihan nito kung bakit gustung-gusto niya na makita at makausap si RJ ngayon.

"Kaya pala may mga pagkakataong bigla na lang akong umiiyak ng hindi ko alam ang dahilan kasi nakikita ko na siya. Masaklap lang kasi magkapareho lang sila ng mukha pero magkaibang tao naman. And that... he is not here anymore."

A single tear fell on her cheek. Agad na pinalis niya iyon. The look on his brother's face became gentle. Nahihirapan ito sa pinagdadaanan niya pero mas mahihirapan siya kung hindi niya malalaman ang lahat.

He held her hand. She smiled. She wanted to tell him everything that's going on her mind right now. Alam niya na makikinig ito kahit gaano pa ka-drama ang mga sasabihin niya. Lagi naman kasi itong nasa tabi niya lalo na kapag kailangan niya ito. Isang tawag lang niya at alam niyang darating ito.

Remember (MaiDen Fanfiction) | Wattys 2019 WinnerWhere stories live. Discover now