Chapter XX

1.1K 36 2
                                    

HOW can you tell if a person is already becoming a fool? Making a fool out of themselves?

Meng knew that her feelings' not right at all. Hindi siya dapat na nakakaramdam ng kung anuman sa kakambal ng taong minahal niya noon. Hindi naman kasi tama. She hasn't mourned for him. Dapat pa ba?

"Maine, tinatanong ka." Kinulbit siya ni Jake kaya napatingin siya rito. Inginuso nito si RJ.

She looked at him. Kaya siguro siya may nararamdaman dito dahil sa puso nito. O baka dahil sa mukha nito. Now that she knew what he looks like, her past dreams became clearer. Too bad that she didn't dream again after. Maybe she needs some trigger.

"Bakit?" Inosenteng tanong niya. Walang alam kung ano na ang pinag-uusapan nila. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang natahimik dahil sa mga iniisip.

"You seemed preoccupied." Puna nito. "Kanina ka pa kasi tahimik."

"Wala 'yon," kaila niya. "It's nothing."

"Nothing means Richard?" Jake asked.

Hindi niya alam kung nagbibiro ito o sinadya nito ang mga sinabi. He seemed to hate Richard. Well, almost everyone who loves her hates him. Bakit nga ba hindi? Nasaktan siya nito.

"That's harsh."

Dapat ba niyang ipagtanggol ang lalaking nanakit sa kanya? Deserve ba nito iyon? She can't find it in her heart to hate him. Siguro dahil na rin hindi pa niya lubos na naaalala ang lahat. Iyon marahil ang dahilan.

"News flash, cousin dear, he cheated on you. Hindi mo pa nga alam kung gaano siya kagago, e."

Napatingin siya sa pinsan dahil sa sinabi nito. He clearly despise Richard. Na parang napakalaki rin ng kasalanang nagawa nito sa pinsan niya. She wonder where he's coming from.

"Why do you hate him so much?" Hindi niya napigilan ang inis. "He's dead already. Forgive him."

Hindi makapaniwalang tiningnan siya ng pinsan. "Wow. Hindi mo pa kasi naaalala ang lahat kaya ganyan ka magsalita." Tumaas ang boses nito. Nakita rin niya ang iritasyon sa mga mata ng pinsan.

She sighed. Wala nga naman siyang alam dahil wala siyang naaalala. May point naman ito. Kaya lang, kung galit siya at totoong may hinanakit kay Richard, bakit hindi niya iyon nararamdaman? Bakit wala siyang maramdamang galit?

"I know that, Jake. Pero kung galit ako kay Richard, bakit hindi ko 'yon nararamdaman? All that I can feel is hurt. Masakit lang dito." Tinuro niya ang dibdib. Kumirot iyon. Kirot na pamilyar na sa kanya.

"Sobrang sakit na kailangan kong magpanggap na ayos lang ako at okay lang ang lahat..." She stopped. Naramdaman kasi niya ang pagluluha ng mata. Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. "...kahit hindi naman talaga. Every night before I fall to sleep, hinihiling ko na sana pagkagising ko kinabukasan naaalala ko na lahat. Para alam ko na kung ano ang tama at dapat kong maramdaman. Kasi ngayon? Sobrang gulo ng isip at puso ko. Ni hindi ko na nga alam kung tama pa ba ang nararamdaman ko."

She gasped for some air. Pinipigilang huwag umiyak. Nasa loob sila ng resto at hindi dapat mapunta sa kanila ang atensyon ng mga kumakain doon.

"Hindi naman madali 'tong pinagdadaanan ko. As much as possible, I don't want to burden anyone. Kayo ni Kuya Paolo. Kasi kaya ko naman ang sarili ko. Kinaya ko nga na mag-isa sa loob ng dalawang taon." She fake a smile.

She's been alone and lonely for two years. Mag-isa siyang nabuhay at nagpatuloy kahit na may parte ng buhay niya na hindi niya naaalala. And she's doing fine. Until RJ came and their paths cross. Paunti-unting bumabalik sa kanya ang lahat.

Remember (MaiDen Fanfiction) | Wattys 2019 WinnerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora