Chapter VI

1.2K 44 3
                                    

THE RESTO was at full blast when Meng came. It was already eight o'clock in the evening. Nainip na siya sa bahay kaya naisipan niyang magpunta. Besides, ayaw niyang mapag-isa dahil kung anu-ano ang naiisip niya.

She looked around the resto from outside. Halos lahat ng tables ay okupado na. Most of them were families who are chatting happily. May iilang mga magkakaibigan na tila may mini reunion. And ofcourse, there were lovers.

Iniiwas niya ang tingin sa mga iyon at pumasok na lamang sa loob. Unang nakita niya ay sina Bea at Cherry na natigilan nang makita siya. They both looked stunned and shocked, siguro dahil sa suot niyang salamin. Namamaga kasi ang mga mata niya mula sa pag-iyak kanina kaya kailangang itago niya iyon.

Natagalan rin bago pa siya nakaalis sa parking ng mall kanina. Nahihirapan siyang makapag-focus dahil sa mga pesteng luha na hindi niya alam kung para saan. Kaya hinintay na lamang niyang humupa iyon, saka lang siya tuluyang nakaalis.

Nawala na rin sa isip niyang kumain. Nagpahinga agad siya nang makarating sa bahay at nagising ng bandang alas kwatro y media. Doon lang siya nakapagluto ng makakain.

Then she started to write the things on her mind afterwards. Hindi niya pa alam kung ano ang patutunguhan niyon. Basta sa ngayon, sigurado siya na tatapusin niya iyon. Kahit pa na alam niyang masakit ang kalalabasan ng naturang nobela.

She believes in happy endings, but it's the right time for her to learn something new. And what she's writing now will just be the start of it. It's time for some twists and turns in her novels. Something that the readers won't even expect.

"Bakit?" tanong niya sa dalawang staff nang makalapit sa counter. "Para kayong nakakita ng multo, a?"

Naunang makabawi si Bea mula sa pagkabigla. "Hindi, Ma'am. Nakakapanibago lang ho." Ngumiti ito kahit na alam niyang pilit. Napansin pa niya ang pagnguso nito sa katabi.

"Oo nga, Ma'am," segunda ni Cherry. "Ang tagal niyo na ho kasing hindi nagsusuot ng salamin."

Inayos niya ang bag at naupo na malapit sa cash register. She looked at the receipts. Karamihan ng payments ay thru cards. Mukhang mataas ang sales nila para sa gabing iyon.

"Nagsulat kasi ako," maikling sagot niya bago kinuha ang reservation book. "Marami bang reservations this weekend?" tanong niya kahit na binubuklat na niya iyon at pinapasadahan ng tingin.

"Hala, Ma'am, kailan niyo matatapos yung novel?"

"May idadagdag na ulit ako sa collections ko!"

Hindi niya pinansin ang dalawa at nagpatuloy na lang sa pagtingin doon. She stopped at a particular name. Ilang segundong nanatili ang tingin niya roon bago niya nilipat sa sunod na pahina.

"Wala ako bukas at sa Sunday," saad niya at sinarado ang reservation book. Tiningnan niya ang dalawa bago nagpatuloy. "Uuwi ako sa Bulacan. May kailangan akong asikasuhin." Iyon lang at kinuha niyang muli ang bag bago umalis ng counter.

Sa opisina na lang muna siya maglalagi. Kakausapin rin niya si Nay Lolit tungkol sa biglaan niyang pag-uwi sa kanila. Papunta na siya sa kitchen nang makasalubong ang matanda at mataman na nakamasid sa kanya.

She smiled at her. Pilit na nilawakan niya ang ngiti para hindi nito mapansin na hindi naman talaga siya totoong masaya. She just need to get herself busy with other things, just so she could stop thinking of what happened to her this morning.

"Na-bored ako sa bahay," bungad niya sa matanda. She knew that the old woman won't buy it. Sinubukan niya lang, baka sakaling makalusot.

"Nagpapahinga ka dapat. Mukha kang may sakit. Namamaga pa ang mga mata mo," puna nito. "Umiyak ka ba?"

Remember (MaiDen Fanfiction) | Wattys 2019 WinnerWhere stories live. Discover now