Chapter IX

1.1K 43 3
                                    

NAKATULALA si Meng habang nasa counter dahil naalala niya ang sariling panaginip.

She woke up in tears again because of that dream. It felt real. Na nang magising siya ay hindi niya napigilan ang sarili at nagpatuloy sa pag-iyak. Ang lungkot-lungkot niya dahil sa panaginip na iyon. Parang ramdam na ramdam niya lahat ng emosyon na mayroon siya roon. Pero alam rin niya na may mali kaya siya umiiyak at nasasaktan. Contrary to the love that's present in that dream, she's hurt. Deeply hurt.

Lahat ng dapat na gagawin niya para sa araw na 'yon ay hindi niya nagawa. Hindi niya alam kung bakit wala siyang gana na kumilos. Ang tanging nagawa lang niya ay iayos ang mga pinamili sa grocery. Tinago pa niya sa pinakadulong cabinet ang nananahimik na peanut butter. Ayaw niyang makita iyon. Ayaw niyang maalala pa ang nangyari sa kanya nang araw na iyon.

"Ma'am?"

She came back from her trance because of Cherry. "Ano 'yon?" tanong niya at binalik ang tingin sa cash register. Inabala na lang niya ang sarili doon.

"Bill daw po ng table 3," saad nito.

She gave her the receipt. Agad naman na umalis ito.

She sighed. It was just a dream but she can't forget it. Hindi pa rin malinaw sa kanya ang mukha ng lalaki. Basta alam niya na nakangiti at nakatitig ito sa kanya. Alam niya ang tingin at ngiti nito. Tila pamilyar iyon.

Sumakit ang ulo niya kakaisip dahil doon. Maybe she should stop thinking about it. Maybe it is just any random dream with no meaning and relevance in her life at all. Overthinker lang talaga siya.

"Bea, takeover." She got her bag. Mas mabuti siguro kung uuwi na lang siya at magpapahinga.

Nagpunta siya sa kitchen para magpaalam. Hindi pa rin niya pinapasok si Nanay Lolit dahil nag-aalala siya na baka may mangyaring masama rito. Kailangan kasi nitong magpahinga.

"Kuya Ian, I'll be going home early. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko." When he nodded, dire-diretso na siyang umalis. Nagbilin na lang din siya kay Bea na tumawag kung magkakaroon man ng problema.

"Just make sure to call me if anything would happen," paalala pa niya rito. Hinatid kasi siya nito hanggang sa may parking.

"Yes, Ma'am."

She drove back to her house. It took her twenty minutes. Medyo traffic kasi dahil rush hour na. Plus the fact that it's a Sunday night, maraming bumibiyahe for next day's work.

Sarado ang resto tuwing Lunes. Wala rin naman kasing masyadong kumakain sa araw na iyon. Their peak days were usually Friday to Sunday. Doon talaga dagsa ang mga customers nila. Kaya nga doble rin ang trabaho kapag ganoong araw.

She just felt bad that she has to go home early because she's not feeling so well.

She turned on the lights and sat on the sofa. She looked around. The house was so silent and it feels lonely. Siguro dahil na rin sa mag-isa lang siya doon. Hindi rin naman iyon ganoon kalaki. Tama lang para sa kanya.

It was a bungalo styled house. May isang kwarto. May kusina na dining na rin. Kusina ata ang pinakamalaking part ng bahay niya aside sa sariling kwarto. Mayroon din siyang sala at di kalakihang TV. Malayo sa bahay nila sa Bulacan. Malayo sa kinalakihan niyang buhay.

She suddenly miss her family. At times like this, parang gustong-gusto niyang umuwi sa mga ito. She needs her mom to hug her tight and comb her hair to sleep. Iyon kasi ang madalas na gawin nito sa kanya noon. How she miss those days.

She sighed. Living alone was never easy. She's just brave enough to be independent. Kung ang Papa niya ang masusunod ay hindi ito papayag na mag-isa lamang siya. She's just too stubborn that she disobeyed him before and studied at Manila. Ilang buwan din na nagtampo ito sa kanya. Hindi pa nga sila magkakaayos kung hindi dahil sa abuela.

Remember (MaiDen Fanfiction) | Wattys 2019 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon