Episode 4

1.5K 56 0
                                    

Sobrang  napaka dilim sa buong bahay, tanging ang ilaw nalang ng mga gadgets namin ang nagsisilbing liwanag..

"Walang kuryente", sabi ni Lad

"Badtrip naman oh!", sabi ni Ken isa sa mga rakista na kakalabas lang sa ika-limang kwarto.

"Oo nga pare, nasa kalagitnaan palang tayo ng jam eh, di pako masyadong nag-iinit", sabi ni Nicholas.

"Hoy kayo?, alam nyo ba kung bakit walang ilaw ?", sabi ni Ephraim.

"Ah di rin namin alam pre", sabi ni Lad.

"Ayos lang ba kayo diyan?", sabi ni Mang Nestor na pababa galing third floor at may bit-bit na kandila.

"Manong anu ba ito!, Isang Linggo palang kami sa boarding house na ito, tapos ganito na!", sabi ni Ken.

"Pag-pasensyahan nyo na , ichecheck ko nalang mamaya sa cellar ang main power, baka kasi doon nagkaroon ng problema, kukunin ko lang ang mga kagamitan ko at kukumpunihin ko ang maaring sira", sabi ni Mang Nestor.

"Aba dapat lang, sayang lang ang binayad namin dito , tara pre ang mabuti pa mag yosi na muna tayo sa labas", sabi ni Ephraim at sabay-sabay bumaba ang tatlo.

"Ano na ang gagawin natin ngayon?", sabi ni Lad.

"Sa ngayon kailangan natin magsama-sama, upang walang mapahamak", sabi ko.

"Sige tatawagin ko muna si Vhon", sabi ni Lad.

"Sige tatawagin ko rin si Mia, tapos magkita nalang tayo sa baba", sabi ko.

Pumasok ako sa loob upang tawagin si Mia, inilawan ko ang kama nya ngunit wala siya doon. "Mia?, Mia asan ka?", sabi ko.

Inilawan ko na ang buong kwarto ngunit hindi ko makita si Mia, hindi ko rin naman siya nakitang lumabas kanina ng kinakausap ko si Lad.

Palabas na sana ako ng kwarto ng biglang may parang tumakbo at humagikhik sa loob na parang galing sa isang bata, pinagmasdan ko ang paligid ngunit wala talagang tao, ng biglang may kumalabit sa akin.

Pag-lingon ko ay nakita ko si Mia na dala-dala ang kanyang tablet. "Mia, san ka ba galing?, hinahanap kita, ni hindi kita nakitang lumabas kanina, kaya akala ko andito ka pa", sabi ko.

Nagtype si Mia ng kanyang sasabihin... "Nasa loob ako ng C.R natin ng biglang mawalan ng ilaw", sabi ni Mia via tablet.

Suot-suot nya na ang kanyang kwintas, malamang ay natakot siya ng biglang mamatay ang ilaw, kaya siguro hindi sya sumagagot habang tinatawag ko siya, hindi siya makapagsalita dahil sa kwintas.

"Ganun ba, pero kanino galing yung mga yapak ng pagtakbo na narinig ko kamakailan?", sabi ko.

"Takbo?, hindi ako tumatakbo?, akala ko nga ikaw yun eh, sabi ni Mia via tablet.

Kung hindi si Mia ang nadinig kong tumatakbo sa loob kanina sino yun.

"Kaira, halika kayo sa baba, may malaki tayong problema", sabi ni Lad.

Bumaba kami ni Mia sa 1st floor kung saa'y andun sina Vhon at ang tatlong mga rakista na nagrerent din sa boarding house.

"Anung nangyari dito?, ano yung problema?", sabi ko.

"Yung pintuan kasi kanina pa nila binubuksan pero di nila mabuksan, miski yung mga bintana sobrang tigas din, miski yung backdoor sa kusina, hindi rin mabuksan", sabi ni Lad.

"Guys pinuntuhan ko yung katiwala sa kwarto nya pero wala sya dun", sabi ni Ken. 

 "Loko yung matanda na yun ah, siya siguro ang may pakana nito", sabi ni Ephraim.

"Nagsisimula na siya, kailangan natin mag-ingat at magsama-sama, hindi tayo pwedeng mag-hiwahiwalay, as long na magkakasama tayo, mas malakas ang positive energy, hindi nya tayo magagalaw", sabi ko.

"Anung ibig mo sabihen?", sabi ni Ken.

"Pre , di ko alam kung maniniwala kayo , pero hindi si Mang Nestor ang may gawa ng lahat ng ito", sabi ni Lad.

"Kung ganun , sino? May nangtitrip ba saten", sabi ni Ken.

"Wala hindi tao kundi Isang bad spirit kung tawagin ay Poltergeist ang may gawa nito", sabi ko.

"What? niloloko nyo ba kami?, ang lakas ng tama nyo haha", sabi ni Ephraim.

"Totoo ang sinasabi ko, kailangan nating magsama-sama para maging ligtas", sabi ko.

"Makinig kayo sa kanya, Teka asan na yung isa nyo pa'ng kasama?", sabi ni Lad.

"Ahhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!", sigaw ni Nicolas na nanggagaling sa Cellar.

Ghost Club: Chapter 1Where stories live. Discover now