Episode 5

1.4K 50 2
                                    


Nagtakbuhan ang lahat patungo sa kinaroroonan ni Nicholas, ngunit tanging ang cellphone nalang niya ang nakita namin sa buong Cellar.


"Cellphone ni Kulas to ah!", sabi ni Ephraim.


"Bakit naman iiwanan ni Kulas ang C.P niya dito, atsaka di ba dito din nagmula ang sigaw nya?", sabi ni Ken.


"Guys tignan nyo ito", sabi ni Vhon habang nakatutok ang flashlight sa pader na may mini elevator.


"Kung hindi ako nagkakamali isa yang mini elevator, ang alam ko ginagawa ito para sa mga bata, kasi may ganito din ang kapitbahay namin dati", sabi ni Lad.


"Baka naman diyan dumaan si Kulas", sabi ni Ephraim at pinasok nya ang kalahati ng katawan nya sa square na butas ng mini elevator at inilawan nya ng flash light ang buong paligid magmula baba hanggang taas.


"Dead end na dito sa baba, nasa taas siguro si Kulas kasi mukhang huminto yung elevator dun sa 3rd floor", sabi nya.


"Eh paano naman mangyayari yun eh wala naman kuryente?", sabi ni Ken.


"Hindi naman kailangan ng kuryente nyan, mechanical ang mini elevator na yan", sabi ni Lad.


"Ang mabuti pa umakyat tayo ng taas, para malaman natin", sabi ni Ephraim.


"Oo parang sa 3rd floor ko nga rin narinig yung malakas na kalabog", sabi ko.


"Kung ganun, andun yung level 3 na multo na sinasabi mo?, hindi ba delikado yun?", sabi ni Lad.

 

"Kung doon nagmumula yung negative energy, dapat doon tayo pumunta para mag imbestiga, once na malaman natin kung saan siya malakas, yun din ang kahinaan nya", sabi ko.


"Ano ba pinagsasabi nyo?, anung multo ? Walang multo!, malamang itong si Kulas at si Mang Nestor ni paprank lang tayo, multo multo pa kayo dyan, tara umakyat tayo ng malaman natin", sabi ni Ephraim.


"Oo nga noh?, pati si Mang Nestor wala nadin dito", sabi ni Ken.


"Vhon pwede ba samahan mo muna si Mia delikado kasi sa taas", sabi ko.


"Sige sige, ako ang bahala sa kanya".


"Mag iingat kayo Kaira", sabi ni Mia via tablet.


Umakyat kaming apat nila Ephraim , Ken at Lad sa 3rd floor.


Meron dalawang kwarto dito, ang Masters Bedroom at Library.


Nakakonekta ang mini elevator ng Cellar sa Masters Bedroom kaya doon kami una nagtungo..


"Ang tigas, hindi ko mabuksan, naka-lock ata sa loob eh", sabi ni Ephraim at kinatok nya ng kamao ang kahoy na pintuan at nagulat kaming lahat ng may kumatok din mula sa loob ng kwarto.


"Anu yun, narinig nyo rin ba?", sabi ni Ephraim.


"Parang may kumatok din mula sa loob ng kwarto".


Kumatok muli si Ephraim ng tatlong beses sa pagkakataon na ito at ilang sandali pa ay.. TOK! TOK! TOK!


"May kumakatok talaga mula sa loob", sabi ni Lad.


"Sinasabi ko nga ba si Kulas yun, hoy Kulas! Lumabas ka dyan!", sigaw ni Ehpraim habang kinakalampag ang pintuan ng kwarto.


Samantala kusang bumukas ang pintuan ng Library at napansin iyon ni Ken.


"Guys parang may tao yata dito", sabi ni Ken habang papalapit siya sa Library.


"Huwag kang sumigaw Ephraim baka mabulabog mo sila", sabi ko.


"Ano nanaman ba pinagsasabi mo?", sabi ni Ephraim.


Tut! Tut! Tut!


"Tumutunug nanaman sa redlight ang ghost radar ko!", sabi ni Lad at biglang sumarado ang pinto ng Library at napalingon kaming tatlo.


"Teka asan na si Ken?", sabi ni Ephraim habang sa kanyang likuran ay dahan-dahan bumubukas ang pintuan ng Masters Bedroom.


Lumakas ang ihip ng hangin sa pagbukas ng pintuan ng kwarto, at sa tapat nun ay nakatayo ang isang matandang babae na naka-itim at puting-puti ang mga mata.


"Mu-mu-mu.. Multo!", sigaw ni Ephraim.


"SSHHSSSH", sabi ng Matanda na parang pinapatahimik si Ephraim.

Ghost Club: Chapter 1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang