Episode 14

1.1K 43 1
                                    


(LAD P.O.V)


Sumang-ayon kami sa plano ni Kaira. "Kaira mag-iingat ka ha", sabi ni Mia at nagyakapan ang dalawa.


"Kayo din guys, keep safe", sabi ni Kaira.


Binaba ko ang lever at umakyat na ang elevator ni Kaira pataas.


"Tara na gawin na natin", sabi ni Vhon.


Dahan-dahan binuksan ni Vhon ang pintuan ng cellar at tahimik kami lumabas.


Inilawan ni Vhon ang paligid ng 1st floor.


"Dito muna ako maghahanap ng flower vase, ang mabuti pa umakyat na kayo para hanapin yung libro", sabi ni Vhon.


"Sige Pare, mag-iingat ka, iwasan mong gumawa ng ingay tsaka wag mo muna sisirain, pagsama-samahin muna natin, tara na Mia", sabi ko.


Umakyat kami ni Mia sa 3rd floor at binuksan ang Library.


Dinampot ko ang c.p na nasa lapag..


"Eto yung c.p ni Ken ha".


"Mukhang mahihirapan tayo hanapin yung libro, napakadami kasing libro dito", sabi ni Mia dahil may anim na Book Shelve sa library at bawat isa nito ay may tig limang palapag.


"Isa-isahin nalang natin, ikaw dyan sa unang tatlo ako naman dito sa natirang tatlong shelve, basta pag may nakita ka na itim na libro ilagpag mo dito sa lamesa", sabi ko.


Inisa-isa namin ni Mia ang mga libro sa anim na shelves.


"Nakakolekta ako ng 7 na itim na libro", sabi ni Mia.


"Ako naman 9, pero alin kaya dito sa mga ito yung sinasabi ni Princess.


"MAY GINTONG TITLE DAW, sabi nila". "Sinong sila?".


"Sabi ni Princess, Chok-chok, Tupe at Vincent andito sila para tulungan tayo, yung libro daw na itim at yung kulay ng title ay gold".


"Sige tignan ko".


Inisa-isa ko ang mga nakolekta naming itim na libro.


"Eto ba yun?".


"Oo ayan daw yun, tama daw yan".


"The Last Man I Loved", basa ko sa title ng libro.


"Alam ko yan ha, isa yang Novel na sinulat ni Juan Dela Ysla.


"Oo nga no, Juan Dela Ysla nga author nito".


"Guys ok na , tatlong flower vase lang ang nakita ko mula 1st floor at 2nd floor", sabi ni Vhon. "Asan na?".


"Dala ko yung dalawa nasa labas, pero iniwan ko yung isa sa 1st floor ang bigat kasi eh baka mabasag babalikan ko nalang".


"Balikan muna ngayon Vhon, para mapag-sama natin lahat", sabi ko.


"Sige kukunin ko lang".


"Si Kaira, asan na kaya siya?, kanina pa siya sa loob sana naman walang nangyaring masama sa kanya", sabi ni Mia.


"Sana nga", sabi ko at inilawan ko ang pintuan ng Master's Bedroom at napansin ko na gumagalaw ang door knob nito at bigla nalang ito bumukas.


"Ano ba wag mo nga itutok sa mukha ko yan nakakasilaw eh", sabi ni Kaira habang papalapit sa amin. "Ano nangyari sayo bakit ang tagal mo?", sabi ni Mia.


"Mahabang kwento, pero nakita nyo na ba yung iba pa'ng prospect?", sabi ni Kaira.


"Oo hawak ni Mia yung itim na libro na madalas basahin ni Mirasol, tapos may tatlo na flower vase na nakita si Vhon, andito na yung dalawa, binalikan nya lang yung isa pa", sabi ko.


"Sige nakita ko narin yung Piano, pag kumpleto na lahat sabay-sabay natin sisirain yun, at sana naman isa sa tatlong item nayun sya nakalink", sabi ni Kaira.


"Guys eto na yung isa pang paso", sabi ni Vhon ngunit bigla siya nadulas at nabitawan nya ang hawak nya na paso at nabasag ito ng napakalakas.


Ghost Club: Chapter 1Where stories live. Discover now