Episode 22

1K 38 0
                                    


Umuwi kami ng Bicol ni Tatay at dun na kami nanirahan..

 Lumipas ang 40 years ay may sarili na akong pamilya nagkaasawa ako ngunit namatay na sya ng 2014, may dalawa na kaming anak, isang lalake at isang babae na ngayon ay nasa ibang bansa na.

 Ang anak ko na babae ay certified nurse na sa Canada samantala ang anak ko naman na lalaki ay crew sa isang Cruiseship sa Amerika. 

 Pinapadalhan nila ako ng pera na pang gastos ko, at umuuwi naman sila dito tuwing pasko at bagong taon kasama ang aking mga Apo.

 Pero nakakalungkot ang mag-isa kaya napagpasyahan ko na muling bumalik sa lumang bahay namin sa Maynila, dahil kung may lugar man ako kung saan pwede mamatay, ay dun sa bahay na iyon.

 Lumawas ako ng Maynila at dala ko ang mga dokumento at titulo na nagpapatunay na sa amin ang bahay na yun. Pagbalik ko ay ibang-iba na ang paligid ng bahay namin, dahil may mga katabi na ito na bahay, at ang dating gubat sa likod ay naging Unibersidad na.

 Ganun padin naman ang itsura ng bahay namin at mahahalata mo ang kalumaan dahil naagnas na ang mga pintura sa buong bahay, kinakalawang nadin ang gate at ang mga bakod, at napaka-kapal nadin ng mga talahib sa tapat nito, at sa loob naman ay inaagiw na ang buong paligid, magmula sa mga furniture at pader.

 Nilinisan ko ang buong bahay , tinanggalan ko ng mga agiw at alikabok, nagbayad din ako ng tao para pinturahan ang labas ng bahay at tabasin ang mga talahib. Ganun din sa 2nd floor pinalinis at pinapinturahan ko din, pinalitan ko ng mga bagong kutchon dahil balak ko ito paupahan.

 Ngunit ang hindi ko pinagalaw ay ang 3rd floor, dahil gusto ko ako ang maglilinis ng lugar na yun, ngunit hindi ko magawa dahil natatakot ako pumunta dun, dahil dun nangyari ang pinakamasamang ala-ala sa buhay ko, dun ko napatay ang aking Ina.

 Nagpaskil na ako ng room4rent sa labas ng bahay dahil pasukan nadin naman sa katabing Unibersidad kaya malaki ang tyansa na may magboard.

 Unang nagrenta ang tatlo na binata sa room 5,at ng sumunod na araw ay ang dalawang binata na estudyante at pangatlo ay ang..

 "Magandang umaga po, nakita ko po kasi yung nakapaskil itatanung ko lang po kung may bakante pa?", sabi ni Mia.  

"Oo naman iha meron pa, mamili ka sa taas, halika ng makita mo". 

 "Sige po Manong", sabi nya ngunit bigla siya napatigil at nakatingin sa hardin at kita ko sa kanyang mukha ang takot.

"Bakit Iha may problema ba?". 

 "Wala, wala po".

 "Kung ganun tara na sa loob". 

 Napili ng dalaga yung unang kwarto. 

 "Okay na ba sayo ito Iha".

"Okay na po ito magkano po ba?".

 "2k lang isang buwan bukod pa dun ang singil sa kuryente at tubig". 

 "Ok po eto po oh (inabot ang 2k), bali ilalagay ko lang po yung mga gamit ko sa loob tapos babalik po ako mamayang hapon, mahuhuli na po kasi ako sa klase eh". 

 "Sige Iha mag iingat ka sa pagpasok".

 Umalis na ang dalaga, pinagmamasdan ko siya habang naglalakad palabas, at napahinto nanaman sya at parang may tinitignan siya sa hardin, ilang saglit pa ay tumakbo na siya palabas.

 Kinagabihan ay napagpasyahan ko na pumunta na ng 3rd floor, lumabas ako ng ikapat na kwarto kung saan ako madalas matulog. Umakyat ako sa 3rd floor at pumasok sa Master's Bedroom, binuksan ko ang ilaw at ganun padin ang itsura ng buong kwarto.

 Umupo ako kung saan madalas mag Piano si Nanay. 

 Inilabas ko ang sing-sing na matagal ko na tinatago at pinatong ko sa ibabaw ng Piano. 

 "Nay eto na po yung sing-sing nyo sinusuli ko na po", sabi ko ngunit sa di malamang dahilan ay nawalan ng ilaw sa buong bahay.

Ghost Club: Chapter 1Where stories live. Discover now