Episode 17

1.1K 44 5
                                    


"Ephraim?, yung isa sa mga rakista na nasa room 5?", sabi ni Lad.


"Oo paano nyo nalaman?".


"Ako si Lad yung boarder sa room 3, tapos si Kaira naman sa room 1".


"Paano kayo nakulong dito?, at ano ang nangyari sa mga kasama mo?".


"Ang huling naalala ko lang ay yung kinakatok natin yung pinto tapos may humatak sa akin papunta sa dilim, nagising ako sa baba nagulat ako naging bata na ako, umakyat ako sa 2nd floor ngunit nakasalubong ko yung matanda at ikinulong nya ako dito sa rehas. Dito ko rin nakita sila Ken At Nicholas na tulad ko ay nakakulong na rin".


"Pero ano ang nangyari sa mga bibig nila?, bakit wala na silang bibig?", sabi ni Lad.


"Sumisigaw kasi kami kanina ng tulong, kaya bumaba yung matanda at tinakpan ang mga bibig nila., pag-alis ng kamay ng matanda, nawala nadin pati bibig nila, ako na sana ang susunod ngunit parang may narinig siya at agad siyang umakyat ng taas".


"Yun siguro yung moment na nabasag ni Vhon yung Flower Vase".


"Tulungan nyo na kami makaalis dito, bago pa makabalik yung matandang babae".


"Hindi namin kaya palabasin kayo, pero may paraan kame para maligtas kayo, kung mahahanap natin yung item kung saan siya naka-link, pag-nasira natin yun, babalik na ang lahat sa dati, kaya sabihin nyo, may ginalaw ba kayo sa 3rd floor?", sabi ko.


"Ano ba ang sinasabi mo?", sabi ni Ephraim.


"Sagutin mo nalang yung tanung nya!, may ginalaw ba kayo sa 3rd floor?", sabi ni Lad.


"Wala, wala ako ginalaw dun , kayo ba may ginalaw ba kayo Ken at Nicholas?".


Dahil hindi makapagsalita yung dalawa ay umiling lang ito.


"Pero paano nabulabog ang Poltergeist kung wala kayong ginalaw", sabi ko.


"Wala talaga kami ginalaw, ni hindi nga kami umaakyat dun sa 3rd floor eh".


"Paano na yan Kaira, hindi padin natin alam kung saan siya nakalink?".


"Ipagpatuloy nalang muna natin ang paghahanap sa portal", sabi ko.


"Teka paano naman kami, iiwanan nyo kami dito?".


"Magtiwala kayo kay Kaira, alam nya kung paano kayo mapapalabas, kaya maghintay lang kayo", sabi ni Lad ngunit paalis na dapat kami ng biglang hablutin ni Ephraim ang kamay ni Lad.


"Mangako ka muna, na ililigtas nyo kame, mangako ka!".


"Pangako ililigtas namin kayo", sabi ni Lad at binitawan na ni Ephraim ang kamay nya. Pumunta kami sa 3rd at dun namin hinanap ang portal.


"Wala din dito sa Library eh, malamang andyan na yun sa Master's Bedroom", sabi ni Lad.


Pumasok kami sa Masters Bedroom ang huling lugar na aming paghahanapan. Pagpasok namin ay may nakataling bata sa upuan at wala narin siyang bibig.


"Teka kilala kita, ikaw si JM diba?", sabi ko at tumungo lang siya.


"JM?", sabi ni Lad.


"Siya yung isa sa anim na mga bata na nakatira dito, kaya JM ikaw nalang ang natitirang pag-asa namin, alam mo ba kung nasaan ang portal?", sabi ko at tumungo ulit siya.


"Nasaan?".


Ginalaw ni JM ang ulo nya na parang tinuro ang mga lubid na nakatali sa kanya.


"Lad kalagan natin siya", sabi ko at pinakawalan namin siya mula sa pagkakatali.


Pumunta si JM sa kama at inusog nya ito. Pagkausog ng kama ay nandun ang portal. "Ayan na yung portal!, dyan ba tayo dadaan?", sabi ni Lad. 

 "Oo wag ka mag-alala para lanp yang slide kaya tara na", sabi ko at tumalon ako sa loob ng portal.


Maya-maya pa ay bumalik na kami sa tunay na mundo, at nagbalik narin kami ni Lad sa dati bilang dalaga at binata.


Miski si JM ay nagbalik na sa dati , at siya pala si Mang Nestor.

Ghost Club: Chapter 1Where stories live. Discover now