Episode 9

1.2K 45 5
                                    



"Sa Mini Elevator?", sabi ni Vhon.


"Oo dyan sa loob nadedetect ng radar ko ang good spirit", sabi ni Lad.


"Teka wala muna magsasalita sa inyo, may naririnig ako na parang may umiiyak na bata'ng babae", sabi ni Mia.


Tumahik ang lahat..


Sinundan ni Mia ang pinag-gagalingan ng iyak.


"Dito sa Mini Elevator, may batang umiiyak, humihingi siya ng tulong, tulong tulongan nyo ako, ayan ang sinasabi ng malamig na boses nya habang umiiyak siya, na para ba'ng hindi siya makaalis dun", sabi ni Mia.


"Tinignan na namin yan kanina, huminto ang elevator sa 3rd floor", sabi ni Lad habang iniilawan ang butas ng Mini Elevator.


"Malamang diyan namatay yung isa pa'ng bata, kailangan natin mai-baba ang elevator upang mapakawalan natin ang espiritu nya, ng sa gayon ay makausap siya ni Mia.


Kinambyo ni Vhon ang lever na nagpapagana sa Mini Elevator..


"Hindi naman nagana eh, sira na siguro toh".


"Wala na tayong oras, Lad hindi ba magaling ka sa mga pagkukumpuni, maari mo ba'ng suriin kung ano ang sira nito?", sabi ko.


"Sige tignan ko".


Lumapit si Lad sa makina na nagpapa-andar sa Elevator, tinanggal nya ang takip at sinuri..


"Nasira ang isa sa mga bering ng makina kaya hindi ito nagana, pero kaya ko itong ayusin kung makakahanap tayo ng bering na tulad nito".


"Mabuti naman kung ganun Lad, Yun guys!, simulan na natin maghanap", sabi ni Vhon.


Kanya-kanya kami sa pag-halughog sa buong kwarto, si Lad ay naghahanap sa mga tool box, si Vhon naman ay sa mga nakatambak na box, at kaming dalawa naman ni Mia ay sa mga lumang drawer at cabinet.


Sa aking paghahanap ay nakita ko ang isang lumang litrato, sa litrato ay naroon ang dalawang mag-asawa, at sa harap nila ay ang mga nakaupo na anim na bata, 4 na lalake at 2 na babae, at bawat bata ay may nakasulat na pangalan, Vincent, JM, Chok-Chok, Tupe, Janna at Princess. Pinakita ko ang litrato kay Mia.



"Mia tignan mo ito, eto siguro sila, yung mga bata na namatay dito".


"Oo nga noh, itong naka pink yung nakita ko sa garden at sa school, Janna pala ang pangalan nya".


"Ang nakakapagtaka lang, anim ang bata na nasa litrato, lima ang alam natin?".


"Tama ka nga, pero paano nangyari yun, lima naman ang nasagap ng radar ni Lad di ba?".


"Ang suspetsya ko siguro buhay pa ang isa sa mga bata na narito sa litrato, siguro ay nakaligtas siya or pwede din na may kumupkop na sa kanya".


"Guys may nahanap na ako na bering!", sabi ni Vhon.


"Magaling Vhon, akin na", sabi ni Lad at kinuha ang bering at inilagay sa makina. "Ok na, nakabit ko na, try nyo na ulit subukan kung gagana".


Muli ay kinambyo ni Vhon ang lever ng makina, at sa pagkakataon na yun ay gumana na ang Mini Elevator dahil dinig namin ang pagbaba nito.


Unti-unting bumaba ang Mini Elevator hanggang sa tulayan na itong bumaba sa cellar..


"Grabe ang baho!, nakakasuka, Uwrk!", sabi ni Vhon habang naduduwal.


Sa sobrang baho ay walang gusto lumapit dun para ilawan.


"Lapitan muna Vhon!", sabi ni Lad. "Ang baho hindi ko kaya!".


"Ang arte mo, ako na nga lang!".


Lumapit si Lad sa Mini Elevator at inilawan nya ang loob at tumambad sa amin ang isang naa-agnas at inu-uuod na kalansay ng isa sa mga bata.


"Ba-ba-bangkay", mabulol-bulol na pagkakasabi ni Vhon.


Lahat kami ay nakatitig sa kaawa-awang kalansay ng bata, at ni isa sa amin ay walang gusto magsalita.


Naramdaman ko ang malamig na hangin na palabas ng elevator, gantong ganto yung naramdam ko sa school kanina, na para ba'ng may dumaan.. "Ikaw siguro si Princess, maa-ari mo ba kami tulungan?", sabi ni Mia.

Ghost Club: Chapter 1Where stories live. Discover now