Episode 16

1K 44 1
                                    


Minulat ko ang aking mga mata at tumayo..


Tinignan ko ang buong paligid, nandito padin ako sa bahay kung saan kami nagbobored.


Ngunit iba na ang aura sa paligid, punong-puno na ito ng negative energy at wala ka'ng ibang makikitang kulay kundi black and white.


Yung Sofa na dapat ay red pero black, yung t.v na dapat gray pero black, miski yung ilaw sa mga kandila at bumbilya imbes na dilaw or orange ay naging puti.


Lahat ng bagay na light colors ay naging white at lahat naman ng dark colors ay naging black.


Isa lang ang ibig sabihin nito, nasa ibang dimensyon na ako.


"Bata pwede mo ba akong tulungan?", sabi ng bata na nasa pintuan ng kitchen.


"Sino ka?", sabi ko at nagulat ako dahil pambata na ang boses ko.


"Lad ang pangalan ko".


"Lad ikaw ba yan?, bakit ka naging Bata?, ako ito si Kaira".


"Kaira?, pero naging bata ka din?, Ano na ang nangyari?, tapos na ba?, nasira nyo na ba yung iba pang prospect?".


"Oo Lad nasira ko na".


"Kung nasira na eh bakit tayo naging bata, atsaka asan na yung iba?, at bakit ganito na ang lugar na ito parang hindi uso ang ibang kulay bukod sa itim at puti".


"Ikinalulungkot ko Lad, nasira nga natin yung mga bagay na maari siyang nakalink ngunit hindi tayo nagtagumpay, wala sa tatlong yun ang bagay na hinahanap natin".


"Ano!, nasayang lang ang mga pinaghirapan natin!".


"Pasensya ka na Lad hindi umubra ang plano ko, nasayang tuloy ang mga pinag-hirapan natin lahat, miski yung pag-sagip mo sa akin, nasayang din, kaya pasensya na talaga ".


Lumapit si Lad sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.


"Eto naman, wala yun, may tiwala naman kami sayo Kaira, hanggang ngayon hindi nawawala yun".


"Pero binigo ko kayo Lad, kayo nila Mia".


"Okay lang magkamali, ika nga nila if God closed a door he will open a window, kaya natin ito, kaya wag ka panghinaan ng loob, makakaya natin to".


"Salamat Lad". "So ano na ang plano natin Kaira?".


"Kasalukuyan tayong dinala ni Mirasol sa kanyang dimensyon, mas malakas at mas makapangyirahan sya dito, at yun din ang dahilan kaya tayo bumalik sa pagiging bata, pero may paraan pa para makalabas tayo dito, kung mahahanap natin ang portal", sabi ko.


"Anung portal?".


"Yun yung dinadaanan nya papunta sa mundo ng mga buhay, makikita ang portal kung saan siya namatay at huling nalagutan ng hininga.


"Sige hahanapin natin ang portal, pero ano ba ang itsura nun?".


"Isa syang bilog na alimpuyo na kulay itim, na binubuo ng pure negative energy, kailangan mahanap natin yun bago pa mahuli ni Mirasol sila Mia at Vhon", sabi ko at nagsimula na kami hanapin ang portal.


Una kaming naghanap dito sa 1st floor at sa cellar, ngunit wala kami nakita. "Wala talaga dito, try naman kaya natin sa 2nd floor", sabi ni Lad at umakyat kami dun.


Ang dating mga kwarto ay naging mga rehas na sa dimensyon na ito, at sa luob ng mga rehas ay may tig iisang bata na nakakulong, ang dalawa sa kanila ay wala ng bibig at isa sa kanila ang nakakapagsalita pa.


"Tulong!, Tulongan nyo kame, pakiusap", sabi ng bata na nakakapagsalita.


"Sige tutulungan ka namin, pero pwede mo ba sabihin kung ano ang pangalan mo?, at ng mga kasama mo?", sabi ni Lad.


"Ako si Ephraim!".

Ghost Club: Chapter 1Where stories live. Discover now