Episode 21

1K 39 0
                                    


"Anak, ano ang nangyayari?, asan ang mga kapatid mo?, at bakit nakakandado ang pintuan", sabi ni Itay. 

 "Si si I-inay", mabulol bulol ko na pagkakasabi at humagulgol ako sa iyak at niyakap ako ni Tatay. 

 "Okay lang yan Anak, andito na ako, asan na ba ang mga kapatid at Nanay mo?".

 "Si Nanay pinatay nya si Chok-Chok".

 "Ano!, totoo ba ang sinasabi mo!".

 "Opo Tay, ano ba ang nangyayari kay Nanay bakit ibang-iba na siya".

 Agad tumakbo paakyat si Tatay at sumunod ako, at sa aming pag-akyat ay nagkalat ang mga dugo sa hallway ng 2nd floor.

 Kalunos-lunos ang paligid, ngunit mas kagimbal-gimbal ang mga nakita namin sa kwarto nila Vincent , Tupe at Chok-Chok.

 Sa unang kwarto ay nandun ang duguan na bangkay ni Vincent tinaggalan ng bunganga at nakapako sa loob ng Cabinet.

 Sa pangatlo na kwarto naman ay nandun ang duguan na bangkay ni Tupe, bali ang leeg at wasak din ang bunganga.

 Sa pang limang kwarto naman ay nandun ang duguan na bangkay ni Chok-Chok, halos wala na syang ulo sa sobrang pisa, at nagkalat din ang mga bahagi ng utak nya sa paligid.

 "MIRASOL!", nang-gigigil na sigaw ni Tatay. Pumunta si Tatay sa 3rd floor at kinuha ang shotgun na kadisplay sa pader, kumuha din siya ng mga bala sa drawer at kinargahan ang shotgun. "Tay!, ano ang gagawin mo?, para saan yan". 

 "Hindi na siya ang Nanay mo Anak!".

 "Tay wag po si Nanay padin yun", sabi ko ngunit di ko mapigilan si Tatay sa pagpunta sa Masters Bedroon.

 Pagka-bukas na pagkabukas ng kwarto ay sinungaban ni Nanay si Tatay at nagpagulong gulong sila papasok at nabitawan ing ni Tatay ang shotgun. 

 "Nagbalik ka Mahal hahaha", sabi ng paos na boses ni Nanay habang sinasakal si Tatay.

 Dinampot ko ang shotgun ni Tatay at tinutok ko kay Nanay.


 Babarilin ko ba sya?, bigla nalang pumasok sa isip ko ang itsura ng mapagmahal ko na Ina, yung paghehele nya sa akin nung ako ay baby pa, yung mga masasayang sandali na kasama namin sya ni papa, nung masasayang sandali ng aming pamilya, Si Nanay at ang nakangiting mukha nya habang nagpapiano ang sumasagi sa aking isipan. 

 BANG! At bumagsak nalang bigla si Nanay. Nabitawan ko ang baril, napaluhod ako natulala. "Nanay pasensya na po, Nanay sorry!", sabi ko habang umiiyak nilapitan ako ni Tatay at muli nya ako niyakap, sinandal nya ang ulo nya sa aking balikat at humagulgol nadin siya ng Iyak.

 Matapos nun nawalan ulit ako ng malay. Pagmulat ng aking mga mata ay nakahiga na ako sa salas. 

 Tumayo ako at naglakad papunta ng 2nd floor ngunit paakyat na sana ako ng makita ko sa bintana si Tatay kaya naman agad ako tumakbo palabas. Sa labas ay may 5 na hukay na ginawa si Tatay, at sa tapat nun ay ang mga nakabalot sa kumot na mga labi ni Vincent, Tupe, Chok, Janna at Inay. "Hindi nyo po ba nakita si Princess Tay?".

 "Hinde Anak, saan mo ba siya huling nakita?".

 "Umakyat po sila ni Janna kanina gamit ang Elevator para dumaan sa Terrace".

 "Si Janna lang ang nakita ko Anak".

 "Ganun po ba, sana naman ay nakatakas siya", sabi ko. 

 Sinimulan na ni Tatay na ilagay ang mga labi sa hukay at nagsimula siya kay Vincent at habang ginagawa nya yun ay umupo ako sa Labi ni Inay hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay.

 Napansin ko na suot nya parin yung sing-sing kaya kinuha ko ito bilang ala-ala. 

 Matapos matabunan ang lahat ng labi ay nag-alsa balutan na kami ni Tatay. 

 Nilagyan nya ng kadena ang gate ng bahay.

 "Anak huwag mo na sana sasabihin sa iba kung ano ang nangyari dito, sikreto na natin itong dalawa at dadalhin natin ang sikreto na ito hanggang sa hukay". 

 "Opo Itay", sabi ko at umalis na kami ni Tatay.

Ghost Club: Chapter 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon