Episode 19

1K 39 4
                                    


Pinakita namin kay Tatay ang napulot namin na sing-sing..


"Aba mga Anak, purong ginto ang sing-sing na ito ah, saan nyo ito nakuha?".


"Doon po sa bodega Tay".


"Tamang-tama ito na ang ireregalo ko sa Anniversary namin ng Nanay nyo, tutal matagal ng naiwala ni Mirasol ang wedding ring namin eto na siguro ang kapalit nun, huwag nyo sasabihin sa Nanay nyo na napulot nyo ito ha".


"Sige po Tay".


"Pero sa susunod ayoko na nakikialam kayo dun sa baba, mamaya kakahalungkat nyo may ahas na pala, kaya huwag na huwag na kayo makikielam dun".


"Opo Tay, eto kasi si Vincent eh".


"Bakit ako?".


"Eh ikaw naghalungkat dun eh".


"Kung di ako naghalungkat dun malamang wala na ireregalo si Itay ka Inay".


"Nagpapalusot ka pa tara na nga!".


Niregalo ni Itay kay Inay ang sing-sing na napulot namin ni Vicent, at bilang selebrasyon ng kanilang ika-28th na anibersaryo.


Ngunit ng mga sumunod na araw ay tila may nagbago na kay Inay, lagi na siyang balisa, at masungit nadin siya pag kinakausap..


"Ok sino mag le-lead ng prayer ngayon?", sabi ni Itay.


"Ako po Tay!, ako po!", sabi ni Janna.


"Sige ikaw ulit Janna".


"Papa Je...", sabi ni Janna ngunit napahinto sya..


"Tigil!, huwag mong babanggitin ang pangalan na yan sa harap ko!", sabi ni Inay.


"Mirasol ano ba ang nangyayari sayo?, at bakit paos ka?".


"Wala mahal kumain nalang tayo!".


"Sige kumain na kayo mga anak , tinotopak nanaman ata ang Nanay nyo".


At nagsimula na kami kumain..


"Mirasol nagsusugat na yung daliri mo dahil sa sing-sing, bakit hindi mo hubarin muna yan, mukhang masikip sayo eh".


"Hinde!, hindi mo pwede kunin ito! Akin ito!".


"Wala naman ako sinabing kukunin ko ah?, ang sabi ko hubarin mo muna kasi dumudugo na yung daliri mo sa sobrang sikip?, Mahal ano ba nangyayare sayo ha?, tignan mo natatakot na yung mga bata sayo, mukha kang may sakit, tapos paos ka pa, para ka namang si Smeagul nyan eh, kulang nalang sabihin mo MY PRECIOUS".


"Tigilan mo ako!, manloloko ka!, Babaero!, isa kang taksil!".


"Ano ba ang pinagsasabi mo Mirasol!".


"Huwag kana magkaila!, sinabi sa akin ng Kaibigan ko na may Babae ka!, isa kang taksil!", sabi ni Inay at pinaghahampas nya si Itay.


"Sinong Kaibigan?, aray! Aray!, tigilan mo nga yan!, wala akong Babae!", sabi ni Itay at hinawakan nya ang kamay ni Nanay.


"Nay, Tay ,wag na po kayo mag-away sabi ni Princess.


"Nay! , Tay Huhuhu", sabi ni Janna habang umiiyak.


"Mga bata ang mabuti pa siguro umakyat muna kayo sa taas", sabi ni Itay at pumunta na kami sa kanya kanya namin na mga kwarto.


Sa loob ng kwarto ay rinig padin namin ang pagtatalo ng dalawa.


Nang tumahimik ay lumabas ako ng kwarto para silipin kung ano na ang nangyari, at nakasalubong ko si Itay na may dala-dalang maleta.


"Itay saan po kayo pupunta?", sabi ko.


"Pinapalayas ako ng Nanay mo Nak, pinipilit nya na may Babae ako, eh wala naman, ang Nanay nyo lang naman ang nag-iisang Babae para sa akin".


"Eh bakit nya po sinasabi na may Babae kayo?".


"Sinabi daw ng kaibigan nya".


"Sinong kaibigan po Tay?, baka nagkamali lang?".


"Hindi ko alam Nak, wala naman ako kilala na kaibigan ng Nanay mo ni hindi nga lumalabas ng bahay yan eh".


"Tay isama nyo na po ako".


"Dito ka lang Anak., bantayan mo ang mga kapatid mo, babalik ako agad, magpapalamig lang ang Tatay, ikaw na bahala sa Nanay at mga Kapatid mo ha", sabi ni Tatay at umalis na sya.

Ghost Club: Chapter 1Where stories live. Discover now