Episode 12

1.1K 46 0
                                    


"HABANG AKO NAMAN, AY NAHIRAPAN HUMINGA SA LOOB NG MINI ELEVATOR AT YUN NA ANG AKING IKINAMATAY", sabi ni Mia.


"Grabe pala yung nangyari sa kanila, lumakas tuloy luob ko na puksain yung masamang espiritu na yun", sabi ni Vhon.


"May ideya na ba kayo tungkol sa hinahanap natin na bagay sa storya ni Princess na makakatulong sa atin?, gusto ko muna marinig ang mga ideya nyo", sabi ko.


"Para sa akin yung Piano ang dapat natin sirain, mahilig sya dun baka dun sya nalink?", sabi ni Lad.


"Oo nga yung Piano din ang saken, eh ikaw Mia?", sabi ni Vhon.


"Yun lang din pumapasok sa isip ko eh".


"Kung gayon ay pare-pareho pala tayo ng iniisip, pero kailangan may iba pa tayo na prospect kase what if hindi pala yung Piano ang dapat natin sirain, may naiisip pa ba kayo na bagay bukod dun?", sabi ko.


"Tama si Kaira guys, hindi tayo pwede na sa isang bagay lang tayo nakabase, paano kung mag-atempt tayo pero hindi naman pala yun yung bagay kung san sya naka link, edi tapos tayo lahat?, dapat mag-isip pa tayo ng bagay na pwede sirain bukod sa Piano", sabi ni Lad.


"Oo nga no?, pano kaya kung sirain din natin yung flower vase, kasi grabe nalang galit nya ng nabasag yun diba?, baka mahalaga din sa kanya yun?", sabi ni Vhon.


"MAHILIG DIN SI NAY MIRASOL SA MGA LIBRO, PERO MADALAS NYA BASAHIN YUNG LIBRO NA KULAY ITIM NA MAY GINTONG TITLE, yan ang sabi ni Princess guys", sabi ni Mia.


"May tatlo na tayong prospect, at lahat yun posibleng ang bagay kung saan siya nakalink, kaya pagplanuhan na natin ito ng maiigi bago tayo lumabas ng kwarto na ito", sabi ko.


"Lalabas tayo?, sasalubungin natin yung multo?", sabi ni Lad.



"Tignan mo yung radar mo, kung nasaan yung Poltergeist?".


"Wala, wala na sya sa radar ko".


"Bumalik na siya sa kanyang dimensyon". "Edi wala na sya?".


"Hindi ganun yun, pupunta lang siya dito sa mundo ng mga buhay if nabulabog siya, may pumasok sa teritoryo nya or may nakialam sa bagay kung saan sya nakalink, ganito para mas maintindihan nyo ihalintulad natin yung poltergeist sa isang gagamba tapos yung territoryo nya ay yung sapot, once na gumalaw or may dumampi sa sapot magrereact at lalapit ang gagamba, ganun din sa poltergeist".


"Dahil sa vibration kaya nagrereact ang gagamba diba?".


"Exactly ihalintulad mo naman yung vibration sa mga ingay at sa item na nakalink sa kanya, tulad ng kanina ko pa sinasabi sa inyo naririnig nya ang ingay sa mundo ng buhay at alam nya kapag ginalaw ang bagay kung saan sya nakalink".


"Naiintindihan ko na, marahil inakala nya na wala ng tao dito dahil wala ng ingay , at marahil inakala nya na nakatakas tayo dahil hindi nya tayo makita".


"Tama ka, hindi nya tayo makita at maramdaman dahil sa talisman na nilagay ko sa pinto, sa paningin natin ay nandyan ang pinto pero sa paningin nya walang pinto dito", sabi ko.


"Kung sa ingay siya nabulabog, bakit ngayon lang sya lumabas?, eh tatlong araw na nag jajam yung mga rakista sa 5th room?".


"Palaisipan padin sa akin ang bagay na yan".


"So ano na ang plano natin Kaira?", sabi ni Mia.


"May tatlong prospect na tayo, aakyat tayo dun para sirain yung mga bagay na posible siyang nakalink, yung Piano, Libro at Vase, pero gagawin natin yun ng tahimik at walang ingay, maghiwa-hiwalay tayo, ikaw Vhon ang sisira sa mga vase pero ipunin mo muna lahat bago basagin kailangan sabay-sabay masisira , tapos ikaw naman Mia at Lad ang maghahanap ng Libro sa Library at ako naman ang sisira sa Piano ", sabi ko.


"Sa Master BedRoom nakalagay yung Piano?, paano natin mabubuksan yun ng hindi gumagawa ng ingay?", sabi ni Lad.


"Gagamitin ko ang Mini Elevator para makapunta dun tapos bubuksan ko ang pinto, atsaka wala naman ibang magkakasya dun kundi ako lang, kaya ako ang sisira sa Piano".


"Paano mo naman masisira yun eh ang laki-laki nun?", sabi ni Lad.


"Gamitin mo ito, nakita ko to kanina habang naghahanap ng bering", sabi ni Vhon at inabot nya ang maso sa akin.


"Hinde akin na yung maso, buksan mo nalang yung pinto at ako ang sisira dun", sabi ni Lad. "Sige yun nalang", sabi ko.


"Oh ayan guys, gawin na natin!", sabi ni Vhon.

Ghost Club: Chapter 1Where stories live. Discover now