Episode 15

1K 44 2
                                    


"Anong ginawa mo Vhon!", sabi ni Lad.


"Pasensya na tol hindi ko sinasadya".


Tut! Tut! Tut! (Tunog ng Radar).


"Masitago kayo!", sabi ko at kanya kanya kami ng tago.


Nagtago silang lahat sa Library samantalang ako naman ay sumuot sa ilalim ng mahabang upuan.


SHSSSSHH.... 


(tinig mula sa loob ng Masters Bedroom at lumabas ang isang napaka-kapal na usok).

Ang usok ay nag-anyong tao at naging si Mirasol.


Ganun parin ang itsura nya naka-itim na dress, maputla ang mga balat, puro puti ang mga mata, ngunit hindi na siya lumulutang sa ere katulad kanina, dahil ngayon ay gamit nya na ang kanyang mga paa habang ika-ika na humahakbang.


Tahimik ang buong paligid at tanging mga footsteps lang ni Mirasol ang naririnig.


Naglakad siya patungo sa direksyon kung saan nabasag ang flower vase.


"HUWAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!", sigaw nya at binasag nya ang iba pa'ng flower vase na nasa lapag.


"Sabi ko wag maingay, sabi ko wag maingay, sabi ko wag maingay", yan ang paulit-ulit sinasabi ng kanyang paos na boses habang tinatakpan nya ng kamay ang kanyang mga tenga.


Napatigil siya sa pagsasalita ng makita ang Itim na libro, na nasa tapat ng aking pinagtataguan, marahil ay nabitawan ito ni Mia. Dahan-dahan siya humahakbang patungo sa direksyon kung nasan ang libro at kung saan ako nagtatago.


Kitang-kita ko na ang kanyang mga paa na nakatigil sa tapat ng libro at tapat ko.


Nanginginig na ako sa takot, tinakpan ko ang aking bibig kasi feeling ko malapit na ako mapasigaw.


Dahan-dahan ko nakikita ang pagbaba ng kanyang mga buhok na para bang tumutungo sya upang sumilip.


Nang biglang bumukas ang pintuan ng library at lumabas si Lad at binato ng Radar si Mirasol. Ngunit tumagos lamang ito sa katawan nya at tumama ang radar sa pader, kasabay ng pagkawasak nito.


"Hindi ako natatakot sayo!", sabi ni Lad at tumayo si Mirasol at nilingun siya.


"SHSSHHH".


"Hindi mo ako mahuhuli!", sabi ni Lad at tumakbo siya pababa.


Nag-anyong usok muli si Mirasol at sinundan si Lad sa baba.


Samantalang ako naman ay hindi makagalaw sa aking pwesto, mabilis padin ang kabog ng aking dib-dib.


Pero sinakripisyo ni Lad ang kanyang sarili para iligtas ako.


Lumabas ako sa aking pinagtataguan, dinampot ko ang itim na libro at hinati ko sa gitna. Hinahanap ko ang maso, pumasok ako sa library.


"Kaira si Lad", sabi ni Mia.


"Oo alam ko, asan na yung maso?".


"Eto oh", sabi ni Vhon at inabot nya sa akin ang Maso.


"Kahit anong mangyari huwag kayo lalabas sa kwarto na ito hanggat wala pa ako, at hanggat hindi pa tapos ang lahat na ito".


"Pero Kaira., pwede ka naman namin samahan", sabi ni Mia.


"Wala na tayong oras, kailangan may matira padin sa atin, upang magplano kung sakaling hindi gumana ito, Vhon kayo na ang bahala", sabi ko at lumabas ako ng kwarto dala-dala ang maso. Pumasok ako sa Master's Bed

room, at pinag-pupuk-pok ko ang Piano gamit ang mabigat na maso.

Pinukpok ko ito hanggang sa mawasak ang mga flyhood nito, nawasak din pati ang mga piyesa na nagkalat na sa sahig.


Tapos na kaya?., yan ang tanung ko sa aking sarili.


"SHSSSSSSHH", tinig mula kay Mirasol na nasa aking likuran.


Tinakpan nya ang aking mga bibig at sabay kaming nilamon ng dilim at nawala na parang bula.

Ghost Club: Chapter 1Where stories live. Discover now