Episode 23

1K 41 2
                                    


Nagsindi ako ng kandila at bumaba ako para tignan ang nangyari sa mga boarders ko.

 Ayos lang ba kayo diyan?", sabi ko. 

 "Kuya anu ba ito!, pangatlong araw palang namin sa boarding house na ito, tapos ganito na!", sabi ni Ken.

 "Pag-pasensyahan nyo na , ichecheck ko nalang mamaya sa cellar ang main power, baka kasi doon nagkaroon ng problema, kukunin ko lang ang mga kagamitan ko at kukumpunihin ko ang maaring sira", sabi ko.

 "Aba dapat lang, sayang lang ang binayad namin dito , tara pre ang mabuti pa mag yosi na muna tayo sa labas", sabi ni Ephraim at bumaba na ang tatlo.

 Muli ay umakyat ako sa 3rd floor dahil may suspetsa ako kung ano ang nangyayari. Pumasok ako sa loob at dadamputin ko sana ang sing-sing sa ibabaw ng Piano ngunit isang tinig ang narinig ko habang may makapal na itim na usok ang nabubuo sa sahig. 

 "SSHSSSSH", sabi ng boses. 

 Maya-maya pa ay nag anyong tao na ang itim na usok. "Nanay?", sabi ko at sinunggaban nya ako at sabay kaming nilamun ng kadiliman.

 Nagising ako ng nakatali na sa upuan at nakatayo si Nanay sa aking harapan.

"Nay?", sabi ko. Nagtaka ako dahil boses bata na ako, miski ang buong katawan ko nagbalik sa pagiging bata.

 "Buti at umuwi kana Anak, asan na ang Tatay mo?, Patay na ba siya hik-hik-hik", sabi ng paos na boses ni Nanay. 

 "Nay kayo ba talaga yan?".

 "Baket?, nakalimutan mo na ba ang itsura ng pinakamamahal mong Ina?, na PINATAY MO!".

 "Hinde totoo yan!, aksidente lang yun!".

 "Sinungaling binaril mo ako!, binaril mo ako dahil ayaw mo na ako maging Nanay mo!, sino ang ipapalit mo?, yung kabit ng Tatay mo!".

 "Hindi totoo yan!, walang babae si Tatay, ikaw lang ang mahal nya at alam mu yan!". 

 "Hinde!", sigaw ni Nanay. "Wala siyang Babae, may babae siya, ako lang ang mahal nya, may mahal siyang iba", sabi nya na para bang kinakausap nya ang sarili.

 "Tumagal kayo ni Tatay ng ilang taon, at sobrang mahal ka nya, hindi nya magagawa yun!".

 "Hindi nya magagawa yun, magagawa nya yun". 

 "Nay labanan mo yan!". 

 "Tahimek!", sigaw nya at tinakpan nya ang aking bibig.

 Pag-alis ng kamay nya ay hindi narin ako makapagsalita, hindi ko maibuka ang aking mga bibig, miski dila at laway ko di ko na maramdaman.

 "Tulong!, tulongan nyo kame!", sigaw ng mga bata na nagmumula sa 2nd floor.

 "Ayoko talaga ng maingay", sabi ni Nanay at bumaba siya.

 Tinignan ko ang buong paligid, black and white lang ang kulay.

 Ano ba talaga ang nangyayare!. 

 Bumukas bigla ang pinto at pumasok si Nanay na parang nagmamadali, at nag-anyong usok siya at pumasok sa itim na portal sa ilalim ng kama.

 Ilang minuto lang ang nakalipas ay bumakas nanaman ang pinto at pumasok ang dalawang bata, isang lalake at isang babae. 

 "Teka kilala kita, ikaw si JM diba?", sabi nya.

 "JM?", sabi ni Lad.

 "Siya yung isa sa anim na mga bata na nakatira dito, kaya JM ikaw nalang ang natitirang pag-asa namin, alam mo ba kung nasaan ang portal?", sabi niya.

 Portal?, siguro yun yung nasa ilalim ng kama.

 Hindi ako makapagsalita kaya tumungo ako.

 "Nasaan?". Paano ko maituturo, kung nakatali ako, alam ko na.

 Ginalaw ko ang ulo ko at tinitigan ang lubid na nakatali sa akin. 

 "Lad kalagan natin siya", sabi ni Kaira at pinakawalan nila ako.

 Pumunta ako sa kama at inusog ko ito. Tumalon bigla yung babae, tapos sumunod yung lalake, kaya tumalon narin ako.

 Pagtalon ko sa loob ay parang nalaglag ako sa mataas na building, hanggang sa bumagksak muli kami sa kwarto.  

Ito padin ang Master's Bedroom pero hindi na black and white ang paligid.

 "Mang Nestor?, ikaw si JM?", sabi ni Lad.

 "Mang Nestor, ideya po ba kayo kung ano ang bagay na naglilink sa Nanay mo".

 "Anong naglilink?". 

 "Wala ng oras para ipaliwanag ko, may ideya po ba kayo kung ano sa mga gamit nya ang kailangan sirain para matalo ang Evil Spirit".

 Ano ba ang sinasabi ng dalaga na ito?, hindi ko magets?, at anong Evil Spirit, bigla nalang nagflashback sa isip ko yung napulot namin na sing-sing, na niregalo ni Tatay kay Nanay, na sinuot ni Nanay na ayaw nya hubarin, na kinuha ko bilang ala-ala, na pinatong ko sa ibabaw ng Piano.

 "Yung sing-sing", sabi ko. 

 "Sing-sing asan?".

 "Nilapag ko sa ibabaw ng Piano", sabi ko ngunit sira na ang Piano.

 "Nako lagot mukang naglaglag na ata dahil sa pagsira ko sa Piano, Lad bilis ilawan mo ng phone mo", sabi ni Kaira.

 Hinanap namin sa sahig ang sing-sing.

 "Kaira eto may gintong sing-sing dito", sabi ni Lad. "Wait wag mo muna hahawakan", sabi ni Kaira at kinuha nya ang Maso at bumwelo upang sirain ang sing-sing.

Ghost Club: Chapter 1Where stories live. Discover now