Episode 20

1K 42 0
                                    


May ilang araw na simula ng umalis si Itay ng bahay, wala nang ibang ginawa si Inay kundi ang mag-inum at magkulong sa kanyang kwarto, minsan nga sinisilip ko siya, para siyang may kinausap pero siya lang naman yung tao dun. Atsaka laging ni-lolock ni Inay ang mga pinto at bintana para hindi na raw makapasok si Itay, kaya hindi na rin kami nakakalabas ng bahay. 

 Buti nalang at marunong magluto si Princess kaya kahit papaano nakaka-kain kami.

 "Malapit na maubos ang bigas, at ang mga deleta baka wala na tayong kainin sa mga susunud na araw", sabi ni Princess.

 "Tipirin nalang muna natin", sabi ko.

 Umakyat ako sa taas upang silipin muli si Nanay..

 "Hindi ko sila papatayin, hinde!, hindi ko sila papatayin!, ano sabi mo Papatayin ko sila?, ah papatayin ko sila, sige papatayin ko sila", sabi ni Nanay. 

 Kinilabutan ako sa mga sinabi ni Nanay.. Ilang sandali lang ay umupo na siya sa tapat ng kanyang Piano at ginamit ito.

 Nagpatugtog nanaman siya ng nakakatakot na tunog na para bang background music sa isang nakakatakot na pelikula. 

 Nagpatuloy siya sa pagtugtog hanggang sa may nabasag sa 2nd floor, at tumayo sya kaya naman tumakbo ako pababa. 

 "Ano ang nangyari?", sabi ko.

 "Nabasag ni Vincent yung flower vase eh", sabi ni Princess.

 Maya maya pa ay bumaba na si Nanay, ibang-iba na ang itsura nya , medyo may pagkakulobot na ang balat nya at nanlikisik ang mga mata, maihahalintulad na nga siya sa isang nakakatakot na mangkukulam.

 "Hindi ba sabi ko sa inyo walang maingay ha!", sabi ni Nanay habang nanginginig sa galit at nanlilisik ang mga mata. Nakakatakot na si Nanay kaya sa di malamang dahilan ay tumakbo si Chok-chok papunta ng kwarto.

 "Ikaw pala yun ha!", sigaw ni Nanay at sinundan nya si Chok sa kwarto at may dala siya na paso at yun din ang ginamit nya para patayin ito. Tumakbo kami nila Princess at Janna pababa at naiwan naman sila Vincent at Tupe sa 2nd floor.

 Hindi kami makalabas dahil nakapadlock ang mga pinto. Pinaakyat namin si Janna upang dumaan sa Terrace upang makahingi ng tulong, at sumunod naman sa kanya si Princess.

 Sigurado ka ba susunod ka?, kaya naman na ata ni Janna yun", sabi ko.

 "Kailangan ako ni Janna dun, tsaka baka hindi nya mahanap yung susi sa sobrang takot, kaya ibaba muna yung lever", sabi ni Princess.

 Binaba ko ang lever at inakyat na ng elevator si Princess pataas at sakto naman na dumating si Nanay na kumakatok mula sa labas ng cellar kaya naman nagtago ako sa likod ng mga kahon.

 Pumasok si Nanay sa cellar..

 "Hinde, hinde, hinde!!", sigaw nya na parang may hinahanap, binuksan nya ang takip ng makina na nagpapaandar sa elevator at hinampas nya yun ng Maso at agad siyang tumakbo palabas.

 Paglabas ni Inay ay binaba ko ulit ang lever ngunit hindi na ito nagana, siguro nasira ito sa pagkakahampas ng Maso.

 Tumakbo ako paakyat ngunit sa aking pagtakbo ay na out of balance ako at nagpagulong-gulong ako pababa at nawalan ako ng malay. Princess, Janna, Vincent, Tupe, tumakbo na kayo yan ang aking binabanggit habang nakahiga.

 "Hinde!", sabi ko at nagising ako Tumayo ako at kahit nahihilo pa ay umakyat ako sa 1st floor at gabi na pala, ganun katagal na pala ako nawalan ng malay. 

 Tug!, Tug!, Tug!, tunog ng pintuan na parang may gustong pumasok ng bahay, siguro ay nakahingi na ng tulong sila Janna.

 Unti-unti natatanggal ang mga turnilyo ng pintuan, kung sino man siya na gusto pumasok dito ay gumagana ang kanyang ginagawa, maya-maya pa ay tuluyan ng natanggal ang mga turnilyo at nagbukas na ang pinto. 

 "Itay?", sabi ko.

Ghost Club: Chapter 1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora