Prologue

307K 5.1K 554
                                    

"Jude, you should meet this guy." Pangungulit ni Wendy. Parehas kaming barista dito sa Tea shop na pinagtatrabahuhan ko.  I smiled at the customer as I gave her her ordered milk tea. "He's nice. At isa pa super gwapo niya!"

Kaibigan ko siya pero may mga oras talaga na gusto ko siyang itapon palabas ng shop sa sobrang daldal niya. Ayan nanaman siya sa pag reto sa akin sa mga kaibigan ng boyfriend niya. Alam naman niya na hindi ko priority ang makipag relasyon ngayon. Napailing nalang ako.

"Alam mo naman na hindi ako mahilig makipag date."

"Hoy Jude, aba 26 ka na! Hindi ka pabata. Gusto mo bang tumandang dalaga?" Hindi ako nagsalita. Mas matanda lang naman siya ng isang taon sa akin pero palaging ganyan ang sinasabi niya. Besides, twenty six is not that old. Ang iba nga dito thirty na nag aasawa. At saka ano ba to? May deadline? Paunahan?

Parehas kaming napatingin ni Wendy nang bumukas ang pinto. Babatiin ko na sana ang customer na pumasok pero nang makilala ko kung sino ay hindi ko na itinuloy. Si Connor lang naman pala, siya yung asungot na boyfriend ni Wendy. Ngumiti siya ng malapad pero sa klase ng tingin niya sa akin parang di ko gusto na magpakita sa kanya.

"Hey babe! Hi Jude." Hinalikan niya sa noo si Wendy bago lumapit sa akin. Ayan nanaman ang ngiti niya. His matchmaking-daddy look. Ayoko talaga kapag nakikita ko iyon sa mukha niya. Ngayon palang parang gusto ko nang tumakbo palabas.

"Connor." Simpleng bati ko sa kanya habang nagpupunas sa may counter area. Resident si Connor sa isang hospital dito sa States. Wala siyang lahing Pinoy. Nakilala niya si Wendy dahil suki siya ng milk tea dito. But I have this feeling na kaya lang naman siya naging suki dito dahil kay Wendy.

"Jude, are you free later?"

"No." Tumawa siya. Tawa tawa wala namang nakakatawa.

"I want you to meet someone." I know. Kaya nga di kita pinapansin sana mahalata mo. Tumalikod na ako sa kanya at inayos ang mga cups na nasa gilid. "He's nice."

"Pwede ba Wendy? Tigilan niyo akong dalawa nito ng boyfriend mo sa kaka-set up ng blind date sa akin." Nag kibit balikat lang si Wendy. Bumuntong hininga ako.

Last time na sinet up nila ako may asawa na yung lalaki at muntik pa akong masampal ng asawa. Jusko, grabeng kahihiyan nun sa akin. Napagkamalan pa ako kabit, mabuti nalang at kakagaling ko lang non sa trabaho kaya nakapang waitress pa akong damit. Kunwari nalang nagtatrabaho ako doon.

"But this time it's not a blind date. You need a roommate right? This guy needs an apartment. He wants a cheap one." Hindi makapaniwala na tinignan ko siya. Seryoso ba siya sa pinagsasasabi niya? Alam ko naman na iba ang lahi niya at talagang liberated siya, pero babae ako at lalaki ang gusto niya na makasama ko sa apartment. Kahit papano iba pa rin.

"Connor, are you seriously asking me to live in the same apartment with a guy whom I barely knew?" He raised a brow at me before his lips lifted to one side.

"Don't worry, he is also Pinoy. He's harmless and I don't mean to offend you but he's kinda picky when it comes to women and you're not even his type. You're too.. boyish and nerdy for him. I'm sure he'll just see you as a guy." Wow lang. Ayaw daw akong ma-offend pero lahat ng pang insulot nasabi na niya sa akin. Inayos ko ang soot kong salamin.

"No." Hindi ko na siya pinansin. Naglakad ako papunta sa lamesa ng grupo ng mga estudyante na kakalabas lang at inayos ang mga kalat.

"But Jude, your apartment is too big for you. And it has two rooms so you're not basically living with him since you'll sleep in separate rooms." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagligpit. He groaned. "Come on, Jude."

"My answer is no Connor. I'm sorry but I can't do it."

• • •


Aug. 1, 2018

Accidentally Married a Billionaire (LOB series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon