Chapter 21

103K 2.8K 163
                                    

Chapter 21

I clicked the order of the last customer on the line in front of me. Pm shift ako ngayon kaya naman mas konti ang tao compared kapag umaga. I have been working for a week and I really am enthusiastic about my work. I miss the busy feeling.

"Saan galing yang singsing mo? Ang ganda! Mukhang mamahalin ah, totoo ba yan?" Naya said while eyeing my ring. Ngayon na lang kasi kami ulit nagkasama sa shift kaya ngayon kang niya natanong. Napansin ko rin ang ibang nga kasamahan namin na tinitignan ang singsing ko pero hindi ako ganon ka close sa kanila kaya walang nag lalakas ng loob na magtanong. Si Danaya lang talaga.


"Ah ito ba? Binigay to ng as—" I immediately stopped when I remembered that no one here knows my identity. My real identity.


"As?" Tanong ni Naya.

"Aswang kong boyfriend. Bigay ng aswang kong boyfriend." Nakangiting sabi ko kay Naya. She's eyeing me while nodding her head.


"Napaka mysterious mo talaga." My brows furrowed. I was about to ask her what she means about it when I heard someone cleared his throat in front of me. Agad naman akong tumayo ng maayos at binati si Sebastian. Halos araw-araw ko din siyang nakikita dito upang bumili ng kape.


"Good afternoon Doc, what's your order?" I looked at him and waited for him to say his order pero tinitigan niya lang ako.


"So... you have a boyfriend huh?" Kumunot ang noo ko pero agad ko ding inalis at binigyan siya ng ngiti.


"Order mo po?" I repeated.

"Good afternoon Doc Zouwen, this counter is open po." Sabi ni Naya na may malawak na ngiti. Sumilip ako sa likod ni Sebastian at nakita ko si Trei na kakapasok lang at mukhang sira ang mood. Ano kayang nangyari dito sa asawa ko at nakabusangot?


I saw Naya fixed herself while Trei is walking towards us. Gusto kong mapairap dahil halata na kinikilig siya kay Trei. I tried to prevent myself from smiling. Napailing na lang ako. Sorry Naya, akin na yan eh.

"Doc, this counter is open." Ulit ni Naya nang pumila si Trei sa likod ni Sebastian.

"I'll stay here. Thanks." Sabi ni Trei at nagbigay ng pilit na ngiti. Naya looked confused. Wala nga naman kasing ibang customer maliban sa kanila ni Sebastian. She's three meters away from me dahil nasa magkabilang dulo ang monitor. Napansin ko rin ang masamang tingin na ibinigay ni Trei sa akin kaya agad ko na ulit tinanong si Doc Wright ng order niya pero mukhang hindi nakakaramdam ang isang to at gusto akong ipahamak.

"The last time, you said you're married... and now you're engaged?" Pangungulit pa niya habang nakatingin sa singsing ko.


"Yes." I quickly replied. Makaramdam ka na pinapaalis na kita sa harap ko, please lang! "Your order?"


"Is that ring even real?" Before I could even utter a single word, Trei held Sebastian's shoulder that made him look at Trei. I gulped as I looked at my husband's dark face. Patay na.

"Why don't you give your order to that young miss over there." Nakangiting turo niya kay Naya. "And I'll give mine to the lady here, alright Dr Wright?"

Shit. Ngayon ko lang nakita si Trei na ganyan. Nakangiti pero nakakatakot ang aura. Sana naman umalis na tong isang to. Kasi naman eh! Baka pagtalunan nanaman namin to ni Trei sa bahay dahil sa kanya. I want to be in this job as quiet as possible.

"I got here first." Sebastian said with a shrug.

Trei's smile disappeared. My lips parted as I look at him. Parang tumigil din ako sa paghinga nang makita ang pag iiba ng expression niya. Then he smirked at Sebastian.

Accidentally Married a Billionaire (LOB series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon