Chapter 15

117K 3.1K 98
                                    

Chapter 15

Akala ko simpleng party lang ang pupuntahan namin, hindi ko inakala na bigatin pala. Nagulat ako kanina nang may dumating na mga stylist at make up artist sa bahay. Akala ko kung anong meron, yun pala tinawagan daw sila ni Trei para ayusan ako. Mabuti pa yung mokong tulog lang maghapon at nung malapit na mag alas syete saka lang siya naligo at nag bihis tapos tapos na, ako buong hapon akong inaayusan. Halos nakatulog na ako sa sobrang pagka bagot.

Ang hirap talagang maging babae, daming arte sa katawan.

"Maam hinihintay na po kayo ni Mr. Zouwen sa baba." I nodded my head at one of the stylist. I looked at the mirror once again. They've put me in a blush floor length gown. It is plain and the designs are too simple but it screams elegance. Ang sabi din nila, natural make up lang ang ginawa nila since my facial features are enough to be pretty. Di ako naniniwala.

"Don't worry, you look better than before. Mas mukha ka nang tao." Hindi ko alam kung matutuwa ako sa head stylist na to na kinuha ni Trei or maiinis pero mas pinili ko na ngitian nalang siya. Kapag tinignan mo siya hindi mo din naman aakalain na stylist siya. Mas mukha pa siyang principal kesa stylist.


She fixed her glasses as she stares at me. "Stop insulting me in your thoughts. Trei's waiting."


Napaatras ako at tinitigan siya habang naglalakad palabas ng kwarto. Nababasa ba niya ang nasa utak ko? O masiyadong obvious sa mukha ko? Inirapan niya lang ako at mahinang itinulak palabas ng kwarto.


"Wow.. you look..." He wasn't able to finish his sentence as he just stares at me with those admiring eyes.

"Babae na ba ako ngayon sa paningin mo?" I joked and he threw his head back as he laughed. This will be our inside joke. Him, thinking that I prefer women than men. Hindi ko talaga gets kung bakit ganon ang akala niya... kung sabagay, mas siga pa ako sa kanyang gumalaw minsan.


"Damn, thank God you're not a lesbian. Mahihirapan sana akong akitin ka." Inirap ko ang mata ko at pasimpleng siniko siya na ikinatawa niya. Medyo malakas yun ah, pero feeling niya ata kiniliti ko lang siya. "From battered boyfriend to battered husband"


"At least may improvement. You're my husband now." He grinned as I took a moment to look at his handsomeness. He looks good in his black and dark blue three-piece suit that matches his white skin. His hair is also slicked back that gave every woman an access to stare at his beautiful chinito eyes.

Iginaya niya ako palabas ng bahay papunta sa sasakyan namin. I have a feeling that, like any other rich guys, he has a lot of cars that I still haven't seen kagaya nalang nito na ngayon ko lang nakita. Marunong kaya magtipid ang lalaking ito? Before I could even think, I realized... no. Hindi siya marunong magtipid base na din sa pinagsamahan namin sa U.S. To think na namroblema pa ako na baka wala na siyang ipon.


"Why are you shaking your head?" Napatingin ako kay Trei dahil sa tanong niya. He glanced at me while he drives. Hindi ko napansin na umiling na pala ako dahil sa iniisip ko. "What are you thinking?"


"Iniisip ko lang kung bakit namroblema ako noon na baka wala ka nang ipapakain sa akin yun pala maraming laman ang bank account mo... Ilan laman ng bank account mo?" I asked and leaned near him. Trei's lips lifted to one side as he glanced at me again.


"How much do you think there is?" There's a hint of amusement in his voice. Imposible namang milyon lang dahil kung kasama ito sa grupo at kaibigan ng asawa ng pinsan ko, malamang marami rin itong pera kagaya nun.

"A billion?"

"Billions." He corrected. Napakurap ako dahil sa sinabi niya at tulalang sumandal ulit sa upuan ko.

Accidentally Married a Billionaire (LOB series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon