Chapter 1

181K 4.1K 307
                                    

I stretched my body and yawned as I woke up. Naramdaman ko na din ang sikat ng araw na tumama sa mukha ko. I looked at the clock, nine am na pala. Grabe, ang tagal na din simula ng nakatulog ako ng ganon kahaba. Ang sarap sa pakiramdam.

Tumayo na ako at dumeretso sa kusina upang mag timpla ng orange juice at mag toast ng tinapay. Mahaba ang tulog ko pero pakiramdam ko antok na antok parin ako. I don't usually get a day off but when I do, I spend the whole day lying on my bed either sleeping or watching a series or a movie. Yun lang palagi ang ginagawa ko at masaya na ako sa ganon.

I don't usually go out with friends... dahil hindi naman ako pala kaibigan na tao kaya wala akong gaanong kaibigan.


Binuhay ko ang tv at relax na umiinom lang ng orange juice nang biglang bumukas ang pinto ng cr kaya naptingin ako doon. Literal na naibuga ko ang juice na iniinom ko nang makita si Terrence na nakatapis lang ng tuwalaya at may tumutulo pang tubig simula sa buhok papunta sa katawan. Mukhang nagulat din siya na nandoon ako.


"Ooops, sorry. Didn't know you were there." Sabi niya at balewalang naglakad papunta sa kwarto niya. Nakatulala na sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya at isara ang pinto.


What was that? Ang ganda naman ng katawan niya! Lumunok ako dahil parang napuno ng laway yung bibig ko, buti nalang hindi pa tumulo. Ang aga-aga nang gugulat. May pa abs at muscles pa. Kung sana kasing ganda ng katawan niya yung ugali niya.


Napasimangot nanaman ako nang maalala yung unang beses na dinala ko siya dito sa apartment. Puro reklmo lang ang narinig ko. It's too small. It's too plain, bakit daw common ang bathroom, at  kung anu-ano pa. Malapit na nga akong mapikon kung hindi lang siya nagbayad agad.

Halos isang buwan na din siya dito sa apartment. Hindi naman talaga kami nagkaka-usap dahil kapag dumadating ako ay sobrang late na, kung hindi naman ay deretso agad ako sa kwarto para matulog. Walang pakealamanan kumbaga.

Maya-maya pa ay lumabas na siya ng kwarto niya. I can see him through my peripheral vision as he walks to the kitchen. Napansin ko din na sumusulyap siya sa akin.

"Hey." Di ko siya pinansin at nagkunwari na nanunood lang ng tv. Wala ako sa mood makipag usap sa kanya. Palagi namang walang kwenta mga lumalabas sa bibig niya. "Jude."


Even though I tried to ignore him, I can still feel his presence. May nararamdaman akong kakaiba, masamang espirito kung baga. Napansin ko na naglakad na siya palapit sa akin so I turned the volume louder for him to have a hint that I don't want to talk, pero ang hunghang, pumunta pa talaga sa harapan ko.

"What do you want?" Inis na tanong ko. He looked at me with an amused face.

"I hope you don't mind me asking, but.. are you a lesbian?" Agad akong napatayo dahil sa tanong niya pero masiyado siyang matangkad dahil hanggang leeg niya lang ako kaya nakatangad ako.

Bakit ba ang tangkad ng taong to? Mukha tuloy akong duwende na mang sesermon dito. Kainis!

"May problema ka sa mga tomboy, hah?!" He was taken aback by my sudden outburst kaya bigla niyang itinaas ang dalawang kamay as if surrendering.

"Alright. I'm sorry. I was just asking." Tinignan ko lang siya ng masama habang umaatras at nang mawala na siya sa harap ko ay umupo na ako ulit. Siya talaga ang magiging dahilan kapag inatake ako sa puso sa pinaka unang beses sa buhay ko. Kahit hindi ako high blood talagang tataas ang altapresyon ko sa kanya.

Kanina pa ako nanunood ng movie, patapos na ang ito pero hindi ako masiyadong makapag concentrate dahil habang nakatutok ako sa tv, itong isa nakatutok ang mata sa akin. Naka-upo siya sa kabilang sofa. Hindi ko alam pero naiilang ako. Kanina pa siya diyan habang kumakain ng Pringles. Tinignan ko siya pero nakakunot lang ang noo niya at hindi manlang inalis ang titig sa akin.

Accidentally Married a Billionaire (LOB series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon