Chapter 20

106K 3.1K 205
                                    

Chapter 20

I looked around the parking and glanced at my watch when I didn't saw our car. Asan na kaya si Kuya Cardo? Nakalimutan siguro na nagpapa sundo ako ngayon ng three pm dahil yun ang tapos ng trabaho ko. I was about to sit on a bench to wait but a familiar car stopped in front of me. Trei rolled down the window. Umirap pa siya nang makita akong palingon-lingon sa paligid at nang makasigurado na walang tao, saka lang ako sumakay sa sasakyan niya.

Hindi ako nagsalita. Hindi din siya nagsalita. Hanggang sa nakarating kami sa bahay pasulyap sulyap lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Ayaw ko naman kasi siyang pangunahan dahil sigurado pagod siya sa trabaho. Dumeretso siya sa banyo upang maligo. Napabuntong hininga na lang ako habang naghihintay sa kanya na matapos.


"Are you mad?" I asked as he went out of the bathroom in his shirt and boxer. He's wiping his hair with a towel and not looking at me. I sighed and went inside the bathroom to take a bath. Galing din akong hospital kaya kailangan ko din maligo.

Paglabas ko ng banyo wala na siya doon kaya lumabas na din ako upang hanapin siya. Isa lang naman pwede nun puntahan kapag ganitong oras. I knocked on his study room and when I opened, I saw him behind his desk reading some papers.


"Uy galit ka?" Lumapit ako sa kanya at sinusundot-sundot ko ang tagiliran ni Trei habang nagbabasa siya. Kanina pa niya ako hindi pinapansin! "Sorry na. Hindi ko agad nasabi sayo kasi hindi na tayo nakakapag usap ng maayos."

Bumuntong hininga siya at ibinaba ang papel na hawak bago humarap sa akin.


"Am I not a good provider?" He asked. His brows furrowed. Nag iwas ako ng tingin.

"Hindi naman sa ganon." Mahinahon na sabi ko sa kanya. Hindi pa ba good provider yung pag bigay niya sa akin ng black card na hindi ko naman magamit-gamit? Pero di na ako nagsalita. Mukhang may tampo kasi talaga itong asawa ko. Tumayo siya at lumipat sa malaking sofa na nandito. Agad naman akong sumunod.

"Then why are you... why are you working in that small cafe?" He massaged his temple before he continued. "Jesus, Judea. We own that cafe and to think that they treat you like that, it's unforgivable." He was rasing his hand in the air as he speaks. "We own that hospital! Hindi mo kailangan magtrabaho bilang... bilang..."

"Cashier?"

"Yes!" He groaned in frustration. My lips lifted to one side stopping myself from smiling. Ang gwapo niya kasi ngayon di ko mapigilan. Bagsak yung buhok niya kagaya noon nung nasa ibang bansa pa kami. Yung ayos niya kasi lately, palaging clean looking dahil doctor siya.


"In fact, you don't even have to work at all—why are you smiling? Don't play cute on me."

Pinaningkitan niya ako ng mata kahit dati naman na siyang singkit. Nawawala tuloy yung mata niya kaya natawa ako. He rolled his eyes at me and shook his head. I hugged his waist at hinayaan naman niya ako.


"Sorry na... alam mo naman na hindi ko kaya na nandito lang sa bahay at walang ginagawa." Inangat ko ang tingin ko sa kanya pero hindi pa rin niya ako tinitignan. "Sorry na nga. Anong gusto mong gawin ko?"


"I'm betting you didn't use my surname in your resume." Nakataas ang isang kilay na sabi niya. I pursed my lips that made his brows furrowed. "I am right, aren't I?"


At nang hindi ako sumagot agat, sa tingin ko alam na niya yung sagot. Sinubukan niyang alisin ang mga braso ko na nakapalibot sa kanya pero mas lalo ko lang hinihpitan ang pagkaka yakap ko. At nang di niya maalis hinayaan na niya at bumuntong hininga na lang siya.


Accidentally Married a Billionaire (LOB series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon