Chapter 6

124K 3.6K 270
                                    

Sumilip muna ako at nang makita ko na wala si Trei agad na akong lumabas ng kwarto para dumeretso sa banyo. Palingon-lingon pa ako sa paligid at nakatingin lang ako sa likod ko. Nang makarating, agad akong pumasok at ini-lock ang pinto.


Napapikit ako habang nakasandal sa pinto. Mabuti nalang at palaging halos late gumigising ang taong yun kundi hindi ko talaga alam kung paano siya haharapin. Nahihiya na kinakabahan ako dahil sa sinabi niya kagabi.


I like you.


Umiling ako ng mabilis at ilang beses. Hindi ran ako makatulog ng maayos kagabi dahil ilang ulit ang reply ng boses at mukha niya sa utak ko nang sabihin niya ang mga salita na yun.


Tinanggal ko ang tshirt ko tatanggalin ko na sana ang short ko ng biglang parang may gumalaw sa gilid ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Multo?


"Uhm..." I turned around and saw Trei without a shirt and he was holding the bands of his shorts like he was about to remove it. Nanlaki ang mata ko at hindi ko mapigilan ang mapasigaw sa sobrang gulat.



"Aaaaaahhhhh!!!!! Bastos!!!!" Sigaw ko habang pabalik-balik ang tingin mula sa mukha niya sunod sa katawan niyang na mukhang masarap papakin pagkatapos ay doon sa bagay na nakatago sa loob ng shorts niya. "Bastos ka!!!!"




Agad akong lumabas at nagtatakbo pabalik sa kwarto ko. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba. Grabe. Ang ganda naman ng katawan nun sayang nga lang dahil naka shorts pa siya kaya hindi ko nakita.



"Jude! I'm sorry. I didn't know you were... going to take a bath." Halos mapatalon ako nang marinig ang boses ni Trei. Wow self, na excite?


"H-ha? O-okay lang sige na maligo ka na." I took a deep breath.


"Do you want to—"


"Asa ka! Hindi ako sasabay sayo maligo. Hindi porket sinabi mo na gusto mo ko sasabay na ako sayong maligo!" Tama, tama. Kahit gaano pa ka ganda ang katawan niya, kahit gaano pa ka yummy yung mga pandesal sa tiyan niya... I heard him chuckle.


"Uhh, no. I was about to ask you if you want to take a bath first." He said with amusement visible on his voice. Natampal ko ang noo ko. "But if yo willing to join me... you're more than welcome."


"Ulol!!" Tumawa siya ng malakas.

• • •

"Jude, nandiyan na manliligaw mo." Malisyosong tinignan ako ng nga katrabaho ko. Lumingon ako at nakita ko si Trei na naglalakad papasok ng shop. "Ang swerte mo naman ang gwapo ng manliligaw mo."


Hindi ako sumagot. Hindi ko naman kasi talaga alam kung nanliligaw siya sa akin, wala naman siyang sinabi. Basta isang araw sumulpot nalang siya sa mga trabaho ko tapos ihahatid ako. Tumingin ako sa pinto nang pumasok siya. He greeted me with a big smile and wave. Tulalang itinaas ko ang isang kamay ko at kumaway pabalik. Napakurap ako ng dalawang beses.



Since that night when he told me he likes me my heart would always flutter when he gives me that boyish grin.



"Uhm... pwede ko bang itanong kung bakit mo ginagawa ito?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa restaurant kung saan kami nagtatrabahong dalawa.


I brought a coffee with me since nagsisimula nang mag winter. I offered him coffee pero uminom na daw siya ng kape bago ako pinuntahan. I looked around and there are people who's putting up Christmas decorations. Mukhang excited din ang iba dahil ang ibang establishments may mga Christmas lights na. It's mid-November, snows are starting to get thicker and like always, everyone is excited about Christmas.



Accidentally Married a Billionaire (LOB series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon