FIRST MEET

351 10 0
                                    

FIRST MEET

“May mga tanong ba?” tanong ni sir habang palakad-lakad siya sa room. Naikot na ata niya ang buong classroom at tumuntong na din siya sa mga bakanteng upuan sa unahan namin. Spell weird? S-I-R. Akalain mo yun.. yung inakala naming may sayad na estudyante kanina, siya pala ang professor namin. Buti na lang di niya kaya magbasa ng isip kung hindi baka nasa student council na ko ngayon.

Hindi pa siya nagpapakilala o ayaw niya lang magpakilala. Sa 30 minutes na pagsasalita niya, nakikinig lang kami sa sinasabi niya na tungkol sa subjects namin na Philosophy and Logic at kung ano-ano pang mga bagay na sinasabi niya. Gaya na lang nung opinion niya kung bakit pinagsama ang Philosophy at Logic sa isang subject at isang sem.

Actually parang hindi naman pagtuturo ang ginagawa niya.. parang nagkwekwento lang, kasi tinanong din niya kung gusto na ba namin mag-discuss siya which is sinang-ayunan namin wag muna dahil first day pa lang naman. Ang gusto kasi namin mangyari mag introduction siya about sa sarili niya. Masyado kasi siyang pa-mysterious na ewan. Eh sa kaso ngayon... Philosophy pa din ang usapan.

Sa totoo lang kating-kati na kong magtanong sa kanya kaya yung tinanong niya kung may mga tanong pa ba? Aba gumora na ko at naglakas loob tumaas ng kamay.

“Yes miss,” tawag niya habang papunta ulit siya sa unahan.

“Ah sir, bakit ka po naka-mask?” nagdadalawang isip ko pang tanong. Baka kasi sagutin niya ko ng, ‘anong pakielam mo?’ o kaya ‘trip trip lang’. Pero sa awa naman ng kahihiyan iba ang sinagot niya.

“That’s a good question miss?”

“Ay Dionne sir.”

“Yes Dionne. Why I’m wearing a mask.....” parang wini-weigh pa niya yung question bago siya sumagot.

“Because everyday, all people wear mask.” And his answer get through me. Na-amaze ako sa sagot niya na napatango-tango ako ng tinanong niya, “Right?”

Gets ko yung sagot niya at talagang tama naman. Hindi talaga natin maiiwasang hindi magsuot ng maskara. May mga bagay pa din kasi sa buhay natin na pilit nating tinatakpan kaya nagbi-build tayo ng panibagong katauhan at yun ang isang maskara na haharap sa ibang tao. Kung iisipin parang ang plastik nating lahat? Eh kasi nga diba, ‘you are who you are when nobody’s watching.” Kaya wala ka talagang masasabing TOTOONG TAO. Lahat tayo nagtatago sa mga maskarang binuo natin para sa sarili natin.

Meron din akong nabasang quotes from Oscar Wilde.

 “Man is least himself when he talks in his own person. Give him a mask, and he will tell you the truth.”

“Did I answer you question?” tanong niya sakin.

“Yes po.” With matching continuous nodding.

Napatitig ako sa kanya. Napakadali ko pa naman ding ma-curious sa isang bagay. Yung tipong kailangan kong malaman kung ano yun bago matapos ang araw kasi kung hindi ko malalaman hindi na yun mawawala sa isip ko.

Pinagmamasdan ko tuloy maigi si sir ngayon. Gustong gusto ko ng tanggalin niya na yung maskara niya. Gusto kong makita kung sino yung man behind that jabbowockeez mask. Halos silipin ko na nga ng palihim para lang makita yung mukha niya.

Mata at bibig lang kasi ang naaaninag namin.

“Siguro panget si sir.” Bulong ko kay Jana.

“Hindi bhe, pustahan gwapo si Sir.” Sabi ni Jana na akala mo siguradong sigurado sa sinabi niya.

Hello, Sir StrangerWhere stories live. Discover now